8: his care

53 5 1
                                    

Natapos ang pag rerecess namin ng tahimik lang ang ako. Madaldal si Ysha pero mahahalata mo sa boses niya na sobrang bait.

Ewan ko nga e, pero iba kasi ang sinasabi ng instinct ko.

Parang hindi ako naniniwala sa mga actions na pinapakita niya sa amin o sa akin. Piling ko kasi may tinatago siyang ugali na alam kung hindi magugustuhan ng ibang tao kaya nagpapakabait sya.

'Sana mali lang ang instinct ko..'

Nagpatuloy ang pagdidiscuss at panay kinig lang ako pero walang pumapasok sa utak ko. Hays.

"Goodbye class!" Sabi nung baklang teacher namin sa Oral Com.

Tumayo na kaming lahat. "Thank you and goodbye Sir Lin!see you tommorrow morning!"

DISMISSAL

Napahawak ako sa noo ko at bahagyang napayuko.

'Ang sakit ng ulo ko...'

"Hoy, ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Zach pero hindi ko man lang sya magawang lingunin kasi piling ko matatanggal ang ulo ko sa sobrang sakit. Kinalabit niya ako pero nanatili ako sa ganoon pwesto.

Ang sakit sa ulo kapag may nararamdaman kang parang kirot.

"Vanessa.."

"Hmm?"

"Okay ka lang ba?"

"Hmm" sagot ko nalang kahit hindi. Tinignan ko sya at pilit na ngumiti at ipakita sa kanyang okay lang ako.

Tumayo ako tsaka niligpit ang mga gamit ko. Pinapanood niya lang ako. Pagkatapos mailigpit ang lahat ng gamit ko ay nagtungo na kami kaagad sa canteen.

Kinakausap niya ako at panay 'hmm' o di kaya'y 'no' lang ang sagot ko.

"Ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa ganyan e." Tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Nanatili ang paningin ko sa pagkain ko. "Hindi.."

"Ano ba kasing nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong niya habang salubong ang kilay ng tingnan ko sya.

Napanguso ako. "Masakit lang ang ulo ko.."

"Tsk! Uminom ka na ba ng gamot?"

"Hindi pa, kanina lang to nung dismissal. Baka napagod lang ang utak ko sa mga diniscuss kanina.."

"Tch!uminom ka pa rin ng gamot!" Inis na singhal niya at tumango naman ako. Alam ko naman kasing kahit naiinis sya ay nag-aalala pa rin sya sa akin.

Tahimik lang ulit akong kumain hanggang sa matapos at makabalik na sa classroom namin. Naiintindihan naman ako ni Zach kasi alam na rin naman niya ang rason. Pagkabalik namin sa classroom ay sumalampak ako sa armchair ko at yumuko tsaka ginawang unan ang mga braso ko.

Matutulog muna ako.

ZzzzzzzzZzzzZzzzZzzZZZzzzzz

"Vanessa.."

"Vanessa.."

"Hmm.." ungol ko.

"Uwian na." Sabi ni Zach.

Dahan dahan naman akong tumingala sa kanya, pero ang labo ng mukha niya kaya kinusot-kusot ko pa muna ang mga mata ko bago ako ulit tumingin sa kanya at nakita ko ang nag-aalalang mga tingin niya.

"Uuwi na tayo. Kaya mo ba?"

"Oo naman. Nakaya ko ngang naiwan ako ito pa ba kayang simpleng sakit lang ng ulo." Pilit na biro ko at nagligpit ng mga gamit.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon