22: transfer

21 4 0
                                    

Kringgggg! Kringggggg!

Nagising nalang ako dahil sa pag ring ng phone ko na nasa gilid ng ulo ko lang inilagay. Kinapa ko na muna kung saan ko nilagay iyon habang nakapikit pa rin.

Pinindot ko na ang answer button ang hindi tinignan kung sino ang caller.

"Hello?" Inaantok na sagot ko.

"Van,pwede ka nang umuwi.." boses ni Ate ito kaya napabalikwas ako ng bangon.

Anong oras na ba?

Tinignan ko ang oras sa phone ko 6:45 am..

"Sige ate.." sagot ko nalang at nagtatakbo na papunta sa kwarto ni Zach. Nasa guest room kasi ako natulog. Bawal pa kasi sa edad namin ni Zach na magtabi ng tulog kahit magkaibigan lang kami. Dzahh!lalaki at babae pa rin kami noh!

Tok tok tok!

"Zach.." tawag ko at ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan ay bumungad sa akin ang inaantok pa na mukha ni Zach. "Uuwi na ako.."

"Kumain ka na muna.."

"Huwag na doon nalang ako sa bahay.."

"Ihahatid nalang kita.."

"Huwag na okay lang ako..mag cocommute nalang ako.."

*puk!

"Aray! Ba't nambabatok ka?"

"Mag cocommute ka ng ganyan ang suot?! E kung kaltukan nalang kaya kita?"

Napanguso ako. "Tsk! Tara na nga!"

"Hintayin mo ako sa baba.." wala na akong nagawa kundi ang tumango nalang. Bumaba na rin ako at nagtungo sa sala at naupo sa sofa tsaka hinintay si Zach.

Inilibot ko na muna ang paningin ko sa kabuuan ng sala nila Zach at hindi ko maitatanggi na maganda talaga ang sala nila. Mas maganda pa sa kaysa sa amin.

Ilang minuto akong naghintay doon at sa wakas ay bumaba na rin si Zach na nakasuot ng barong tagalog.

Lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub!!

'Ang gwapo niya sa suot niya..'

"Tara na?" Kahit nagmamangha ay tumango nalang ako. Nagtungo na muna kami sa kusina para na rin siguro makapagpaalam sa mommy at daddy ni Zach.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon