Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Binuksan ko ang mga mata ko at doon ko lang narealize na nasa kwarto pala ako ni Zach at magkatabi kaming natulog! Shït! Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa amin kagabi! Dahan dahan kung tinanggal ang braso niyan sa bewang ko at bumangon tsaka kinuha ang bra at damit ko at isinuot iyon. Grabe! Sobrang nahihiya na talaga ako sa kanya ngayon! Hindi ko alam kung paano sya haharapin dahil sa ginawa namin kagabi! Mali iyon, magbestfriend lang kami. Pumasok ako sa banyo at sinara ang pintuan tsaka hinawakan ang labi ko.
"Shit, mali talaga iyon. Ang first kiss ko ninakaw ng bestfriend ko." Mahinang bulong ko at nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin.
Napatampal nalang ako sa noo ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Masyadong gumulo ang utak ko sa ginawang halikan namin ni Zach! Nanghilamos ako at kumuha ng tuwalya doon tsaka pinunasan ang mukha ko. Inayos ko ang sarili ko at pagkatapos ay lumabas ng banyo. Nakita kung tulog si Zach kaya sinuot ko ang sapatos ko at walang pamamaalam na nilisan ang bahay na iyon at pumarada ng taxi.
Shit! Kailangan kong ilabas ito! Kailangan ko ng makakausap. I was about to dial Ysha's number pero naisip ko. Kung sasabihin ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Zach may posibilidad na masira ang pagkakaibigan namin! Sa huli, tinawagan ko si Zail at sinabing magkita kami sa coffee shop na malapit lang sa school namin.
Ilang minuto ang nakalipas at nagkita na rin kami. Pagkatapos naming makaorder ay may naalala ako.
"Nga pala, nagawa mo ba iyong pinagawa ko sayo?"
"Oo! Psh, ang lakas rin ng apog ng bestfriend mo noh, parang iniisip niyang type ko sya e mas type ko si Asher noh..." napapairap na sabi ni Zail kaya napatawa ako.
"Oh, e anong nangyari?" Nakangiting sabi ko.
"Ayon, pagkatapos nga ng party nag-imbita sila na mag bar pero tinanggihan ko alam mo naman may magagalit, tapos akmang aalis si Zach ng maalala ko iyong sinabi mo. Noong una, natatakot ako kasi ang seryoso niya tapos biglang maiinis. Pero noong may ma hit sa utak ko na baka iniisip ng kumag na iyon na type ko sya ayon binantaan ko na tatadyakan ang itlog niya at natakot ang bestfriend mo girl ayon imbis na ako ang yayakap ay sya ang yumakap kasi takot daw syang tadyakan ang itlog niya, tsk mga 2 seconds lang ata ang tagal ng yakap namin kasi umeksena si teacher at napagkamalang may relasyon kami nagkatinginan nga kami ni Zach nun at sabay na sumigaw ng iww!" Kwento niya at natawa naman ako.
Inutusan ko kasi talaga sya na yakapin si Zach kasi namimiss ko na si Zach. Alam kung weird pero totoo, kahit hindi ako ang yumakap pero sa paraan lang ng pag-utos ko ay nasasabi kung maayos lang ang nararamdaman niya. Nang wala na akong maisip na sasabihin ay ikwenento ko na sa kanya ang nangyari at sakto namang pagdating ng in-order namin.
"Really, Van?!" Hindi pa rin makapaniwala si Zail sa kwenento ko sa kanya tungkol sa nangyari sa amin kagabi ni Zach.
"Oo...alam kung mali iyon pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hinalikan ko rin sya.." napahilot nalang ako sa sintido ko at naalala na naman ang halikan namin ni Zach kagabi.
"Yieeeee...." impit na kilig niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi ka man lang ba mandidiri?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng 'seriously?!' Look.
"Bakit naman ako mandidiri?" Nagtatakang aniya. "Normal lang naman iyan noh.."
"Zail, hindi normal iyon sa amin. Okay lang naman talagang maghalikan pero sa mag jowa lang iyon kami bestfriend lang 'bestfriend'." Inemphasize ko talaga ang 'bestfriend' salita. "Friends don't kiss..."
"Psh, porke't bestfriend lang hindi na kayo pwedeng maghalikan? Iyon lang naman kasi ang humaharang sa relasyon ninyo, kung pinapairal niyo ang nararamdaman niyo nakakalimutan niyo ang pagiging 'bestfriend' niyo.." napailing sya. She's right. "Maging kayo nalang kasi." Suhestiyon niya pero napailing ako.
"Natatakot ako.."
"Saan? sa nararamdaman nya?" Tumango ako. Paano kung hindi kami mutual feelings? "Tsk, hindi ka naman hahalikan nun kung wala syang gusto sayo.." umiling pa rin ako.
"Lasing kasi sya kagabi.."
"Oh, e ano naman? Diba sabi nila, kapag lasing ka daw doon nalalabas lahat ng katotohanan? So, may gusto nga sya sayo, tsk." Tapos uminom sya sa cappucino na inorder niya.
"Isa pa..." napabuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Natatakot rin ako na baka, dahil sa kung ano man ang nararamdaman namin o sa akin, masasaktan ko si Ysha.." malungkot na sabi ko. "Alam ko kasing mali talaga itong nararamdaman ko para kay Zach, una, bestfriend kami, at pangalawa, naaawa ako kay Ysha...bestfriend ko rin iyon pero heto ako at nagkagusto rin sa taong matagal na niyang gusto.." nilaro-laro ko lang ang cake na inorder ko. Wala akong ganang kumain dahil sa iniisip ko.
"Hala, oo nga pala, may gusto nga pala si Ysha kay Zach...nako, mahirap nga iyan friend... your feelings versus your bestfriend's feeling.. nako, tsk tsk.." napailing sya at kumain muna sa cake niya. "Ano nang gagawin mo niyan?"
Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko mang iamin kay Zach ang nararamdaman ko pero natatakot akong baka ako lang itong umaasa at isa pa, ayaw ko talagang saktan si Ysha, sobrang bait niya sa akin tapos tinatraydor ko na pala sya sa nararamdaman ko sa taong gusto niya.
Ano bang gagawin ko?! Haysss! Nakakalito naman ito e!
Buong araw akong nag standby sa mansyon nina Zail. Wala ako sa mood para umuwi sa bahay e. Nanghiram na lang rin ako ng masusuot kay Zail kahit nakakahiya. Buong araw ang tanging ginagawa lang namin ay kumain, nag movie marathon tapos nagkwentuhan na naman tungkol sa halikan namin ni Zach! As in hindi ko talaga makalimutan ang nangyaring iyon.
Lumipas ang isang linggo na halos nandoon na ako kina Zail dahil hindi na nagpaparamdam si Zach sa akin. At nasasaktan ako. Baka kasi narealize niya na mali pala talaga ang ginawa namin.
"Van, huwag mo na gaanong isipin iyon." Sabi ni Zail at niyakap ko naman ang unan niya. Nasa kwarto niya kasi kami ngayon at nahiga ako habang sya naman ay nakaupo at nakasandal sa kama.
"Namimiss ko na sya." Malungkot na sabi ko at nangilid ang mga luha sa mga mata ko. "Tama talaga ang hinala ko na hindi niya iyon sinasadya dahil lasing lang sya nun... namimiss ko na sya sobra..." mahinang sabi ko. Sa loob ng isang linggong pagpunta ko dito sa bahay ni Zail ay nalaman na rin niya kung ano talaga ako. Ayaw ko namang magtago ng sekreto sa kanya. Magaan talaga ang loob ko sa kanya. "I really miss him a lot.." mahinang sabi ko.
Tumayo si Zail at niyakap ako kaya napaiyak nalang ako sa balikat niya. "Ang bobo ko kasi, pinapairal ko lang itong nararamdaman ko bakit hindi ko inisip na lasing lang sya nun kaya ayan tuloy at nakuha na niya ang first kiss ko.." sisi ko sa sarili ko. Hinahagod niya lang ang likuran ko. Ang sikip ng dibdib ko at anytime baka mapahikbi nalang ako. "The last time I cry like this was also because of my bestfriend, si Rhysen. Minahal ko rin ang gagong iyon pero hindi ko alam na mauulit rin pala ang nangyari at si Zach naman ang nagustuhan ko ngayon.." I wipe my tears. "I fell inlove with my bestfriend.."
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...