20: In his house

26 4 0
                                    

Gabi na nang matapos kaming gumala ni Zach sa mall na malapit lang naman sa school. Nasa rooftop kami ng mall ngayon at pinapanood ang mga city lights na kita talaga dito.

"Napagod ako sa kakalakad.." saad ko at umupo sa isang bench na nandoon.

Tumabi naman si Zach sa akin. "Ako rin e.." hindi ko nalang sya sinagot at nakatingin lang ako sa naggagandahang mga city lights sa paligid.

Buti nalang kahit gaano ka pagod pero nawala din dahil sa magandang tanawin na ito.

At masaya ako kasi ang bestfriend ko na naman ang kasama ko. Tinignan ko si Zach na nakapikit. Salamat Zach..ipinararamdam mo sa akin na special ako bilang kaibigan mo..

Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya at nagtama ang paningin namin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at kakaiba ang pakiramdam na iyon..magaan ang pakiramdam na iyon..

"Thank you.." I whispered. Ngumiti sya sa akin at inakbayan ako. Sumandal naman ako sa balikat niya at tinignan ang mga nagagandahang mga city lights.

"Sana ganito nalang tayo palagi.." mahinang sabi niya.

"Pwede namang mangyari iyon e.."

"Hindi natin masasabi..pero sa abot ng makakaya ko ay ipinapangako ko sayong hinding hindi magbabago ang pananaw ko sayo.." mahinang sabi niya at napangiti nalang ako. Ipinapangako ko rin Zach..

Ilang minuto kaming nasa ganuon posisyon nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa palda ko.

Kinapa ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

Ate Frances calling...

Napaupo ako ng maayos at nagtatakang tinignan ang pangalan ni Ate sa screen ng phone ko. Bakit sya tumatawag?

"Sagutin mo na.." tumango lang ako at bahagyang lumayp kay Zach.

"Hello Ate?"

"Van.." bakit parang sobrang seryoso naman ata ng boses niya?

"Oh? Bakit ate?"

"Please..huwag ka na munang umuwi sa bahay.."

"Huh? Bakit naman?"

"Makinig ka nalang muna.."

"Bakit nga?"

"tsaka ko nalang i-explain sayo..sa ngayon huwag ka na munang uuwi,understand?"

"Pero..."

"Please, makinig ka na muna sa akin sa ngayon Vanessa..bukas ka na umuwi.."

Kahit nagtataka ay sinagot ko nalang sya ng "okay." Tapos pinatay na niya ang tawag.

Tumingin na muna ako sa langit at nakita kung may dumaan na airplane.

Pumikit ako at humiling. Sana walang masamang nangyari sa ate ko ngayon..

Pagkatapos ay pinuntahan ko na si Zach na ibinalik rin naman ang phone sa bulsa ng pantalon niya.

Tumayo sya ng makalapit na ako. "Let's go?"

"Sa inyo na m-muna ako matutulog Zack.." mahinang sabi ko.

"I know..tara na.." hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami pababa at patungo sa kotse niya.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon