Chapter 26

31 3 1
                                    

Kumain muna kami ng lunch.
Half-day kasi ngayon dahil test at preparation na rin para sa christmas party bukas.

"Nako! Tinandaan ko talaga ang mukha nun eh! Pag nakita ko lang talaga ulit yung lalaking yun! Humanda siya!" sabi ni Arwen habang kumakain kami.

"Hayaan niyo na. Nakababa naman tayo kaagad tsaka ayos na ako."
Dahil sa sinabi kung yun ay iniba na nila ang usapan. Napunta ang usapan sa christmas party bukas.

"Paano na yan? Alam niyo na?" sabi ni Arwen sa dalawang lalaking kasama namin.

"Balak sana kasi naming bumili ng regalo para bukas. Si Andrea naman,gustong surpresahin si Tyrell." sabi ni Sophia sa nagtatanong na si Zayne.

Tumango-tango naman siya bago magsalita.
"Edi sabay nalang kayong bumili ng regalo. Para alam niyo rin kung anong gusto ng isa't isa." sambit ng kaharap kong si Zayne sa amin ni Tyrell.

Mukhang mas maayos nga kung ganun. Wala pa rin kasi akong naiisip na iregalo sakanya. Uminom ako ng juice bago lumingon kay Tyrell.

Pinunasan niya ang gilid ng labi kong medyo basa dahil sa ginawa kong pag-inom.
"Tara?" yaya ko. Tumango naman siya.

"Oh! Yun naman pala eh!" sabi ni Sophia.
"Tara na! Sayang oras! Gusto ko ng mag-shopping!" sabi ni Arwen at nauna ng lumabas ng restaurant.

Humiwalay muna ang tatlo sa amin ni Tyrell. Gusto daw kasi nilang maghanap ng pang-regalo tsaka ng damit para sa sarili nila.

"Hmm. Saan tayo una?" tanong niya sakin.
"Hmm.." Ginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng mall at tumigil iyon sa isang store na alam kong magugustuhan ni Tyrell. "Tara dun!" Nagpahila lang siya sakin hanggang makarating kami dun.

"Ito! Ay ito din!" Kinuha ko lahat ng magandang damit at binigay sakanya.

"Ito din bagay sayo!" Inabot ko ang nakitang sweater na paborito niyang kulay. Magtitingin pa sana ako pero pinigilan niya na ako.

"Ang dami naman siguro nito? Okay na ang isa-" Pinutol ko siya.
"Pero christmas gift ko sayo yan eh! Hindi naman pwedeng isa lang-"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil hinawakan niya ang labi ko at hinaplos ito.
"Makasama lang kita ngayong pasko,okay na ako. Pero kung gusto mo talagang bilhan ako,fine. Pero wag ka ng maghanap,tama na ito." Ngumiti naman ako.

Bago kami makarating sa counter ay hinila niya ulit ako. Tinapat niya sakin ang isang sleeveless na dress na maganda ang kulay.

"Hmm. Bagay to sayo." Hindi ako makapaniwalang napatingin sakanya. "H-ha? Pero sleeveless to? Diba ayaw mo?" nagtatakang tanong ko.

"Hmm. Maganda naman eh, tsaka bagay naman sayo. Kaya kung gusto mo, bibilhin natin. Ayokong nasasakal kita dahil lang sa kinokontrol ko pati mga damit mo." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Pagkatapos niya akong bilhan ng marami pang damit ay bumili naman siya ng dalawang shirt na parehas.

Agad kong tinawagan sila Arwen nang matapos kami.
"Tapos na kayo?" pambungad na tanong niya.

"Yup." sagot ko at sinabi naman niyang magkita ulit para kumain ng dessert.

"Hmm. Ano gusto mo?" tanong ko at tumayo galing sa pagkakaupo.
"Kung anong sayo." nangingiti niyang sabi.

Kinuha ko ang lahat ng order nila at nagpresinta na ako nalang ang bibili kaya naiwan naman silang nakaupo.

Habang iniintay ang mga order namin ay babalik na muna sana ako sa upuan nang bigla akong mabangga ng isang lalaki na may hawak na ice cream dahilan para mamantsahan pareho ang damit namin.

"Shit." mahinang bulong niya pa at nag angat ng tingin sakin. Napansin ko ang pagiging pamilyar niya kaya naman inisip ko kung saan ko siya nakita at naalalang schoolmate namin siya.

"I'm sorry,Miss-" Napatigil siya sa pagsasalita nang mamukhaan ako.

"Andrea? Sorry-" Ngumiti naman ako. "Ayos lang. May binili naman akong bagong damit. Magpapalit nalang ako.Ikaw? May pamalit ka ba?" sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang malagkit niyang damit.

"U-uh.." Napatigil siya sa pagsasalita nang makitang tumabi sakin bigla si Tyrell.

"O-oh! Tyrell! Pasensya na..Hindi ko sinasadya-" Agad sumagot si Tyrell.

"Okay na. Magpalit ka na din. Ako na ang bahala sakanya." Malamig niyang sinabi at hinila ako palapit sakanya gamit ang kamay niyang nasa baywang ko.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon