Zach I

39 3 0
                                    

"Fuck you, Dela Cuesta." Seryosong sabi niya at nagtatakbo papalabas ng bahay.

Gusto ko syang habulin at yakapin pero parang napako ang mga paa ko para hindi makagalaw. Gusto ko syang habulin. Gustong gusto. Mahal ko sya e. Mahal na mahal.

Napayuko kasabay ng pagtulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit. Ganito pala kasakit kapag nagmahal ka. Hindi naman ito ang kauna-unahang beses na nagmahal ako pero ito ang kauna-unahang nagmahal ako nang ganito ka sakit. Mahal ko talaga sya e.

"Zach.." narinig kung tawag ni Zeph sa pangalan ko. Nakayuko pa rin ako habang pinupunasan ang mga luha na tumulo sa pisngi ko. "Zach, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya gusto ko mang ngumiti ng peke ay hindi ko nagawa. Masyado akong nasaktan sa eksina namin kanina.

Nilingon ko sya at nilapitan. "Are you okay?" Bahid na pag-aalalang tanong ko. Sinipat ko ang paningin ko sa kanya kung may galos ba sya pero pasalamat ako at wala. Niyakap ko sya at yumakap rin sya sa akin pabalik. "I'm sorry, Zeph. Pati ikaw nadamay sa pagsisinungaling ko." Malungkot na anas ko pero ang bumabalik sa utak ko ay ang mga masasakit na salitang binitawan ni Vanessa.

"Okay, lang Zach.." mahinang sabi niya sa pagitan ng yakap namin.

'Wala lang ba sa'yo iyong sinabi mong 'I love you' sa akin?....
Zach explain mo naman sa akin oh...'

Naawa ako sa kanya nung nagmakaawa syang sagutin ko sya, kahit gustohin ko mang sagutin sya ay pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Mahal ko sya, sobrang mahal." Wala sa sariling sambit ko habang nakayakap pa rin kay Zeph. Nangilid na naman ang mga luha sa mga mata ko ng maramdaman ang kirot sa dibdib. Hinahagod ni Zeph ang likod ko para pagaanin ang loob ko pero hindi man lang iyon nalisan, sobrang bigat ng dibdib ko na anytime ay gusto ko nang mag-break down.

"G-gago ka.." humihikbing sabi niya. "Z-Zach, s-sobrang bobo at gago mo... akala ko pa naman mahal mo ako... naniwala pa ako sa sinabi mo... Napaniwala ako pati ang hindi ko dapat ibigay sa iyo ay naibigay ko... Peste ka bobo gago.." Mura niya sa akin. "lahat ibinigay ko! Hindi na ako nagtira sa sarili at heto lang pala ang isusukli mo! Gago! Peste! Bobo!"

"Tanggap ko pa iyong minumura niya ako pero iyong makita ko siyang napaupo at umiiyak ng sahil sa akin ay tama sya, ang gago gago ko.." umiiyak na sabi ko at naalala ang pag-upo niya kanina. Nasasaktan akong nakita ko siyang nasa ganung sitwasyon. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap ko talaga sya. Hinayaan niya akong magsalita.

"Sana inisip mo pa iyan noong una, Zach! Sana inisip mo na hindi lang ang pagkakaibigan natin ang masisira! Dahil maraming masasaktan! Ang selfish mo kasi inisip mo lang kaligayahan mo! Puro nalang kaligayahan mo ang nauuna at wala ka nang pakialam kung may masasaktan ka man! Gago ka Zach napakaselfish mong gago ka!"

"Nasaktan ako sa sinabi niya pero naiintindihan ko sya." Mahinang sabi ko. "Ang bobo ko kasi e, hindi ko inisip ang pagkakaibigan namin kasi ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay mahal ko sya. Mahal na mahal." Umiiyak na sabi ko habang inaalala ang umiiyak na mga tingin ni Vanessa.

"Ayaw masira ang pagkakaibigan natin?! Sana nga inisip mo iyan bago mo ako gagohin!!"

"Ayaw ko ng kaibigan lang.... gusto ko mas higit pa sa pagkakaibigan." Pero imbis na iyon ang sasabihin ko ay 'sorry' ang lumabas sa bibig ko.

"Ang sakit dito Zach.." turo niya sa puso nya. "Bakit ba tuwing may nagagawa kang kasalanan palagi ka nalang nag so-sorry?, sinasanay mo ang sarili mong palaging mag-sorry kahit alam mo naman na sinadya mo iyon, wala lang pala iyong mga pagseselos mo? Iyong galit-galitan mo kapag may kasama ako, wala lang pala iyon? Kapag nagkamali ako sa akin na napupunta ang lahat ng pagkakamali when in fact hindi ako magkakaganito kung hindi mo ipinaparamdam sa akin na espesyal ako, pero ahahahaha! Ito pala ang definition ng 'special' sayo? Ang manggago?!"

"May meaning lahat ng iyon. Gago lang talaga ako. Sobrang espesyal niya sa akin.." pero 'I'm sorry' na naman ang lumabas sa bibig ko.

"You took my virginity, and you will just say sorry?!" I am not sorry. Masaya ako kasi ako ang unang tao na nakakuha sa pinakaiingatan mo.

"Here's my answer..." "Fuck you, Dela Cuesta." nagulat talaga akong pakyuhin niya ako pero deserve iyon sa akin kasi gago ako.

Kumalas na ako sa yakap namin ni Zeph. May nakita rin akong lungkot sa mga mata niya. I wipe out my tears at ngumiti ng peke sa kanya. "I am sorry, Zeph. Pati ikaw nadamay.." pag-uulit ko.

Ngumiti naman sya ng nakakalungkot.
"Ayos lang, nalulungkot lang ako kasi sa itinatagal kong gustohin syang makita iyon pa ang una at huling beses na makikita ko sya at worst, nasaktan sya."

Zephania Dela Cuesta is not my real girlfriend. She's my real cousin.

"Nalulungkot ako talaga, kuya Zach kasi sobrang tagal mo nang nagkukwento sa akin tungkol sa kanya akala ko nga pangit sya at masiga kasi sabi mo noon tomboyin iyon at hindi marunong umarte sa katawan hindi mo naman sinabi na ganun pala ang definition ng tomboy sayo kuya.." nalulungkot na anas nya at ngumiti ako. Alam niya kasi ang buhay ko, close kami nitong cousin ko. "Hayss, I really like her pa naman for you. She's a strong woman unlike to the other girls na ang hilig lang ay puro pampaganda but sya simple lang sya pero mas naagaw pa ang atensyon niya kaysa sa mga babaeng nagpapaganda lang ang alam..." malungkot na saad niya. Hindi ako sumagot kasi wala naman akong alam na rason para sagutin ang sinabi niya.

"Kailan ang flight natin?" Tanong ko.

"Sa Monday na, may isang araw ka pa para manatili dito sa Manila.." sabi niya at tumango naman ako.

Sasagutin ko na sana sya ng mag ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bilsa ng pantalon ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Akala ko pa nga si Vanessa iyon pero unknown number ang nakalagay.

I press the answer button at nilagay sa tenga ang phone ko. "Hello?"

"Zach Arthur Dela Cuesta.."

"Ano na naman nag kailangan mo, Zail?"

"Mag-uusap tayo. Dito sa coffee shop na malapit lang sa school. In less than two minutes dapat ay nakarating ka na dito or else I will make your life miserable for hurting my friend..." napalunok talaga ako. Seryoso talaga sya.

I guess I have no choice. "Okay." Sagot ko nalang at hindi na niya ako sinagot. Tinignan ko muna si Zeph. "Si Zail. Kaibigan ni Vanessa, gusto niyang mag-usap daw kami."

"Go ahead, but please kuya Zach. Please, take care of yourself. You're making us worry." Nag-aalala ngang sabi ni Zeph. Napairap nalang ako at tumango.

"I will. Hindi pa naman ako mamamatay eh.." nakangiting sabi ko sa kanya at nagtungo na sa labas para sumakay sa kotse ko at pinaharurot iyon papunta sa coffee shop na sinabi ni Zail.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon