"Ok ka lang?" Sabay na tanong namin ni Zayne. Napaupo na siya kaya hinawakan na siya sa baywang ni Tyrell.
"Nahulog kasi ako sa hagdan kahapon at mali ang bagsak ko. Akala ko magaling na hindi pa pala." Paliwanag niya.
"Dadalhin-" Napatigil si Tyrell sa pagsasalita at napatingin sakin. Lumipat ang tingin niya kay Zayne.
"Dude,pwedeng ikaw nalang ang maghatid kay Sophia sa clinic?" tanong niya kay Zayne.
"Ako na ang sasama kay Andrea. Kaklase ko siya sa first subject." dugtong niya.
"Sige,dude." Inalalayan niya si Sophia at ngumiti sakin para magpaalam kaya tumango ako at ngumiti na rin.
Bumaling ako kay Tyrell pag alis nila at naabutan ko siyang nakatingin sa leeg ko. Dumilim ang mata niya nang nakitang iba na ang suot kong kwintas.
"Binigay niya ba yan sayo?" tanong niya. Yumuko ako ng konti at tumango.
"Are you choosing him over me?" Naramdaman ko ang sakit sa kanyang tono.
Hindi pa ako nakakasagot ay tumalikod na siya at naglakad palayo. Agad ko naman siyang hinabol.
Hinawakan ko ang braso niya oara pigilan siya sa pag alis. "Tyrell,wait. M-May klase pa tayo diba?" Nanginginig kong sinabi.
"Wala akong pakealam. Aalagaan ko pa si Sophia." Hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya kaya agad akong bumitaw. Nagpatuloy siya sa paglalakad nung binitawan ko na siya.
Nanghihina akong pumunta sa classroom. Inaamin kong nasaktan ako. Pero gaya ng sinabi ko,hindi ko siya susukuan. Pag nasaktan ako,iiyak at susubok ulit.
Sa second subject ay kami naman ni Zayne ang magkaklase.
Zayne's POV
Gustong-gusto ko ng umamin sakanya. Dalawang buwan na simula nung naging magkaibigan kami. Simula nung nagustuhan ko siya ay wala ng araw na lumipas na hindi ko siya kasama.
Tumabi ako sakanya nung kami na ang magkaklase.
"Wow naman! Ang taas mo ah!" Nakangiting sabi sakin ni Andrea pagkabalik niya sakin ng papel ko.Siya kasi ang nagcheck nito at tuwang-tuwa siya nung makita niyang pareho kami ng score.
"Syempre,inspired eh!" Tumawa ako kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya.
Umayos ako ng tayo nung lumabas na siya ng classroom. Lunch na kaya hinatak ko na siya papuntang canteen.
Napatigil kami sa tapat ng library dahil sa angelus. Habang nagdadasal ay napatingin ako kay Andrea na naabutan kong nakatitig sa library.
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at nakitang hindi library ang tinitingnan niya,kundi ang mga tao doon. Si Tyrell at Sophia ito na naghahalikan.
Hindi ako bulag,alam kong gust niya si Tyrell. Pero hindi ito naging hadlang para hindi ko siya magustuhan.
Nagustuhan ko siya dahil sa ugali niya. Alam kong may pagkakamali ako noon,kaya ginagawa ko ang lahat lara makabawi sakanya. Lalo na't mabuti siyang kaibigan sakin at napakadali niya akong napatawad.
Sa huling klase namin ay magkakaklase kaming tatlo. Ako,si Andrea,at si Tyrell.
Magkatabi kami ni Andrea kaya napansin ko ang pagiging tahimik niya. "Andrea,ayos ka lang ba?" tanong ko sakanya.
Pumikit siya at tumango. "Hindi ka okay eh." sagot ko at hinawakan ang baywang niya para alalayan siyang tumayo.
"Miss,dadalhin ko lang po siya sa clinic." paalam ko at umalis na kami.
Nagising na siya kaya agad akong lumapit sakanya. Umalis saglit ang nurse kaya kaming dalawa lang ang nandito.
"Okay na ako. Sumakit lang ang puson ko kanina." ngumiti siya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. "Mabuti naman. Sa susunod magsabi ka na ah? Isang oras ka din kasing nakatulog kaya ako nag-alala. Baka kasi nilagnat ka na."
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...