17: gusto ko

26 4 0
                                    

Hindi ko mawari kung saan ako nagkamali sa sinagot ko dahil sobrang natigilan at napatitig si Steve sa akin. Nakangiti ako ng pilit sa kanya ngayon dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung paano mag react dahil sa reaksyon niya. Nakatitig lang kami sa isa't isa at may kung ano sa mga titig ni Steve na naging dahilan para mas lalo akong malito. Anong emosyon iyan Steve?

Napalunok ako dahil sa isang tanong na pumasok sa isip ko.. hindi kaya...mas lalo akong napalunok ng sa hindi malamang dahilan ay natutuyuan ako sa lalamunan. H-hindi kaya..hindi niya nagustuhan ang isinagot ko?..o di kaya ay nagulat sya sa tanong ko dahil..h-hindi kami magkatulad ng nararamdaman?..

Hindi ko alam pero nangilid talaga ang mga luha sa mga mata ko dahil sa mga tanong na pumapasok sa isip ko. T-tama ba ako?

"T-totoo ba 'yan?" Parang hindi makapaniwalang aniya. Gustuhin ko mang umiling ay hindi ko magawa kasi maliban sa nasabi ko na ay ayaw kung denideny ang nararamdaman ko sa isang tao.

"Oo.."

Nagulat nalang ako ng ngumiti sya. Iyong ngiti na nakita ko nung magkabanggaan kami sa pangalawang pagkakataon.

Bigla nalang ako nanigas ng hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Shit! Juice anong m-meron?!!

"Kung ganun,ipaparamdam ko sayo kung paano ako magkagusto.." malambing na sabi niya dahilan para matigilan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang malalagutan ako ng hininga dahil sa sinabi nya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Ngumiti sya.

"Malalaman mo rin iyon.."

Hindi nalang ako sumagot dahil wala rin namang salita ang namuo sa utak ko. Masyadong na blangko ang utak ko dahil sa sinabi niya.

KRINGGGGGG!KRINGGGGGGGG!

Narinig ko ang malakas na nag bell na ang sensyales ay magsisimula na ulit ang klase.

Binitawan niya ang kamay ko at tumayo sya. "Tara na?"

Tumango ako at tumayo. "Lezzgooo!"

Naglakad na kami papalabas ng canteen at kapansin-pansin ang tingin ng mga tao sa amin. Hindi naman ako naaapektuhan kasi wala naman kaming ginawang masama at isa pa WARFREAK AKO! Sabunutan ko yang mga mata niyo e hmp!

Kung gaano katalim ang tingin nila sa akin ganun din ka salubong ang kilay na tinignan ko sila. At ang mga bruha! Inismiran at nag-roll eyes lang!!

Nabigla ako nang makaramdam ako ng braso sa balikat ko. Tinignan ko naman kung sino ang nagmamayari nun..si Steve pala.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Shit!

"Huwag mo na silang pansinin.."

"Hindi naman talaga e..nakita mo namang ikaw lang ang kausap ko.." natigilan ako sa sinabi ko. Parang may mali sa sinabi ko diba?

Nakita ko siyang natatawang iniwas ang paningin sa akin.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa classroom.

"Ayieeeeeeeeeee!!" Panunukso ng mga kaklase ko sa amin ni Steve.

Nagtataka namang tinignan ko sila at ininguso nila ang kamay ni Steve na nakaakbay pala sa akin! Nakalimutan ko!

Kaagad kong hinawi ang kamay ni Steve na nakaakbay sa akin. "D-dito na ako.."

"Sige, good luck." Nakangiting aniya at tumalikod na tsaka naglakad papaalis.

Pumasok na rin ako sa classroom at kaagad na umupo sa armchair ko.

Beep!beep!

Beep!beep!

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon