6: ikaw lang sapat na

52 5 1
                                    

Natapos ang eksinang iyon na tahimik akong nagmaneho pasunod kay Zach.

Nakatingin ako sa likuran niya at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun nalang bigla ang naging tibok ng puso ko nung bitawan niya ang mga katagang iyon.

"Huwag na huwag mong ilalapat iyang kamay mo sa mukha niyan..hindi lang kamao niya ang sasalubong sa'yo..ayaw na ayaw ko pa naman iyang nakikitang nasasaktan.." saad ko habang nakatingin sa likuran niya. "Anong ibig mong sabihin,Zach? Masyado mong ginugulo ang utak ko alam mo ba yon?! Bwesit ka!" Singhal ko habang nakatingin pa rin sa likuran niya.

"Baka...."

O___O

"Aish!! Syempre kaibigan niya ako! Tch! Bobo mo talaga Vanessa! Syempre, ayaw na ayaw ng isang kaibigan ang makitang nasasaktan ang kaibigan niya! Iyon lang pala ang ibig sabihin nun.." kausap ko sa sarili ko.

Pero nagtaka agad ang paningin ko.

"Kung...ayaw akong makitang nasasaktan ni Zach, ano ang ibig sabihin ng tibok na iyon?" Nagtatakang tanong ko.

Isip

Isip

Isip

Aha!

"Dahil ngayon ko lang nakitang ganun ka seryoso ang mukha niya! Kaya ako kinabahan! Tsk iyon lang pala.." nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginagawa kong pagkausap sa sarili ko.

Nangingiti namang nagpatuloy ako sa pagmamaneho at ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa basketball court na malapit lang sa bahay ni Zach.

Bumaba na si Zach sa motor niya at hinubad na rin ang helmet nya. Nag park muna ako bago siniguradong nakalock na ang pinto ng kotse ko at naglakad papalapit kay Zach.

"Bakit nakangiti ka?" Nagtatakang tanong nya.

Mas lumawak ang ngiti ko. "Syempre masaya ang tao kaya nakangiti.." sarkastikong saad ko kaya mas lalo pa akong ngumiti habang nakatingin sa kanya.

Ngumiwi sya at binatukan ako.

"Tch! Aray! Ba't nambabatok ka?" Nakangusong saad ko.

"Syempre may kamay ang tao.." sarkastikong saad din niya. "Halikana nga!" Inakbayan niya ako at naglakad kami papasok sa gym.

*KYAHHHHHHHHHH!

*WAAHHHHHHH!

Napalunok nalang ako dahil ng makapasok kami sa loob ng gym ay akala ko kaonti lang ang mga taong nandidito pero nagkakamali pala ako kasi sobrang dami at halos ang nanonood ay mga babae pa na nagtitilian ng makapasok si Zach.

Basta kasi pagdating sa basketball na iyan, sobrang hot kasing tignan si Zach pero hanggang doon lang ang tingin ko. At masaya ako kasi maraming supporters ang bestfriend ko.

Nang makapunta kami sa bench na tambayan ng mga ka grupo niya sa basketball ay napapayuko ako kasi ang sama sama ng mga tingin ng mga babae sa akin.

"Tsk,pinapatay na siguro ako sa mga utak nila.." naiiling na saad ko habang nakayuko pa rin. Nabigla ako dahil inakbayan ako ni Zach at niyakap!

"Sinong kausap mo?" Natatakang asal niya. Saglit ko pang sinulyapan ang mga followers niya at tinignan si Zach ng masama.

"Hoy, pinapatay na ako ng mga tingin sa mga followers mo oh!" Ininguso ko pa ang mga followers nya.

Sinulyapan niya saglit iyon. Pero kaagad din namang ibinalik sa akin ang paningin niya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.

'Hkk! Grabe naman ito kung yumakap parang hindi na ako makakasama!'

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon