Nagising ang diwa ko dahil sa sinag ng init ng araw na tumatama sa mukha ko. Iniharang ko pa ang kanang kamay ko sa mukha ko para maimulat ang mga mata ko.
'Ang aga naman ata nang araw na sumikat ngayon?'
Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo.
'Wow,ayos na ang pakiramdam ko ah..'
Napangiti ako ng maalala ang nangyari kagabi.
'Ang galing talagang mag-alaga ng bestfriend ko...'
Tinapos ko na ang pagliligo at kaagad na nagbihis ng unipormi na susuotin ko.
Pangatlong araw na pala ngayon sa klase.
Nang matapos ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina at nakita ko si Ate Frances na kumakain na mag-isa.
"Good morning ate.." napatingin sya ng bumati ako sa kanya.
"Oh? Papasok ka?"
"Oo baka kasi malate na naman ako.." lumapit ako sa mesa at naupo tsaka nagsimula ng kumain.
"8:45 am na Van.."
O___O
"Ano?!" Gulat na saad ko habang ngumunguya. "Paano nangyari iyon?!"
"Late ka nang nagising dahil may lagnat ka kagabi..o ayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Oo.."
"Sigurado ka? Huwag ka na munang pumasok kaya? Baka may sakit ka pa e.."
Natigil ako sa pagnguya nang maalala ulit ang nangyari kagabi. Napangiti ako bigla.
"Bakit nakangiti ka?" Nagtatakang tanong ni Ate at sumubo sa kinakain niya.
Ngumiti pa ako lalo at tumingin sa kanya. "E kasi, masyado akong naalagaan kagabi ni Zach kaya kaagad akong gumaling..." Nangingiting usal ko.
Inaalala ko kagabi ang mga magagandang pinaggagawa niya sa akin para lang mabilis akong gumaling sa lagnat. Kahit sa pagpasok niya sa kotse ko hanggang sa alagaan niya ako kagabi ay nagrerewind sa isip ko.
'Masyado talaga akong swerte sa kaibigan ko...'
Nang hindi ako makatanggap nang sagot mula kay ate ay tinignan ko sya at ayon ang ngiting makahulugan niya.
"Waeyo?" Pagkokorean ko at uminom ng kape.
"May gusto ka ba sa kanya?" Prangkang tanong niya dahilan para masamid ako sa iniinom ko.
Kaagad akong nagpunas ng labi at nagugulat na tinitignan sya. "What the hell ate?! Anong gusto gusto ang pinagsasabi mo?! Hello!? Kaibigan ko yon,okay?"
Natawa sya. "Well, sa ngayon lang yan...marerealize mo rin kung ano ang totoong nararamdaman mo sa kanya.." seryoso munit nakangiting usal niya dahilan para mas lalo akong magulat.
"Ate walang ganyan! Psh! Alam na alam mo naman kung sino ang gusto ko e! Wala naman akong tinatagong sekreto sayo! At wala rin akong dapat sabihin na may gusto ako kay Zach noh! Never! That wont happen! Bestfriend ko sya at bestfriend niya rin ako..ang gusto ko ay ang kaibigan niya at iyon lang ang laman ng utak ko ngayon.. wala nang iba..wala akong gusto na iba..si Rhysen lang talaga.."
"Hahaha! Okay..huwag masyadong pahalata e! Hahahaha!Anyways, papasok ka pa ba?"
"Oo naman! Kaybago lang ng klase aabsent agad ako?.."
"Edi bilisan mo na dyan..at bago ka umalis uminom ka muna ng gamot.."
"Okay.." iyon lang at tinapos ko na ang pagkain. Umakyat ulit ako sa kwarto ko at pagkatapos ay uminom na ng gamot tsaka masayang naglalakad papunta sa garahe ng sasakyan ko.
Pinaandar ang makina at ilang segundo ay pinaharurot iyon papunta sa paaralan.
Ilang minuto ay nakarating na rin ako sa parking lot ng school namin. Wala na akong nakikitang mga estudyante na naglalakad man lang dito sa parking lot. Kinuha ko na ang bag ko sa passenger seat at lumabas na ng sasakyan. Siniguro ko munang nakalock na ito bago ako naglakad papasok sa gate.
habang naglalakad papunta sa building namin ay nag text ako kay Zach na papasok na ako sa room. Nang makarating ako sa tapat nang hagdanan ay akma na sana akong aakyat nang biglang may sumalubong sa akin pababa ng hagdan at nang dahil doon ay nagkabanggaan kami at tumimbawang kaming dalawa.
