Tuesday na ngayon!
Sobrang saya ko sa mga nagdaang mga araw kasi ipinaparamdam ni Zach na hindi ako nag-iisa.
Super saya ko noong Wednesday at Thursday! E kasi naman noong Wednesday umakyat ng bintana ang loko at ang oras ay 4am! Dapak sya alam niya yon?! 4am e wala pa nga akong tulog kakaisip ng bonding namin noong monday at tuesday! Tas umakyat pa sya sa bintana ng kwarto ko para lang mang-imbita ng mag jogging?! Nag dadrugs ba yong loko? Tapos nung makababa ay ginising ako at nag imaginary jogging pa sya sa loob ng kwarto ko with matching exercise pa?! Anong nakain kaya nun? Tapos nung hapon hanggang gabi ay nag movie marathon lang kami sa kanila! pero still, masaya pa rin ako.
Noong Thursday naman ay nag movie marathon kami 10am-6pm tapos nag tungo kami sa park para manood ulit sa nagkikislapang mga bituin.
Noong Friday naman at Saturday ay nag mountain climbing kami at doon natulog ng isang gabi! Grabe ang pagod ko nun pero noong makaakyat na talaga kami sa tuktok ng bundok ay worth it ang pagod namin kasi nakapanood na naman kami ng sabay sa nagkikislapang mga bituin! At nakaakbay pa sya sa akin! Grabe ang bilis kaya ng tibok ng puso ko nun.
Noong Sunday at Monday naman ay bumaba na kami sa bundok para mag lake swimming at sa tabi ng lake kami nag lagay nang tent namin. Nag enjoy talaga ako sobra kasi maliban sa first time ko iyon ay sya ang kasama ko. Walang taong nakapagparamdam sa akin ng ganito kasaya kundi sya lang. At sobrang nagpapasalamat ako kasi...ewan basta masaya ako at iyon lang ang mahalaga.
At ngayon ay mag a-ice skating kami! And I am soooooo excited! Papunta na nga kami sa SM Ice Skating Rinks sa Pasay, Metro Manila! And I am soooooo exciteddddd! Paulit-ulit?! E excited ako e.
Ilang oras kaming bumyahe doon at nang sa wakas ay makarating na! Syempre nanguna ako kasi excited na nga ako tsk!
Pagkapasok na namin ay si Zach na ang bahala sa lahat ng bayad kasi syempre syanang nagyaya kaya sya ang magbabayad hehe! Hindi na ako makapaghintay!! Hindi ito nag kauna-unahang beses na makapag ice skating ako pero ito ang kauna-unahang beses na makakasama ko si Zach na mag a-ice skating!
"Hoy tomboy tara na!" Nabalik lang ako sa huwisyo ng marinig ang boses niya ay tapos na pala niyang itali ng maayos ang high boot ko! Inilahad niya ang kamay niya at walang pag-alinlangan na tinanggap ko naman iypn at naglakad na kami papasok sa ice skating area.
Unang tapak ko pa lang sa yelo ay madulas na pero buti nalang hawak ni Zach ang kamay ko kaya nakakapagbalance kaming dalawa. "Ready ka na?" Nakangiting tanong niya at tumango naman ako. "Okay, 1..2.."
"3! Yaaaaaaahhhhhhh! Yuhoooooo!" Sigaw ko at tumakbo papasok pero hawak pa rin ni Zach ang kamay ko. Maraming mga bata at matatanda ang nandidito at nag a-ice skating rin makikita mo sa kanilang mga mukha ang saya at hindi mawawala ang ngiti sa kani-kanilang mga labi.
Hawak na ni Zach ang dalawang kamay ko at nasa gitna na kami. Nakatingin sya sa mga mata ko at ako din sa kanya. "Van..."
"Hmm?" Nailang ako bigla sa paraan ng pagkakatitig niya. Ito na ba? Sasabihin na ba niya?
"Thank you..."
"F-for what?" Wag assumera ghorl! Ikaw lang talaga ang nagkakagusto sa kanya! Huwag mong bigyan ng ibang meaning ang pinagagawa niyo kasi kaibigan lang ang tingin niya sayo. Baka nakakalimutan mo ang sinabi niya noong nasa Oslob kayo. Kaibigan ka lang niya.
"For making me happy.." sabi niya dahilan para mapatitig ako sa mga mata niya at ngumiti ng tipid.
"No, thank you...ako dapat ang magsabi nyan sayo kasi, kung hindi dahil sayo nasa bahay lang ako at sobrang inaataki na ng bored... Thank you also for staying by my side, kahit minsan hindi mo na maintindihan ang topak ng ugali ko pero nanatili ka sa tabi ko at hindi mo ako pinapabayaan.." sensirong bigkas ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...