My Royal Secret

162K 1.1K 61
                                    

PROLOGUE

"Anak, magmadali ka na."

"A-ama, hindi ko po kayo iiwan."

Hindi ko kayang iwan ang pamilya at ang bayan ko ng ganito lang. Hindi ko kaya iwan ang lugar na kinalakihan ko, hindi ko kaya iwan ang mga tao sa bansang ito na napamahal na ako.

"Wag ka na mag-alala Daniella. Sinisigurado kong magiging ayos din ang lahat." Sabi ni Ama sa akin. Ang hari ng Leuropia, ang bansang pinaka mamahal ko.

"p-pero..."

"Mahal na Prinsesa kailangan na po natin umalis." Nakita ko yung mukha ng tumawag sa akin. Sya si Mirko, isa sa mataas na tagapagbantay ng Royal Family. Kasama din sya sa branch family ng aking ina.


"Anak, magiingat ka. Kailangan mong maging ligtas. Ikaw ang papalit sa akin, ikaw ang magiging Ryena ng bansang ito." Niyakap ako ni Ina. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak gaya nya.


"Humayo na kayo, bago pa dumating ang mga sibilyan." Pinamamadali na ako ni Ama.


"Tayo na." Nagpatidala na lang ako sa paghila sa akin ni Mirko.

Papalayo ng papalayo sa mga magulang ko, sa palasyo, sa lugar na aking kinalakihan pakiramdam ko mas matindi pa yun kesa sa nagyeyelong paligid. Mas masakit pa sa paninigas ng mga kamay ko, sa pangangatog ng kalamnan ko. Pangako, babalik ako, kayanin nyo Leuropia.



Ako si Daniella Whilhelmina Castile nangakong babalik sa Leuropia.








My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon