Tatlong araw na ang lumipas at hindi pa rin ako pinapansin ni Zach. Nalilito nga ako e kasi wala naman akong ginawa mali sa kanya at nagkaganun sya bigla. Kapansin-pansin rin ang paglalapit nilang dalawa ni Ysha. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay sila na ang palaging nagsasama sa tuwing recess at lunch. Hindi naman sa ayaw ko..masaya ako kasi nagbago na ang trato niya kay Ysha ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ako na naman iyong hindi niya pinapansin. Nakakainis!
Kung dahil ba ito sa pinagtalunan namin noong nakaraan ay wala akong makitang mali para ganyanin niya ako! Bwesit sya e malaking bwesit!
Nasa canteen ako ngayon at MAG-ISA na kumakain ng recess namin! Nakakainit talaga minsan ng ulo ang pagiging matampuhin niya.
Nakayuko lang ako habang nakatingin sa cp ko dahil nagti-twitter ngayon. Ang isang kamay ko naman ang ginagamit ko para sumubo ng pagkain na binili ko.
'Isa kang malaking bwesit!'
'Matampuhin mo masyado!'
'Ugali mo talaga e noh!!'
'Ah! Patagalan lang pala ng pride?!'
'Excuse me?! Mas mataas ang pride ko noh!'
Naiinis na nag-isip pa ako kung ano pa ang pwedeng i post sa twitter ko. Hmm... ano pa ba?! Iyong tamaan ang bwesit na iyon. Hmp!
"Hi!" Napalingon ako sa gilid ko nang may magsalita. Si Amand. Nakangiti sya habang nakatingin sa akin at napatingin ako sa gilid ko nang makitang may kasama syang lalaki. Hindi ko kilala iyong lalaki "siya pala si Peter kaibigan ko.. Peter sya naman si Vanessa classmate ko.." pagpapakilala ni Amanda sa aming dalawa ng kaibigan niya.
Nakipagkamay naman ako kay Peter. "Mag-isa ka lang?" Tanong ni Amanda. Binawi ko naman kay Peter ang kamay ko at tinignan si Amanda. Tumango ako. "Pwede bang makitable? Wala na kasing available na table dito." Tumango nalang ako bilang tugon at ibinalik ang paningin ko sa cellphone ko. "Are you okay?" May bahid na pag-aalalang tanong niya.
Napabuntong-hininga naman ako at tinignan sya nang may nakakalungkot na tingin. "Nagkatampuhan lang kasi kami ni Zach.." nalulungkot na saad ko.
"Why?" Nag-aalalang tanong niya pa ulit. "Iyon ba iyong nagkasigawan kayo noong nakaraan?"
Malungkot na tumango ako. "Bakit?" Tanong niya.
Ikukwento ko ba? Bahala na.
"Nagkasigawan kasi kami noong nakaraan ay dahil sa isang lalaki. Iyong lalaking iyon ay aksidenteng nagkabanggaan kami at hindi lang isang beses kundi dalawang beses, iyong unang banggaan namin ay alam kong gusto ko na sya kasi ang ganda ng mga mata niya at ang gwapo rin niya, nakita kami ni Zach nun na nakahiga sa lupa habang iyong lalaki naman ay nasa ibabaw ko kasi paakyat pa lang ako ng hagdan ay pababa na sya kaya ang resulta ganun..then ang pangalawang banggaan naman namin ay pabalik na kami nina Zach at Ysha sa classroom nang mabangga na naman niya ako. Then noong araw din na iyon ay nagpakilala sya sa akin.." kwento ko.
"Oh?, e bakit hindi na kayo nagkakasama ni Zach?"
"E kasi ayaw niya daw kay Steve.." nakangusong saad ko.
"Steve?" Parang nagtatakang tanong niya.
Tumango naman ako. "Oo."
"Sya?" Turo niya sa bandang likuran ko kaya naman dahan dahan kung tinignan ang tinuro niya at nang magtama ang mga mata namin ni Steve ay ayon na naman ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Steve...
May dala syang tray na may lamang pagkain. Nakatingin sya sa akin habang may kaonting ngiti sa kanyang labi.
"Hi..." bati niya sa akin. Nakatingin pa rin ako sa kanya na parang namamangha. Ang gwapo niya pala sa unipormi niya. Ngayon ko lang kasi siya nakitang nakaunipormi.
"H-hi.." naiilang na usal ko. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya dahil baka makikita niya ang pamumula ng mga pisngi ko.
"Pwedeng makitable?" Tanong niya kaya naibalik ko ang paningin ko sa kanya.
"S-sure.." medyo tumabi ako ng bahagya kay Amanda para mabigyan sya nang space para makaupo sa isa pang upuan.
Umupo si Steve sa isa pang upuan na nasa tabi ko. "Hindi niyo pa talaga ako tinulungan magdala ng mga pagkain niyo noh?" Sarkastikong saad nya sa dalawa dahilan para taka at nagugulat na tinignan ko sila.
"Malaki naman ang katawan mo para madala iyang mga pagkain namin e, kunin ko na iyong akin ah, hihi salamat." Nang-aasar na saad ni Peter kay Steve at kinuha ang pagkain niya.
"Heto na ang sayo princess.." sarkastiko rin saad ni Steve habang binibigay ang pagkain kay Amanda.
"Thanks Steveve!" Nang-aasar rin na saad ni Amanda habang tumatawang nakatingin kay Steve.
Nagpapalipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Nailapag ko ang kutsara ko at tinignan si Amanda.
"Kilala mo sya?!" Nagugulat na usal ko habang nakaturo kay Steve.
Natigilan naman sa akmang pagsubo si Amanda dahil sa tanong ko. Tinignan niya ang itinuro ko.
"Si Steveve?"
"Hindi! Sya oh!" Turo ko ulit kay Steve na nakatingin na sa akin at pati na rin si Peter ay takang tumingin sa akin.
"Si Steveve nga.."
"Steveve?"
"Oo tawag ko kasi sa kanya Steveve.."
"Ang baduy!"
Natawa si Steve dahil sa sinabi ko at natawa rin ng bahagya si Peter at Amanda.
"E ano bang meron kay Steveve?"
"Kilala mo sya?!"
"Oo.." natigilan ako. "Wait, bakit parang gulat na gulat ka?" Nagtatakang tanong niya pero nanatiling nakatingin lang ako sa kanya. Peshhhtiii nasabi ko pa naman sa kanilang dalawa ni Peter na may gusto ako kay Steve. "Hindi mo alam..?"
"A-ang alin?" Umayos ako ng pagkaupo.
"Na magkakilala kaming tatlo?"
"Hindi e, kaya nga nagulat ako.."
"Hahaha! Bakit ka naman magugulat?"
"E kasi magkakilala pala kayo.. kailan pala kayo nagkakilala?"
"Matagal na kaming magkakilala, Peter and Steve are my bestfriends.." nakangiting usal niya dahilan para matulala ako.
Bestfriends?
"Wai-wait! Nakakagulat naman ang pagkakagulat mo..."
"E kasi....i-iyong mg-mga..." sinabi ko. Gustuhin ko mang ibigkas iyan ay hindi ko ginawa kasi hindi kaya ng bibig ko na ilabas ang dalawang salitang iyon. Masyado akong nakaramdam ng kahihiyan.
"Iyon lang pala, don't worry. Kung ano man iyong nasabi mo kanina mananatili iyong sekreto.." nakahinga naman ako ng maluwag nang kumindat sya.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...