Alyssa's POV (Alyssa Madulin)
"Sasama ka ba sa camp?" tanong ko kay Andrea. Hindi kami close pero gusto ko kasi siyang maging kaibigan.
Mukha siyang mabait at ang ganda ganda niya pa. Sobrang ship ko din sila nung boyfriend niyang si Tyrell. Super bagay nila.
"Miss,cr lang po." nagpaalam ako para sana magcr pero habang naglalakad palabas ay may pumatid sa paa ko. Akala ko mahuhulog na ako pero nasalo ako ng isang lalaki.
Uhm..Zayne ata? Hindi ko matandaan pero ang alam ko ay friend din siya ni Andrea. "Ok ka lang?" medyo nag-aalala niyang tanong. "Ah. Oo. Thank you." Umayos ako ng tayo at inalis niya na rin ang kamay niya sa baywang ko.
Lumingon ako sa pumatid sakin at nakitang si Alyssa ito,Alyssa Guigue.
Tinaasan niya ako ng kilay. "What?" maarteng tanong niya.
Umiling nalang ako. "Wala." Alam kong siya yun,pero hindi ko nalang papatulan dahil ayoko ng gulo.Pag uwi ko ng bahay ay inayos ko na ang mga gamit ko. Feast day ng Saint ng section namin kaya may free day kami. Friday naman bukas kaya gusto nilang magcamping kami hanggang Saturday. Wala namang hindi sumali kaya sumama na rin ako.
"Ingat,anak!" Humalik na ako kila mommy at daddy at umalis na.
"Sinong wala pang katabi?" Nagtaas ako ng kamay. Nandito na kami sa bus at ako nalang ang walang katabi. Niyaya ako ni Andrea na umupo sa harap nila ni Tyrell kaso inunahan ako ni Alyssa at nilagay sa katabi niyang upuan ang lahat ng dala niyang gamit.
Ayos lang naman sakin na walang katabi pero mas maayos na rin ang meron. "Dun." Tinuro ng teacher ang pwesto sa tabi ko.
Nagulat ako nang makita kung sino ang tatabi sakin. Alam kong hindi rin naman kami close pero..hindi ba awkward?
"Ikaw pala." Ngumiti siya sakin na sinuklian ko naman.
"Ok. Since free day naman ito,hahayaan ko kayong gawin ang gusto niyong gawin. Swimming? Go. Bonfire? Go. Basta walang masasaktan,okay? Tawagin niyo ako kapag may emergency o kailangan ng first aid." Pagkatapos nun ay umalis na lahat ng kasama naming teachers.
"Woooh! Saya nyan!" Nagsigawan na ang mga kaklase ko at agad nang kumilos para magbihis ng panligo.
Ang iba naman ay natulog sa mga kubong nirentahan ng klase namin.
Umupo ako sa buhangin nang may biglang tumabi sakin. "Hmm..Maliligo ka?" tanong sakin ni Zayne.
"Depende..mas masarap kasing matulog,mahangin tapos masyadong mainit. Ayokong magbilad sa araw."Tumango-tango siya. "Gusto mong maglakad-lakad muna?" tanong niya sakin. Tumango ako.
Naglahad siya ng kamay para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko iyon at sabay na kaming naglakad.Andrea's POV
"Swimming."
"Sleeping."Kanina pa kami nagtatalo ni Tyrell sa kung anong gagawin namin. Gusto ko kasing lumangoy ngayon lalo na't mainit ang sikat ng araw at malamig ang tubig sa dagat.
Siya naman ay gustong matulog nalang dahil ayaw niya daw ng mainit."Swimming." Patuloy parin ako sa pag-gigiit ng swimming at siya naman ay patuloy sa pangungulit. "Sleeping."
"Swimming."
"Kissing?"
"Sw-" Napatigil agad ako."Ano ba yan!" Hinampas ko siya sa balikat. Tumawa siya.
"Wag nalang pala sleeping,yun nalang."
Sumimangot ako nang bigla niya akong hilahin sa likod ng kubo."Huy,wag naman dito! Ano ka ba-" Naputol ako sa pagsasalita dahil.."Ehem." Nagtaas ng kilay samin ang teacher namin.
"Kasama ba yan sa activities natin Mr. Velesterio and Miss Lorenzo?"
"No,Miss. Sorry." sagot ko agad.Pulang pula na ako dito samantalang si Tyrell ay walang pake at parang nabadtrip pa.
Tumango ang teacher at umalis na.
Bumuntong hininga ng malakas si Tyrell.
"Damn,nabitin pa."
Natawa nalang ako sa mukha niyang naiinis.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...