"Ahh!" Gulat na sigaw ko at napapikit nalang. Naramdaman ko nalang ang sakit ng likod ko dahil sa pagtumba ko at ang bigat nang nasa harapan ko. Ang sakit ng likod ko diyos ko piling ko tatanda ako agad huhuhu!
Nang hindi ko na maramdaman ang sakit ay dahan dahan kung iminulat ang mga mata ko at nagtama ang mga mata namin nung lalaki na nabangga ko. Pumapaibabaw sya sa akin kaya sa hindi malamang kadahilanan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis ng tibok na parang nasasaktan na ako sa sobrang bilis nito. Nakatitig ako sa mga magaganda niyang mga mata na kulay lupa. Parang hinihigop nito ang kaluluwa ko para masiyahan sa mga mata niyang sobrang ganda. Parang ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng mga mata na aaminin ko ay hindi ko man lang maalis-alis ang mga tingin ko sa kanya. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kabog ng dibdib ko.
"you okay?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Ang ganda ng boses niya sa pandinig ko. Cold ang boses nya pero hot ang personality niya. Sobrang lapit nang mga mukha naming dalawa at parang anytime na magsalita sya ulit ay mahahalikan niya ako.
Anong nangyayari sa akin?
Para akong lumilipad sa ere sa sobrang saya nang pakiramdam. Aaminin ko na sobrang gwapo nitong nasa harapan ko ngayon. Makapal ang mga kilay, ang mga nakakaakit nitong mga mata, ang matangos nyang ilong at ang pinkish nitong mga labi. Sobrang gwapo....
Nakarinig ako ng mga bulong-bulungan kaya naman bumangon na siya mula sa pagkadagan sa akin. Pinanood ko syang pagpagin ang pantalon at unipormi niya at tsaka bahagya pa akong nagulat nang iabot niya ang kamay niya sa akin. Tinignan ko ang kanang kamay na iyon at nagdadalawang isip pa kung iaabot ko ba ang kamay ko sa kamay nya. "Faster." Malamig na utos nya kaya wala na rin akong nagawa at inabot ko na ang kamay ko sa kanya pero nagkamali pala ako.
Kasi nang akma kung aabutin ang kamay ko sa kanya ay may kamay nang humila sa akin patayo. Nang tignan ko kung sino iyon ay walang iba kundi ang bestfriend ko. Zach.
Masyadong seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa mukha ko. Hindi ko kakitaan iyon ng kung ano mang emosyon kundi ang seryoso lang talaga nang mukha niya.
"Danghag.." seryosong usal niya na nakapagpakunot ng noo ko.
Danghag? Ano yun?
Binitawan niya ang kamay ko at tinignan ang lalaking nasa tabi ko. Tinignan ko rin iyon at seryoso pa rin ang mukha niyang nakatingin sa akin. Pero kahit seryoso ang mga mukha niya ay hindi ko maitatangging hot pa rin sya tignan! Grabe ano bang nangyayari sa akin?
"Sorry." Malamig na saad niya "bye." Dagdag niya pa at tumalikod na at naglakad papalayo. Sinundan ko pa sya ng tingin at nang lumiko sya ay ibinalik ko ang paningin kay Zach na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
"Bakit?" Nakangusong tanong ko.
"Sino yon?" Seryosong tanong niya habang nakatingin sa tabi ko kung saan nakatayo iyong lalaki kanina.
"Hindi ko alam, nabangga niya kasi ako at aksidente lang lahat iyon..tsaka hindi naman niya sinasadyang madaganan ako..nagmamadali siguro iyon kaya hindi niya ako napansin na aakyat na sa hagdan at nang mabangga kaming dalawa ayon at pumai—" hindi na niya ako pinatapos sa mahabang paliwanag ko.
"Okay. Tara na baka pagalitan tayo." Nakangiting usal niya at inakbayan ako tsaka kami sabay na naglakad papunta sa classroom namin.
Weird...
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...