Chapter 15

40 3 0
                                    

"Sasali ka sa game?" salubong na tanong ko kay Tyrell pagsundo niya sakin kinabukasan.

"Pwede. Pinipilit rin kasi nila ako eh." sagot niya. Natawa nalang ako.

"Huy! Excited na talaga ako sa Intrams!" Excited nga na wika ni Arwen habang sabay sabay kaming kumakain.
"Ako rin! At mas nakakaexcite dahil may fair! Games,rides,food!" Sabi naman ni Sophia.

"Talaga? May fair?" tanong ko. Tumango naman sila ng nakangiti.

"Vergara,Lorenzo,Velesterio." Lumingon samin si Sophia ng nakangiti. "Yes." mahinang bulong ni Tyrell sa tabi ko.

Habang naglalunch ay ang ingay ni Tyrell. Tuwang tuwa kasi si Tyrell na pareho kami ng kulay. "Same!" Tumawa si Arwen at nakipag apir pa kay Tyrell. Pareho silang maingay dahil sa kasiyahan nila. Kakulay din kasi ni Arwen ang boyfriend niya na nakangiti lang din sa gilid.

Sabay na bumuntong hininga ang magkapatid. "Ano ba yan! Kakabulok naman oh!" Reklamo ni Zayne na kakulay nila Arwen. Natawa ako sa reaksyon niya.

"Go Tyrell!" Todo cheer ako dito kahit marami na ang tumitingin. Halos lahat siguro ay nagtataka kung bakit bigla akong umingay. Alam kasi ng lahat na tahimik lang ako at hindi palasalita. Pero iba na ngayon,lalo na't importante ay ganahan si Tyrell sa paglalaro.

Kinindatan ako ni Tyrell kaya napangiti ako kasabay ng pagshoot ni Zayne ng three points kaya napacheer na rin ako.

"Go Zayne!" sigaw ko at tumawa nang ngumuso si Tyrell.

Pagtapos ng practice game nila ay sinalubong ko nalang ng yakap si Tyrell. Halata naman sa mukha niya na hindi maganda ang mood. Siguro dahil sa pagcheer ko kay Zayne?

"Baby,kalaban namin yun eh! Tapos karibal ko pa sayo! Panong hindi ako magseselos?" Natawa ako sa badtrip niyang mukha.

Pero kahit ganun ay gwapo parin siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magexplain kung bakit ko chineer si Zayne o ano kaya tumiad nalang ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Ano ka ba! Cheer lang naman yun!" Tumawa ako sa biglang pagpapalit niya ng mood.

"Oo nga naman. Cheer lang yun. Ako may kiss at hug." Niyakap niya ulit ako.

Sa sumunod na mga araw ay pinanood ko ulit sila Tyrell sa mga practice nila.

Wala na akong sinalihan na event dahil mas gusto kong suportahan nalang si Tyrell at manood ng lahat ng games niya.

Nakatayo at ayos na rin ang mga rides na pwedeng sakyan dito sa loob ng school.

Pagkatapos ng laro nila Tyrell ay umupo siya sa tabi ko.
"Papanoorin mo talaga lahat ng practice ko?" tanong niya kaya tumango ako.

"Hindi ka ba nabobored?" Umiling ako.
"Hindi ah. Ang saya niyo ngang panoorin eh. Ang galing galing mo pa." Napangiti naman siya.

"Gusto mo matuto?"

Inintay muna niyang umalis lahat ng tao hanggang sa kaming dalawa nalang ang natira dito sa loob ng gym.
Nasa likod ko siya at inaalalayan niya ako.
"Yun!" Pumalakpak siya nang makashoot ako. Ngumuso naman ako.
"Syempre makakashoot ako,nakatayo lang ako eh!" Tumawa naman siya.

"Next time na lang kita tuturuan ng dribbling. Baka mapagod ka eh,buong araw tayong nagklase tapos gabi na rin." sagot niya.

Kinuha niya ang gym bag niya at hinawakan ang kamay ko.

Sa kotse ay inantok na agad ako. Kahit halos wala naman akong ginawa nung tinuruan ako ni Tyrell ng basketball ay pagod parin ako dahil sa klase buong araw.

"You wamna sleep?" tanong sakin ni Tyrell nang nakita niyang humikab ako.

Paggising ko ay nasa bahay na kami at nakakumot rin sakin ang sweater ni Tyrell.

Natagpuan niya ang tingin ko at agad siyang ngumiti. Inalis niya ang sweater na nakapatong sakin at kinalas ang seatbelt ko.

Ngumiti siya sakin at hinalikan ang noo ko.
"Goodnight,baby. See you tomorrow."

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon