Monday
Dahil wala na rin namang pasok, matagal talaga akong nagigising.
10 am na ako nagising ngayon. Nakatitig lang ako sa kisame at walang maisip na gawin kaya bumangon na ako at napagdesisyunan na maligo.
After I take a bath ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina. Bakit nakapatay ang mga ilaw? Nasaan si Ate Frances? Umakyta ulit ako sa hagdan at nagtungo sa kwarto ni Ate Frances. Kumatok ako ng ikatlong beses pero walang sumasagot. Pinihit ko pabukas ang doorknob dahil hindi naman iyon lock. Ang dilim ng kwarto niya at nung binuksan ko ang ilaw ay wala sya sa kwarto niya. Nasaan kaya iyon?
Kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ng shorts ko at tinignan kung may text ba sya at swerteng meron. Binuksan ko iyon at binasa.
Ate Frances
>Van, mawawala ako ngayong sembreak. May kasunduan kasi kami ng boyfriend ko. Sana okay lang sayo, sorry hindi ako nakapagpaalam kasi lock iyong kwarto mo wala akong extra na susi. Ingat ;)<[okay lang, ate. Take care.]
Ibinulsa ko na ang phone ko at pinatay ang ilaw tsaka sinara ang pintuan ng kwarto ni ate. Bumaba na ako at napagdesisyunan na magluto sa kusina. Buti nalang may mga canned goods dito na pwedeng lutuin kasi hindi ako marunong magluto. Si Ate Frances kasi ang palaging nagluluto.
Kinuha ko ang delata ng corn beef at binuksan iyon. Nag slice rin ako ng union at garlic para masarap ang resulta. Ilang minuto ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluto ng ulan at kanin.
Kumain ako ng mag-isa. Pagkatapos ay niligpit ko iyon at hinugasan. Nang wala na akong gawin ay napagdesisyunan ko na labhan ang mga damit ko. Syempre, good girl ako noh.
11:50 am ako nung matapos sa paglalaba at pagsasampay ng mga damit ko. Bumalik ako sa loob para magluto na naman ng pang lunch.
Pagkatapos kung kumain ay napagdesisyunan ko na manood nalang ng movie dito sa sala. Nagluto rin ako ng pop corn para kahit paano maenjoy ko rin itong boring na sembreak.
Nasa kalagitnaan na ako ng panonood ng movie nang biglang mag vibrate ang phone ko. Kinapa ko iyon sa bulsa ko pero ang paningin ko ay nasa pinapanood ko. Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hello?"
> Vanessa.
Nahulog ang pop corn na isusubo ko na sana pero dahil sa boses ng tumatawag ay nahulog iyon. Bwesit nagulat ako doon ah! Hoooo >o< kalma lang Vanessa, kalma lang si Zach lang iyan.
Nag clear throat muna ako bago sya sinagot.
"Napatawag ka?" Pilit tinatamad ang boses ko. Syempre ayaw kong ipakita sa kanya na namimiss ko na ang boses niya. Wait—-ano daw?! Baliw na ba ako?
> may ginagawa ka?
"Nanonood ng movie, tapos nakigulo ka."
> ah ganun ba, sorry hindi na ako mangugulo. Bye.
"Wait!"
*toot *toot
"Bobo! Ang oa mo talaga Zach! Tsk! Ang drama mong bakla ka! Hindi na mabiro!" Sigaw ko sa phone ko na as if namang maririnig ni Zach. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa nakokosensya talaga ako dahil sa pagtrato sa kanya.
Ano bang gagawin ko? Ginulo ko ang buhok ko at sinubukang tawagan siya pero hindi na niya sinasagot iyon! Bwesit ang oa talaga! Tinawagan ko ulit sya pero hindi na sya sumagot pa! Tawag lang ako ng tawag pero hindi na niya talaga sinasagot.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...