Napangiti siya. "Talaga? Mahal mo ako?" tanong niya. Tumawa ako at tumango.
Nilabas ko ang bigay niyang necklace at ipinakita sakanya yun. "Binalik ko na ang bigay ni Zayne sakin. Sabi ko ibigay niya yun sa babaeng mamahalin niya." sabi ko.
Kinuha niya sa kamay ko ang necklace. "Ito ang simbolo ng pagmamahal ko sayo." sabi niya. "Ako muna ang magtatago ah? Ibibigay ko ulit sayo sa tamang panahon."
"Kelan naman yun?" tanong ko.
Ngumiti siya at hindi sumagot.Nagising ako na magaan ang pakiramdam. Masaya. Dahil alam kong may rason para gumising.
Sinalubong ako ni Tyrell sa gate ng school. Kinuha niya ang bag ko at hinawakan ang kamay ko.
Maraming napatingin kaya namula ang mukha ko sa hiya. Bumaling naman si Tyrell sakin at tumigil sa paglalakad.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Bakit ka namumula?" Nakangising tanong niya.
"Eh ikaw naman kasi eh. Hindi pa naman tayo tapos ganito ka na sakin. Ni hindi ka pa nga nanliligaw." nahihiyang sagot ko.
"Kailangan pa ba yun? Buti nga hindi kita pinakasalan agad kahapon nung sinabi mong mahal mo ko eh." sagot niya.
Napatakip na talaga ako ng mukha. Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko para pigilan ito sa pagtatakip ng mukha ko.
"Biro lang. Pero simula ngayon,liligawan na kita okay?"
Ngumiti ako. "Ok.""Tara!" Hinawakan niya ang kamay ko at agad hinila papuntang canteen.
"Anong gusto mo?" tanong ko habang nakatingin sa mga nakahain.
"Ikaw." sagot niya.Namula nanaman ako at pinalo siya dahil sa hiya.
"Oh? Bakit ka namamalo?" tumatawang tanong niya."Ayan ka nanaman eh!" sagot ko.
Tumawa siya at bumili nalang ng pagkain namin.Titig na titig samin si Arwen,Sophia,Zayne,at ang buong tropa ni Tyrell habang kumakain.
Pulang pula na kasi ako sa hiya pero patuloy parin si Tyrell sa pang-aasar sakin. Tawa siya ng tawa kaya napapatingin na lahat.
"Anong nangyari dyan? Yan ba ang epekto mo sakanya?" tanong nila.
Nagkibit balikat nalang ako at umiling.Uwian na at inaayos ko na ang bag ko nang may biglang tumawag sakin.
"Baby!" sigaw ni Tyrell.
Nagulat ako nung bigla siyang umupo sa desk ng upuan ko."Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka na dun sa classroom mo!" nahihiyang sabi ko.
"No,baby. Tara date tayo!" ngumisi siya.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...