Chapter 27

29 3 0
                                    

"Tsk. Tingnan mo ang nangyari sayo?" inis na sabi niya pa at kinuha ang panyo niya.

Pinunasan niya ang kamay at mukha ko.

"Ok lang. Nangyari na eh. Magpapalit nalang ako." sagot ko.

"Tsk. Kung hindi pa ako dumating malamang pinormahan ka na nun." bulong niya pa.

Natawa naman ako sa iniasta niya. "Asan na yung pinamili natin? Magpapalit na ako." nakangiting sabi ko.

"I'll get it. Samahan na rin kita." sagot niya at pumunta sa lamesa para kunin ang mga pinamili namin.

Nakangiti naman akong pinagmasdan siya.

Pagbalik niya sakin ay sabay na kaming pumunta sa comfort room.

"Dito lang ako." sagot niya at sumandal sa pader habang nakapamulsa. Tumango ako at pumasok na para magpalit.

Pinasuot niya sakin ang bigay niyang sweater. Yung mga biniling dress niya daw kasi ay gamitin ko sa christmas at new year.

Paglabas ko ay naabutan kong may kausap siyang dalawang babaeng mukhang kilig na kilig.

"Hi! Uh.. Gustong magpakilala sayo nitong friend ko. Kung okay lang?" nahihiyang sabi nung isa at nagtulakan sila at nagbulungan.

"Ikaw magtanong!"
"Bakit ako? Ikaw unang nakapansin!"
"Eh ikaw unang nagsabing lumapit tayo!"
"Ikaw nagsabi na gwapo!"

Nagbulungan sila hanggang sa lumapit yung isa.

"Uh.. Hi! I'm Kayla! And you are?" mapang-akit na sabi niya at nilahad pa ang kamay niya.

Kumunot naman ang noo ko at umirap bago lumapit sakanila. Agad namang napalingon sa direksyon ko si Tyrell.

"Tapos na ako.." sabi ko pa at tumingin sa dalawang babae.

Nilagay naman ni Tyrell ang takas na buhok ko sa likod ng tainga ko habang nakatingin ako sa dalawa.

"Hmm. May kailangan kayo?" tanong ko pa.

"Ah. N-no. Wala. S-sorry." uutal utal na sabi nung isa habang nakatingin parin kay Tyrell at sabay silang umalis.

"Sayang!"
"Ugh! He's taken!"
"He looks so cute pa naman!"
"Anong cute? Gwapo siya!"

Narinig ko pang bulungan nila habang papalayo.

Bumaling naman ako kay Tyrell pagkatapos kong sundan ng tingin yung dalawa.

Naabutan ko siyang nakatitig sakin habang nakangiti.
"Bagay sayo ang suot mo.."

"Don't worry,hindi ako nagpakilala." sabi niya nang nakita ang kunot na noo ko kaya tumango ako at nag-iwas ng tingin at tumingin sa paligid.

Kami lang ang tao sa buong hallway papunta sa mga comfort rooms.

"At sa tingin ko..nagseselos ka. Wait. Scratch that.. Sigurado akong nagseselos ka. Nakikita ko sa mata mo na naiinis ka..at kaya ka naiinis dahil nagseselos ka.. kasi may ibang babaeng lumapit saki-"
Naputol siya sa pagsasalita dahil hinalikan ko siya bigla.

Humiwalay ako at ngumisi.
"Pag pinagselos mo ko,hahalikan kita." nakangisi kong sinabi at iniwan siyang hindi mo alam kung gulat ba o natutuwa.

Agad siyang humabol sakin at hinarap ako sakanya.

"Oo nga pala noh? May sinabi akong ganun..eh dapat pala halikan kita kasi nagselos ako dun sa lalaking iyon kanina?" nakangisi niyang sinabi.

Natatawa akong umiling.
"Schoolmate natin yun-"
Napatigil ako sa mabilis na halik na ibinigay niya sakin.

"Simula ngayon,kapag nagselos ka halikan mo ko..Ako rin naman ang matutuwa dahil nagseselos ka na nga,hinalikan mo pa ko." nakangisi niyang sinabi.

Napailing nalang ako at tumawa.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon