Chapter 1

202 7 0
                                    

Mag vote♥️

Vanessa's pov

"Hoy,Nessa...gising na aba!" Narinig kong saad ni Ate Frances.

"Hmm.." inaantok na ungol ko. Ang aga pa eh.

"Ano? Hindi ka ba gigising dyan? First day na first day late ka?!" Saad niya.

First day na first day late ka?!

First day na first day late ka?!

First day na first day late ka?!

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niya at doon ko lang narealize ang sinabi niya kaya napabalikwas ako ng bangon at kaagad na tumakbo papunta sa banyo dala dala ang tuwalya na gagamitin ko.

'Shit!shit!shit!late na naman ako'

Mga 30 minutes bago ako natapos maligo kaya kaagad akong nagbihis ng susuotin ko. Pantalon at loose T-shirt na kulay pink na may nakasulat sa gitna na 'I'm cute', humarap ako sa full-length mirror tsaka tinignan ang kabuuan ko. Nang matapos akong magsuklay ay nag-apply muna ako ng perfume tsaka kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto ko. Nilock ko na muna ang pintuan ng kwarto ko bago bumaba ng hagdan at magtungo sa kusina. Nadatnan ko si Ate na kumakain na.

"Kumain ka na.." sabi niya pero nakatingin lang sya sa kinakain niya. Kinuha ko lang ang susi sa ibabaw ng ref at naglakad papalabas ng kusina. "Hindi ka kakain?" Nilingon ko na muna sya bago umiling at kumaway.
Hindi pa kasi ako nakakaramdam ng gutom at saka late na ako kaya sa Canteen nalang ako kakain mamaya.

Nang makapasok na ako sa kotse ay pinaharurot ko kaagad iyon papunta sa school.

'Tsk! Pinangako ko pa sa sarili ko na hindi na ako malalate pero tsk..heto at na late pa rin ako'

Wala naman kasi sanang problema sa akin iyon ang kaso ay graduating na ako kaya kailangan ko talagang pumasok ng maaga pero late pa rin.

Nang makarating ako sa parking lot ay ipinarada ko na muna ito sa parking space ko.

Bumaba na ako sa kotse at siniguro na naka-lock iyon bago ako nagmamadaling maglakad papunta sa classroom ko.

May mga mangilan-ngilang estudyante pa akong nakitang nakatingin sa akin pero hindi ko na sila pinansin dahil nagmadali na akong umakyat sa building namin. Nagtatakbo ako sa hagdan hanggang sa makarating ako sa third floor at malaki rin ang hakbang na naglakad ako sa pinakadulong classroom at kumatok sa pinto.

'Sabi ko na late na ako eh'

Kapag kasi nakasara na 'yung pintuan ibig sabihin ay nagsisimula na ang klase.

*tok tok

Ilang segundo akong naghintay nang pagbuksan ako at bumungad sa akin ang mukha ng guro ko. Uh-oh mukha pa namang tigre.

"Why are you late??" Sa boses pa lang nito ay mataray na. Napalunok ako pero hindi ko ipinakita sa kanya ang nginig ng mga kamay ko. "Get inside!" Mataray na aniya.

Yumuko at hindi na sya sinagot kaya nagmadali akong naglakad papunta sa harapan para maghanap ng mauupuan. Ang mga mata ng mga kaklase ko ay nasa sa akin kahit pa hindi ko sila pinapansin. Nang makahanap ako ng bakanteng upuan sa pinakaharap doon na muna ako umupo, pero bago pa ako makaupo ay may nahagip ang mga mata ko.

Tinignan ko kung siya ba talaga iyon at hindi nga ako nagkakamali. Si Zach talaga iyon! Natigilan ako dahil tumingin siya sa akin pero mabilis din akong nakarecover at ngumiti sa kanya.

Zach is my bestfriend. Sya nalang ang tanging lalaki na sobrang close ko, marami akong lalaki na mga kaibigan at kinaibigan ko sila hindi dahil malandi ako kundi dahil may pagkalalaki ako o kung tawagin ng iba ay 'tomboy'. Pero hindi ko maamin sa sarili ko na boyish ako, well sa galaw at pananamit oo, pero hello?! Babae ako noh! Kung ano ano kasi ang mga iniisip ng mga tao dito! Kailan kaya ako makakahanap ng totoong kaibigan? Iyong hindi ako sisiraan sa ibang tao, tsk! Kaya kaunti lang ang mga kaibigan kung babae eh.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon