Survivors ashore

578 9 0
                                    

Author's Note (Must Read)
Hooops!!! Teka lang wait lang guys!!!
Thank you muna sa pag click/tap ng story na ito. Yes this is a sequel nung unang story that i made way back 9th grade, and i admit na hindi ako matured enough for this genre back then but things are different now, it's time for a more matured content! *evil laugh*


Unlike the 1st story nilagyan ko to ng VERY SPG scenes so hold your horses magdalawang isip ka kung babasahin mo o i de-devirginize mo yang not-so-virgin eyes mo
Bago itong genre na pinasok ko and actually na weirdohan din ako pero it was really worth it nag enjoy ako sa pag gawa nito. Sana ikaw din mag enjoy sa pagbabasa, ok start na
NEXT!

(Everyday ang update ng story guys kung gusto niyo itanong ok? Haha love yah!)

————————
Third Person's

May apat na tao ang nakaligtas mula sa isang napakalaking pagsabog.
.
Nahati ang sinasakyan nilang autopiloted aircraft at tumilapon ng napakalayo dulot ng malalaking shock waves na nanggaling sa pagsabog. Galing ito sa isang planted nuclear device na may kakayang burahin ang malaking bahagi ng kontinenteng Europa.
.
Sinuwerte ang apat na ito, dahil sa pag kakahati ng aircraft, tumilapon ang bahaging sinasakyan nila sa karagatan ilang kilometro mula sa dulong parte ng kontinente. Sa kasamaang palad ang kalahati ay bumagsak mismo sa isang syudad at sumama sa pagsabog kasama ng kanilang mga kasamahan.
.
Ngayong aapat nalamang sila, hindi ito ang magiging oras para sumuko.
.
Gamit ang ilang pampalutang ay sinubukan nilang bumalik sa ngayon ay wasak at waring nasusunog na parte ng bansa.
.
Ilang oras ang ginugol nila, walang pagkain at walang tubig na maaring inumin liban sa tubig alat.
.
Baka sakali, kahit may kaunting natira sa bansang iyon ay pag ti-tiyagaan nalamang nila.
.
Nakalangoy na nga sila sa dalampasigan at umakyat sa concrete platform ilang metro mula doon. May hagdan pa doon bago tuluyang makaakyat sa isang kalsada
.
Umakyat nga sila at tumambad sakanila ang tanawin ng isang sirang syudad. Barag ang mga gusali na gumuho na at umaapoy pa ang mga ito.
.
Anong gagawin nila? Sandali silang naupo sa gilid ng kalsada at nag isip.

"Derick, mukhang dito na rin tayo mamamatay, hindi dahil sa mga zombies kundi sa gutom at uhaw, wala tayong kahit anong nakikitang gusaling nakatayo o kahit mga establishments" panimula ni Clark, isa sa mga nakaligtas

"Brad wala tayong magagawa kung hindi ang sumubok na maghanap." Sagot ng lalaking tinatawag niyang Derick

"Emman ano sa tingin mo?" Tanong ni Claud, ang nag iisang babae sa grupo

"Tama si Derick, mag simula tayong mag scavenge, walang mangyayaring maganda sating lahat kung di tayo susubok." Sagot ni Emman

"Isa pa, marami na tayong pinagdaanan. Ang daming nag sakripisyo para mabuhay tayo, huwag nating sayangin ang pagkamatay ng mga kasamahan natin" Sabi ni Derick

"Sige, mag simula tayong mag hanap ng makakain at tubig, magkita kita tayo dito bago mag dilim" sabi ni Clark

At nag hiwa-hiwalay nga ang apat sa pag asang makakahanap sila ng pagkain at tubig.

Si Derick ay hindi sumunod sa plano, siya ay nag tungo papunta sa direksyon ng sira sirang aircraft na hanggang ngayon ay nasusunog pa.

Ilang oras siyang naglakad bago makarating doon. Nakita nya ang kalahati ng kanilang sinakyan, mukhang walang nakaligtas dito.

Isang luha ang gumuhit mula sa kanyang mata pababa sa kanyang pisngi. Naaalala niya ang kanilang pakikipag sapalaran at ang pag asang makababalik sila sa Pilipinas upang mag simula ng panibagong buhay sa isang lugar na maaaring nakaligtas sa Apocalypse.

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon