27: kiss

18 4 0
                                    

Sobrang saya ng pakiramdam ko! Grabe sa wakas na tupad na rin ang isang pangarap ko na makapunta sa Cebu Safari Park! At hindi lang iyon, kasama ko pa si Zach. Grabe sobrang saya ko na talaga ng araw ngayon.

Napayakap ako kay Zach dahil sa sobrang saya. "Zach, thank you. Sobra sobra...salamat talaga..ang saya ko.." sinserong sabi ko.

Wala akong pakialam kung marami ang nakakakita na nakayakap ako sa bestfriend ko basta masaya ako ngayon.

"Oo alam ko yon, pwede ka ng kumalas kasi maraming naiingit sayo kasi may kayakap kang gwapo." Napakalas ako at sinuntok ang dibdib niya.

"Ang hangin mo ah! Tara na!" Hinila ko na sya papasok at nagsimula na kaming maglibot-libot sa loob ng Cebu Safari Park, may iba't ibang klase akong nakita na mga hayop katulad ng Zebra, Giraffe at kung ano-ano pa! Panay rin ang kuha ko ng litrato para may memories rin ako pagbalik ko sa Manila.

Hinabol ko ang Giraffe para makakuha ako ng litrato. Sobrang laki pala talaga ng giraffe. Pagkatapos kung kunan ay hinawakan ko ang kamay ni Zach at hinila sya papalapit sa akin. "Zach picture tayo!"

1

2

3

4

5

At sobrang dami pa na shots. May nakasmile, may naka peace sign, may nakakindat, tapos may nakalabas pa nang dila at kung ano ano pang kalokohan na makunan sa camera ay ginawa talaga namin.

"Last na.." anunsyo niya at itinapat sa aming dalawa ang camera ng phone niya gamit ang kaliwang kamay niya at ang kanang naman ay nakaakbay naman sa akin. "Magbibilang ka isa hanggang tatlo at doon ko lang pipindutin ang button.."

Kahit na weweirduhan ako sa trip niya ay sumang-ayon nalang rin ako.

"Okay.."

"Isa.." inayos niya ang pagkaakbay sa akin.

"Dalawa.." itinapat niya na ang camera sa aming dalawa.

"Tat—" hindi na ako nakatapos sa pagsasalita dahil sunod niyang ginawa sa akin.

Lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

*CLICK!

*CLICK!!

Tapos nagmamadali siyang umalis sa pagkakaakbay sa akin. Pero ako nakatanga pa rin dahil sa ginawa niya.

Napahawak nalang ako sa pisngi ko dahil doon niya ako hinalikan!!

Sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay gusto kung lumubog na sa dahil sa sobrang kahihiyan!

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon