Chapter 30

26 3 0
                                    

Sabay sabay kaming bumabang tatlo. Magkahawak kami ng kamay ni Tyrell at nakakapit naman ang isa kong kamay sa balikat ng pinsan ko habang pababa.

"Andrea!" sigaw ng mga babae kong pinsan na abala sa pag-aayos ng mga pagkain.
Ngumiti ako at lumapit sakanila.

Bumeso ako at ipinakilala si Tyrell. "Ang gwapo ah? Nice one." natatawang bulong ng isa kong pinsan sakin.

"Bet. Bagay kayo."bulong ng isa ko pang pinsan na tumataas pa ang kilay.
Natawa nalang ako sakanila at hinila na si Tyrell papunta sa mga iba ko pang relatives.

"Tita,Tito,si Tyrell po-" Hindi na natapos ang pagsasalita ko dahil tumawa na ang isa kong tito at lumapit kay Tyrell at tinapik ito sa balikat.

"Hmm.. Magaling kang pumili iho.." Tumatango-tango pang sabi niya.

Napangiti naman si Tyrell at sumulyap sakin kaya sa iba ako tumingin.

"Maganda ang pamangkin ko, mabait, matalino..yun nga lang hindi nakakapagluto." natatawa niyang sabi kay Tyrell kaya ngumuso ako.

"Pero ako po ang gumawa ng desserts!" sagot ko pa at tumawa naman ang isa kong tita.

"Hay nako,Andrea! Kahit bata ay kayang gumawa nun! Pumunta ka samin minsan para maturuan naman kita at alam kong busy ang mommy mo." tumatawang sabi niya pa.

Natatawa nalang akong tumango at hinayaan silang kausapin si Tyrell habang nakahawak ito sa isang kamay ko at pinaglalaruan ito.

Bata pa kasi ang mga tita at tito ko at halos lahat ay hindi pa nag-aasawa kaya ganyan sila umasta,parang pinsan lang namin sila dahil sa kakulitan nila.

Lumipas ang oras ng puro kwentuhan ang ginawa namin.
"Pang ilan na si Andrea sa mga naging girlfriend mo?" nakangiting tanong ng tita ko.

Napahigpit naman ang kapit ni Tyrell sa isang kamay ko dahilan para magpigil ako ng tawa.
"Hmm.. Mukhang alam ko na ang sagot. " nakangiting sagot niya ulit samin at tumawa naman ang tito ko,na sa pagkakaalam ko ay playboy din.

Nagsimula na ang party pagkatapos ng mga kwentuhan.
"Kuya,pabukas po."

Nagulat ako nang biglang lumapit ang pinsan kong 6 years old palang kay Tyrell. May hawak siyang bote ng inumin at pinapabukas ito kay Tyrell at tinititigan ito na para nang sinusuri.

Ngumiti naman si Tyrell at binuksan ang inumin niya. Nagulat ako nang umamba siyang magpapabuhat kaya napatingin si Tyrell sakin.

Ngumiti ako at tumango at inalalayan ang pinsan ko paupo sa hita ni Tyrell. "Ate Andrea,ano mo po siya?" pagbaling nito sakin.

"Uhh." Naghahanap ako ng tamang sagot nang bigla siyang ngumiti.
"Para po kayong sila mommy at daddy?" ngiting-ngiting tanong niya.

"Oo! Ganun nga!" biglang sagot ng nakangising si Tyrell kaya napailing  nalang ako.

Nagsimula na ang exchange gift at nagsaya na ang mga kamag-anak ko. Nagsimula sa tita ko na nabunot si mommy.

Ngumiti naman si mommy at kinuha ang regalong ibibigay niya.
"Ang nabunot ko ay hmm.. gwapo, matangkad, at ang bagong miyembro ng pamilya! Si Tyrell! "

Nag-ingay naman ang mga tita at tito kong kausap namin kanina. Nakangiti naman akong pinagmasdan lang sila.

"Ang nabunot ko po ay maganda, mabait, lahat.. halos lahat ay nasa kanya na, kaya mahal na mahal ko siya." nakangiti niyang sambit habang nakatitig sakin.

"Si Andrea po.."
Tinukso naman ako ng mga pinsan ko habang papalapit.

"Merry Christmas, baby. I love you." bulong niya sa gitna ng mga tukso at sigawan ng mga pinsan ko.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon