Chapter 22

36 2 0
                                    

Bumangon kami at lumabas ng tent.

Umupo kami sa buhangin sa harap ng dagat. Hinawakan niya ang kamay ko at pinasandal ako sa balikat niya.

"Hindi ka ba inaantok?" tanong ko sakanya habang humihikab.
"Hindi nga eh. Wala akong mayakap." ngumuso siya.

Napangiti ako at pumikit. Inaantok talaga ako. Masarap kasi ang hangin at ang naririnig mo lang ay ang agos ng tubig sa dagat.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako sa balikat ni Tyrell.

Nagising nalang ako na nakahiga na ulit sa tent at sumisikat na ang araw. Nandito parin ako sa tent namin nila Arwen at Sophia pero iba na ang katabi. Nakayakap sa baywang ko ang kamay ni Tyrell at nasa leeg ko ang mukha niya.

Gumalaw ako ng bahagya para harapin siya. Inayos ko ang medyo magulo niyang buhok at tinitigan lang siya ng ilang sandali.

Babangon na sana ako para tingnan ang mga kaklase namin pero agad niya akong hinila pabalik. Nakapikit parin siya habang yakap ako.

"Mamaya na tayo kumain,pagkatapos nila." Medyo inaantok parin ang tono niya at paos ang boses.

"Ha? Pero baka mahuli tayo? Uuwi na tayo ng mga 8. After ng breakfast mag-aayos na tayo." sagot ko.
"Hmm. Di tayo sasabay pabalik. Pinadala ko ang kotse ko sa driver namin." sagot niya.

"Eh bakit di nalang tayo sumabay dun kesa magdrive ka pa? May pupuntahan ba tayo?" tanong ko. "Yup." mahinang sagot niya.

Pagkaalis ng mga kaklase namin ay umalis na rin kami. Sumakay ako nang pinagbuksan niya ako sa front seat. Umikot siya para sumakay na sa driver's seat.

Hawak ng isang kamay niya ang kamay ko habang nagdadrive,ang isa naman ay nasa manibela.

"Bakit di tayo bukas magsimba?" tanong ko pagbaba namin nang nakitang nasa isang simbahan kami. "May dinner kami bukas eh..Kaya gusto ko ngayon nalang,kasama ka." tumango ako.

"Free ka ba bukas? Gustong gusto ka kasing makasama ng parents ko sa dinner." tumawa siya.

Nanlaki ang mata ko.
"Ha? N-nakakahiya."

Inayos niya ang takas na buhok ko at nilagay sa likod ng tainga. "Wag ka ng mahiya,kilala ka na nila diba?" Kumunot ang noo ko.

Nakakahiya naman kung hindi ako sasama diba?
Bumuntong hininga ako at tumango.

Sabay kaming lumuhod at nagdasal.

Pagkatapos ng ilang sandali ay natapos na akong magdasal.
Bumaling ako kay Tyrell na nahuli kong nakatitig na sakin. "Oh? Bakit?" tanong ko.
Umiling siya at ngumisi. "Wala."

Kumunot ang noo ko. "Nagdasal ka ba talaga o tinitigan mo lang ako?" Nagtaas ako ng kilay.

"Nagdasal ako no,kaya nga ako nakatingin sayo dahil ikaw yung pinagdasal ko eh." Napalitan ang sungit sa mukha ko ng ngiti dahil sa sinabi niya.

"Anong pinagdasal mo?" tanong ko ng nakangiti.
"Marami. Your safety,your family. Pero ang pinakapinapasalamatan ko ay dumating ka sakin." Hinawakan niya ang mukha ko.

Sheeeet! Bakit ka ganyan?
Ngumiti ako at niyakap siya.

"Good evening po." bati ko sa parents ni Tyrell na nakangiti.
"Good evening.." bati nila pabalik.

Magkatabi ang parents ni Tyrell na kaharap namin. Nag-usap kami,nagkwentuhan.

"Ang bait ng parents mo." sabi ko ng nakangiti pagsakay namin ng kotse niya. Ngumiti siya sakin pabalik.

"Tulog ka muna..May pasok na ulit tayo bukas. Para makapagpahinga ka." sabi niya.

Tumango ako at niyakap ang sarili dahil sa lamig. Nang napansin iyon ni Tyrell ay may kinuha siya sa likod ng upuan ko.

Inabot niya sakin ang sweater niya na malaki sakin. "Sayo nalang yan." sabi niya.

Umiling ako. "Ibabalik ko mamaya,may sweater din naman ak-" Pinutol niya ako.

"I know..Pero gusto kong nakikitang suot mo iyan. Bagay sayo." ngumiti siya.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon