"Ang boring." reklamo ni Arwen. Tapos na kaming maglunch lahat at may natitira pa kaming thirty minutes. Nakaupo lang kami dito sa canteen at wala na ring mapagusapan.
"Laro?" yaya ni Zayne. Agad tumango ang lahat ng lalaking kasama namin,pati na rin si Tyrell.
Pumwesto kami nila Sophia at Arwen sa mga bench habang iniintay ang mga boys magbihis. "Hay nako! Pagdating sa basketball,hindi talaga sila mapipigilan." sabi ni Arwen. Sumang-ayon naman kami ni Sophia ng tumatawa.
"Tara,aral nalang." sabi ko at nilabas ang mga libro ko.
"Oo nga pala,mastery na mext week!" sagot ni Sophia at naglabas na rin ng mga gamit niya.Napalingon kaming dalawa kay Arwen. "Ikaw? Di ka mag-aaral?" Umiling siya. "Tagal pa naman yan." Naglabas siya ng libro na hindi naman pangschool at nagbasa. Siguro mga love story nanaman yan. Napailing nalang ako.
Pagkatapos ng ilang minuto nag-angat ako ng tingin kila Tyrell na malapit na atang matapos maglaro.
"Cr lang ako ah?" nagpaalam ako kila Sophia at agad ng umalis.Pagbalik ko ay nakita kong tapos na silang maglaro at nakauniform na ulit. Nakaupo na silang lahat sa bench maliban kay Tyrell. Lumapit ako sakanila. "Si Tyrell?" tanong ko. "Nagbibihis pa." sagot ni Zayne. Tumango ako at agad pumunta sa locker room.
Natagpuan ng tingin ko si Tyrell kasama si Alyssa. Hindi pa ako nakakalapit ay nagulat ako nang biglang pinunasan ni Alyssa ang pawis ni Tyrell. Nakita ko namang agad umiwas si Tyrell na nakakunot ang noo. Tumikhim ako at lumapit.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Oh..Uh. Akala ko kasi wala siyang kasama eh."
"Ah. Akala mo? Andito na ako eh. Tsaka.." Tinuro ko ang kamay niyang nakahawak sa leeg ni Tyrell. "Diba dapat ako gumagawa niyan?" medyo inis na tanong ko na.
"Ay. Sorry. Akala ko kasi wala siyang towel eh."
"Akala mo ulit? Sorry pero meron siyang towel. Eto oh,nasakin. Isa pa,pano mo nalamang nandito siya?" Hindi siya sumagot at inirapan nalang ako bago umalis. "Stalker." bulong ko. Narinig ko ang tawa ni Tyrell kaya bumaling ako sakanya."Ikaw,bakit ba hindi ka umiiwas?" inis na tanong ko. Naglakad na ako pabalik sa room habang nakasunod siya sakin. "Umiiwas naman ako eh. Hindi mo ba nakita?"
"Tss." Humarap ako sakanya. "Oh. Towel mo." Tinawag niya pa ako pero dumiretso na ako sa classroom.Buong klase ay wala akong inisip kundi yun. Alam kong wala namang kasalanan si Tyrell dahil si Alyssa yung lumalapit. Napahilamos tuloy ako ng mukha. Naalala ko nanaman yun,hindi ko pinansin si Tyrell kanina. Baka magalit yun? "Argh!"
Halos sabunutan ko na ang sarili ko pero pinigilan ako ng katabi kong si Alyssa,yung mabait na Alyssa. "May problema ba?" tanong niya.
"Hmm. Wala." ngumiti nalang ako.Pag alis ng teacher ay agad akong nagligpit ng gamit. Pupuntahan ko si Tyrell sa classroom,baka nagalit na eh. Habang nag-aayos ako ay nakarinig ako ng bulung bulungan.
Napalingon ako sa paligid. Anong meron? Pagtingin ko sa pinto ay nakita ko si Tyrell na may hawak na bulaklak. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at inabot ang bulaklak sakin. "T-thank you..Hindi ka ba galit?" tanong ko. Ngumiti siya.
"Bakit ako magagalit? Eh ako nga tong dapat magsorry. Hindi ko na talaga siya papansinin at iiwasan ko na din."
"Pero hindi ba masyado ka ng masama sakanya?" Kahit naman na ayokong nilalapitan niya si Tyrell,ayoko rin namang ganunin ako ng isang taong..uh. Gusto ko maging kaibigan? Hindi rin ako sigurado kung gusto niya bang maging kaibigaan si Tyrell o gusto niya talaga.
Umiling si Tyrell. "Fine. Kakausapin ko siya. Kung gusto niyang maging magkaibigan kami,papayag ako. Pero kapag may ginawa siyang hindi mo magugustuhan.." Niyakap niya ako.
"Kahit ano,wag ka lang magselos."
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...