Friday na ngayon.
Maaga akong umalis sa bahay. Masyado pa ring umuukopa sa utak ko ang napag-usapan namin kagabi at ang sinabi niya. Hindi kami magkapatid? Paano nangyari iyon? Bakit magkasama kami kung hindi ko sya kapatid? Simula pagkabata ko ay sya lang ang kasama ko.
Hindi naman kayang magsinungaling ni Ate Frances sa akin e. Sya pa ang nagturo sa akin na mali ang masinungaling.
Nasa classroom na ako at nakaupo sa armchair ko. Nakayuko lang ako. Kulang na kulang ako sa tulog dahil sa napag-usapan kagabi. Kahit gustuhin ko mang maiyak pero hangga't maaga pa ay pipigilan ko. Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko ngayon.
Bakit hindi ko man lang nakita ang mga magulang at lola ko?
Bakit kukunin ako ni lola?
Bakit ayaw ni Ate Frances na sumama ako sa lola ko?
Bakit hindi kami magkapatid?
Argh! Puro bakit na alam ko namang mahirap sagutin! Nalilito na ako.
Ginulo ko ang buhok ko. Nakakafrustrate naman ang ganitong problema. Kagabi ko lang nakita ang ganuung klaseng mukha ni Ate Frances. Ang seryoso pero malungkot ang mga mata. Nakakahawa.
Napahilamos ako sa mukha ko at napasandal sa armchair.
Brrrzzzzttt brrrrzzzzztttt
Kinuha ko kaagad ang phone na nasa bulsa ng palda ko at sinagot ang tumawag.
"Vanessa?" Si Zach pala. Bakit naman kaya napatawag ito?
"Hmm?"
"May problema ka ba?" Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko munang sabihin kung ano man ang napag-usapan namin ng ate ko.
"Wala naman, napatawag ka?"
"Hindi muna ako makakapasok ngayon.."
"Why?"
"Naalala mo iyong napag-usapan namin ng daddy ko? Pupunta sila sa Cebu,right?"
"Ah, sasama ka ba?"
"Hindi hahabol lang kasi sa Wednesday lang sila nakaalis.."
"Ah, take care."
"After class, dumeritso ka dito sa bahay ha.."
"Why?"
"Basta. Mamaya nalang tayo mag-usap. Good luck, see you later." Binabaan na niya ako ng linya.
Ibinulsa ko na ulit ang phone ko at nagsimula naman ang klase na wala ako sa sarili.
Kahit na sino ang pumapansin sa akin ay hindi ko pinapansin. Wala talaga ako sa huwisyo.
Nagyaya si Steve na kumain sa canteen kasi recess na ngayon pero tumanggi ako. Hindi pa naman kasi ako gutom. Tipid lang akong nagsasalita kapag may dapat akong sagutin doon lang ako magsasalita.
Pagkatapos ng recess ay nagsimula na ulit ang klase pero katulad kaninag umaga ay wala ako sa huwisyo.
Discuss
Discuss
Lunch Break
"Tara na,Van?" Yaya ni Ysha pero tinaggihan ko lang sya.
Hindi kasi ako nakaramdam ng gutom. Hindi nalang niya ako pinilit at mas mabuti na iyon dahil kung hindi baka masigawan ko sya.
Nasa classroom lang talaga ako at umidlip lang ako sa lunch break.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...