Chapter 29

19 3 0
                                    

"Andrea! Gumising ka na! Magpapasko na tulog ka pa!" panggigising sakin ni mommy.

"Hmm. Ayaw." umiingit na sabi ko. "Ikaw naman! Ang laki laki mo na,ang hirap hirap mo paring gisingin. Para kang bata samantalang may boyfriend ka na. Ah! Oo nga pala, andyan na sa baba ang boyfriend mo. Maligo ka na at kanina pa yun naghihintay." sabi niya at umalis.

Napatalon naman ako at dumiretso sa banyo.

Anong ginagawa nun dito? Diba dapat kasama niya pamilya niya dahil 24 na?

Bumaba ako ng nakaligo na at maayos ang damit.

Agad tumayo si Tyrell nang makita ako.
"Morning,baby." Sinalubong niya ako ng yakap.

"Morning.. Bakit nga pala nandito ka?" tanong ko at hinarap siya. Ngumuso siya. "Diba sabi ko ang gusto kong regalo ngayong pasko ay makasama ka? Eh bakit pinagtatabuyan mo na ako?"

"Ha? Hindi naman. Nagtatanong lang ako." sagot ko.
"Anong magagawa ko? Eh pumayag na parents ko at parents mo eh."

"Pumayag saan?" naguguluhan paring tanong ko at ngumisi siya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"I'm going to spend Christmas with your family, and you're going to spend New Year with mine." sagot niya na ikinangiti ko.

Nagsimula na kaming mag-ayos para sa pasko.
"Andrea,bibili lang kami ng ibang mga pagkain tsaka yung mga kulang na ingredients. Gumawa na muna kayo ng desserts dyan. May pang fruit salad dyan. Kayo na muna ang bahala."

Tumango ako.
"Sige po."

Pagkaalis na pagkaalis nila ay nagsimula ng mangulit si Tyrell. Kinuha ko ang mga gagamitin para sa desserts at nilapag yun sa counter.

Umupo naman si Tyrell sa kabilang side ng counter kung saan may mga upuan.

Humalukipkip siya at tinitigan ako kaya kumunot ang noo ko at nag angat ng tingin sakanya.

"Baka gusto mo kong tulungan?" masungit na tanong ko sakanya. Natawa naman siya at tumabi sakin.

Kinuha niya ang can opener sa kamay ko at siya ang nagbukas ng mga latang may lamang fruits.

Saktong pagtapos namin ay ang pagdating nila mommy.
"Andrea, magbihis ka na,magsisimula na ang party." Tumango ako.

"Magdadatingan na ang mga tita at tito mo, isama mo muna sa kwarto mo si Tyrell at sabay kayong bumaba at ipakilala mo siya." sabi niya ng hindi tumitingin sakin dahil abala siya sa pagluluto.

Nagulat naman ako at hindi pa agad nakapagreact.
Hinila ni Tyrell ang kamay ko at natatawang bumulong. "Nagugulat ka ba dahil pumayag ang mommy mo na umakyat ako sa kwarto mo o natatakot ka dahil magkasama tayo sa iisang kwarto?"

Napapikit naman ako sa hiya at hinampas siya.
Hinila ko na siya sa kwarto at kinuha ang dress na binigay niya sakin.

"Wag kang makulit ah? Mabilis lang ako." sabi ko at dumiretso sa cr para magbihis.

Pagkalabas ko sa cr ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama ko.
Kausap niya ang isa sa mga pinsan kong lalaki na mukhang kararating lang din.

Yun kasi ang madalas ginagawa ng mga pinsan ko, pinupuntahan ako sa kwarto kapag dumating sila ng hindi pa ako nakakababa.

Ang nandito ngayon at kausap ni Tyrell ang pinakaclose kong pinsan.
"Alagaan mo yun ah? At wag na wag mong sasaktan. Mahal na mahal ko yun." sabi ng pinsan ko.

"Wala kang dapat na ipag-alala. Mahal na mahal ko din ang pinsan mo." sagot naman ni Tyrell.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at lumapit ako sakanila at sabay silang niyakap.
"At mahal na mahal ko rin kayo pareho."

Naramdaman kong nagulat sila kaya tumawa ako at kumalas sa yakap.

"Tara na. Baba na tayo."

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon