Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Buong buhay ko gusto kong malaman ang pakiramdam ng mayroong kapatid.
"Nahanap na namin ang kapatid mo." naiiyak na sabi nila sakin. Bumaling sila sa pinto kaya tumingin agad ako dun. Pumasok ang isang lalaking pamilyar na pamilyar sakin. Kaibigan din siya ni Tyrell at nagustuhan niya rin ang parehong babae na gusto ni Tyrell.
Nagkatinginan kami na parehong may gulat sa mga mata. Lumapit siya sakin at naglahad ng kamay para lapitan ko siya. Lumapit ako sakanya at agad ko siyang niyakap. Niyakap niya ako pabalik at bumulong.
"Sa wakas,nakita ko na kayo."
Andrea's POV
Pagpasok ko ng school ay nakita ko si Zayne. Kasama niya si Sophia. "Andrea!" tawag sakin ni Zayne. Lumapit ako sakanila. "Good Morning!" Nakangiti kong bati.
Nagulat ako nung inakbayan ni Zayne bigla si Sophia. "Andrea,I want you to meet..my sister." sabi niya. Nanlaki ang mata ko. "Y-yung nawawala mong kapatid?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Napagkwentuhan na namin ang kanya-kanya naming buhay. Nabanggit niya na rin sa akin na hindi niya kasama ang totoo niyang pamilya.
"Actually,si Kuya yung nawawala. Buti nga nakita." Tumawa si Sophia kaya napangiti na rin ako.
"Andrea,since friend ka naman ni Kuya. Pwede bang maging kaibigan na rin kita?" tanong sakin ni Sophia. "Walang problema." nakangiti kong sambit at tumingin kay Zayne.
"Hindi man kita nakuha,nagkaroon naman ako ng isa pang babaeng mamahalin..Nagkaroon ako ng kapatid. Okay na kami,Andrea." sabi niya.
Masaya akong nakikita silang dalawa na masaya. "Kaya panahon na para ikaw naman ang sumaya." sabi ni Sophia.
"Anong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko.Ngumuso sila sa likod ko. Pagtalikod ko ay bumangga ako sa dibdib ng isang matangkad na lalaki. Nag angat ako ng tingin at nakitang si Tyrell ito.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sakin.
"Syempre naman!"
"Oo na yan! Go na!" Nangungulit na sabi ni Zayne at Sophia sa likod.Tumango ako. "Yun! I-eexcuse ka nalang namin sa first subject mo!" narinig kong sabi nila habang paalis kami ni Tyrell.
Umupo kami sa pinakadulong table sa library. "Alam kong alam mo na. Pero I want you to hear it from me." Nanatili akong tahimik. "I love you,Andrea." Tumingin ako sa baba dahil naluluha nanaman ako.
Hindi ko alam na posible pala to. Ang magustuhan niya ako. Nilibot niya ang paningin niya sa kabuoan ng library at nagsalita ulit.
"Dito nagsimula ang lahat. Sinusundan kita lagi noon. Tumatambay ako dito para lang makita ka. At yung tumulong sayo nung nalock ka dito nung grade four? Ako yun." Mahina siyang tumawa.
"Bakit? Bakit hindi mo sinabi agad?" tanong ko.
Siya naman ngayon ang napatingin sa baba. "Yun din ang matagal ko ng tinatanong sa sarili ko. Siguro natakot ako. Duwag ako. I'm sorry. Sorry sa mga pagtanggi at pamamahiya ko sayo kahit gustong-gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita." malungkot niyang sinabi."Okay na. Tapos na yun. At kahit hindi naman to nangyari at kahit hindi ka man umamin,okay lang din sakin. Kakalimutan ko din yun at susubok ulit dahil mahal din kita." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Novela JuvenilSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...