Nang makarating ako doon ay nandoon na si Zail at nakaupo na tsaka nakaorder na ng makakain namin. Wala naman akong sinabi na umorder sya pero masamang tanggihan ang grasya kaya okay na rin 'yan.
Naupo na ako sa tapat na upuan. "Hey." Unang bati ko sa kanya.
"Kamusta ka?" Iyan ang unang lumabas sa bibig niya. Kinunutan ko sya ng noo. "I know your hurting right now, Zach." Iniwas ko ang paningin ko dahil sa sinabi niya.
"I'm not." I will act na wala talaga akong pakialam na saktan si Vanessa.
"Psh, stop lying you know." Tumingin na ako sa kanya this time.
"I'm not." Walang emosyong sabi ko pero ang totoo gusto ko talaga syang pagsabihan. Pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Zach, I can see it in your eyes." Sensirong anas niya.
Hindi ko alam kung bakit ba ako sumang-ayon na makigpag-usap sa kanya. Hindi naman kami close.
"Hindi talaga.." I lied. Gusto ko na ngang umiyak sa harapan niya ngayon e. May naalala ako kaya ko sya sinamaan ng tingin.
"What?" Inosenteng aniya.
"Sino ba kasing nag-utos sa iyo nung niyakap mo ako?!" Naiinis kuno na boses na sabi ko pero ang totoo ay gusto ko lang talagang iamin niya kung sino ang nag-utos nun. Ninakawan niya kasi ako ng hug na dapat ay kay Vanessa ko lang ibigay.
"Hoy, scratch that! Ikaw ang yumakap sa akin kasi takot kang tadyakan ko ang itlog mo." Natawa ako. Totoo,natawa ako sa sinabi niya. Parang baliw e. "Wait! Teka nga! Bakit mo iniba ang topic?!"
"Gusto ko lang naman malaman kung sino ang nag-utos sayo nun!" She roll her eyes again and I find it cute pero walang meaning iyon ah!
"Kapag sasabihin ko ba, ikukwento mo rin sa akin kung ano ang nangyari kanina?" Natigilan ako sa pag-akmang subo ng cake na inorder niya.
Wait. May alam ba sya?
"May alam ka ba?" Nagtatakang tanong ko. Nakita ko pa ang bahagyang natigilan din sya pero kaagad namang nakarecover at ininom ang iced tea niya. Umiling si Zail na parang walang alam. Nanliliit ng mga mata na tinignan ko si Zail. "Alam kung may alam ka."
Inilagay niya ang baso ng iced tea sa table at itinaas ang dalawang kamay na parang suko na. "Okay, masamang magsinungaling. Oo, may alam ako that's why I'm here to talk about it."
"Sabi ko na ngang may gusto ka sa akin e!" Sabi ko at halos maisigaw ko iyon buti nalang narealize ko na nasa coffee shop kami at maraming tao. Natatakot akong gumawa ng eksina.
Kahit wala syang kinakain ay parang nabilaukan sya kaya ininom niya kaagad ang iced tea nya.
"Aha! Ikaw lang rin ang nag-utos sa sarili mo na yakapin ako kasi gusto mo ako!"
"What?! Eww, mandiri ka nga Dela Cuesta! Hindi kita type noh! Kadirdir ka!" Naiinis na sabi niya.
"Anong nakakadiri? Gwapo ako, macho, lahat ng gusto ng babae na sa akin na." Pagmamayabang ko pero inirapan niya lang ako at ngumisi ng nakakaasar.
"Pero ang babaeng mahal mo wala na." Nang-aasar na saad niya kaya napanguso ako at sinamaan sya ng tingin. Grabe below the belt na iyon ah!
"Hahaha! Peace. Anyway, mag kwento ka na.""Ano naman ang ikukwento ko?" Nakanguso pa rin ako. E ang sakit ng sinabi niya e. Saglit niya pa akong tinitigan at nag-iwas agad sya ng paningin niya. Natatakot ako. Baka maiyak ako sa harapan niya kapag nagkwento ako.
"Magtatanong nalang ako." Tumango ako. "Sino ba talaga sa dalawa ang gusto mo? Si Vanessa ba talaga o si Ysha?"
Natigilan ako. I look at her. "Si Ysha, well gusto ko si Ysha dahil sa mabait sya. Gusto ko rin naman si Vanessa pero ang gusto ko kasi iyong mabait kahit pangit sya. Okay lang sa akin iyon kasi hindi naman ako nagbabase sa mukha, nasa ugali iyon." I really lied. Bwesit si Vanessa talaga ang gusto ko!
"Ah, so tinake advantage mo lang iyong nararamdaman ni Vanessa para lang makuha ang pinagkaiingatan niya?" Kahit wala akong kinakain pero nasamid ako. She really knew something.
"Did Vanessa tell you?" She nods. What?! But why?!
"Sinabi niya sa akin kaninang umaga, tapos tumawag ka at sinabing 'sorry' sa kanya. So tell me, you just take advantage her because she have feelings for you?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Gusto kung umiling pero hindi ko ginawa.
Nanaig ang katahimikan at walang nagsalita sa amin. Ayaw kong sagutin iyon kahit kating-kati na ang dila ko.
Narinig ko syang napabuntong-hininga. "Pasensya na, Dela Cuesta. Sige, hindi na kita pipilitin na ikwento mo baka maiyak ka pa dyan konsensya ko pa ang mayayari." Nakahinga ako dahil sa sinabi niya. Thanks!
Tahimik lang kaming kumakain at wala talagang nagsalita ni isa sa amin. Kailangan ko rin itong ilabas paminsan-minsan. Baka ikasama pa sa akin kung ikikimkim ko lang. Huminga ako ng malalim at tinignan si Zail na busy kakakain ng cake niya.
"I am so sorry, for hurting your friend." Panimula ko. Zach! Tama na, puro ka nalang sorry dyan!
Inangat niya ang paningin niya sa akin. "she's your bestfriend." Sabi niya.
"Hindi ko gusto na magkaibigan kami, mas gusto kung mas maglevel-up ang pagiging mag kaibigan namin."
"what? Akala ko ba si Ysha ang gusto mo?.." umiling ako.
"Kasinungalingan lang iyon."
"Then, bakit mo sya sinaktan? After what happened last night you just said sorry to her? Zach, If I were her I will kick your eggs for hurting me pero kita mo? Hindi ka man lang maski nakakuha ng sapak mula sa kanya na alam mo namang warfreak iyong kaibigan mo, that's how she loves you." Mahinahong sabi niya. Napayuko nalang ako dahil sumisikip na naman ang dibdib ko. Kasalanan ko naman talaga e, ang bobo ko kasi.
"Ang bobo ko, sa tuwing may hindi kami pagkakaintindihan palagi nalang akong nagso-sorry.."
"Sorry is not just a word, Dela Cuesta." I nod at her. She has a point, palagi akong nagsosorry na alam kung may minsang nakagawa ako ng mali na alam kung intensyon ko katulad kagabi. Ibinigay niya ang pinagkaiingatan nya sa akin ng buong pagmamahal pero 'sorry' lang ang sinabi ko.
"I apologized because I don't want her worried if I've said what the reason. Natatakot ako na kapag pinagpatuloy ko pa kung anong meron kami baka, maiiwan ko lang sya."
Minsan kasi, nagsasabi nalang tayo ng 'paumanhin', 'pansensya ka na' para matakpan ang kung ano man ang gusto mong sabihin na alam mong ikakasakit niya. Inaako mo nalang para hindi na lumaki pa. Sa pagkaintindi naman ng tao ay ginawa mo lang iyon para sa sarili mo.
"You mean, may rason pa talaga?" I nod. "Ano ba iyong rason na iyon Zach?" Napabuntong-hininga ako. "Confidential." Sabi nalang niya at hindi nalang ako sumagot. Bigla syang tumayo kaya napatingin ako sa kanya. "May lakad pa kasi ako, kung gusto mong malaman kung sino ang nag-utos sa akin na yakapin ka, sya iyong babaeng bestfriend mo." And with that umalis na sya habang ako napatulala sa kinatatayuan niya.
Si Vanessa? Ang nag-utos sa kanya? Ibig sabihin nun noong mga panahon na wala si Vanessa sa tabi ko may communication sila ni Zail?! Da heck ba't hindi ko naisip na lapitan sya?! Alam kung nagkakasama sila pero hindi ko naisip iyon!
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...