50: her answer

44 3 0
                                    

"I'm sorry."

"W-what do you mean, Zach?" Nauutal na bigkas ko. Baka may nagawa itong kasalanan sa akin kaya sya sa nagsosorry? "Zach, para saan ang—" hindi na ako nakatapos sa pagsasalita dahil pinatay na niya ang tawag.

*toot toot toot

Nabitawan ko nalang ang phone ko at tinignan si Zail. "Anong ibig niyang sabihin nun?" Takang tanong niya pero hindi ko sya nasagot. Nagsisimula na akong kabahan at hindi ko alam kung bakit. Kinuha ko ang phone ko at tsaka tumayo.

"B-babalik lang ako." Pagpapaalam ko at nagtatakbo papalabas ng mansion tsaka sumakay sa kotse ko at pinaharurot iyon papunta sa bahay ko.

Anong sorry ang ibig mong sabihin Zach? "Wala lang iyon, baka may nagawa lang sya tapos na wrong call sya.." pang-uuto ko sa sarili ko at ilang saglit pa ay nakarating na ako sa bahay at dali daling bumaba. Nagtaka ako bigla dahil may ibang sasakyan akong nakitang nakaparada imbis na ang kotse ni Zach ang iniisip ko na nakaparada sa harapan ng bahay namin.

Kaagad akong tumakbo papasok at nagulat nang makita ang hindi ko kilalang mga tao. "Sino sila?" Takang tanong ko at nilingon naman nila ako. "Sino kayo?" halata sa mga postura nila na may kaya sa buhay.

"Iha, ikaw ba si Frances?" Tanong sa isang babae na katulad lang siguro ng edad ng mommy ko.

"Hindi, sino ba kasi kayo?" Wala akong pakialam kung ang tono nito ay walang respeto. "Anong kailangan niyo sa kanya?"

"We're here to fetch my daughter.." saad naman nung kaedad ng daddy ko.

"Daughter? Anak niyo si Ate Frances?" Aish! Sinabi na nga diba Vanessa? Ambobo mo naman e.

"Yes, where is she?" Kakitaan ng awtoridad sa mukha at boses ng babae.

"What's the matter here?" Biglang may nagsalita sa likod ko at ganoon nalang ang gulat ko ng makita si Lola at kasunod sina mommy at daddy.

"Lola!" Nilapitan ko sya at niyakap. "Hi,mom!" Niyakap ko rin si mommy. "Hi, dad!" Tsaka niyakap si daddy.

"she's your granddaughter?" Tanong nung babae na kaedad ni mommy.

"Yes.." tipid na sagot ni lola at sinulyapan ako na may ngiti sa labi.

"So, she's princess Tazanna?" Nag bow ako sa kanila. Ganun kasi ang sinabi ni lola na mag bow daw ako once na banggitin ang pangalan ko.

"Mom, dad, lola, what are you doing here?" Nagtatakang tanong ko.

"We're here to fetch you." Sagot ni mommy.

"B-but why?" Fetch? Anong bang meron?

"We'll explain it later. For now, fix yourself and bring all your stuffs.." si daddy pero napailing ako. There's no way na aalis ako! Kailangan ko pang makita at makasama si Zach. Nangako na akong hindi na sya iiwan.

"No! That won't happen.." umiiling ako. "Gusto ko po dito. Nandito po ang kasiyahan ko." Si Zach.

"You need to follow my command, Tazanna!" Makapangyarihan na sigaw ni Lola dahilan para maestatuwa ako sa kinatatayuan ko.

"Why are you forcing me to come with you? Wala doon ang kasiyahan ko, nandito. Maganda doon pero hindi ako mag-eenjoy kasi nandito ang mga kaibigan ko..." ang lalaking mahal ko.

"Kailangan mong sumama, Tazanna. Kung patuloy mong pinapanatili ang sarili mo dito, delikado sayo." Seryoso nang sabi ni lola pero umiling ako.

Umiling ng umiling at nagtatakbo papunta sa labas ng bahay. Buti nalang hindi ako hinarangan ng mga guards at pumasok kaagad ako sa kotse ko tsaka pinaharurot iyon papunta sa bahay ni Zach.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon