"At ngayon, nais kung ang lahat ng mga ginoo ay magsitayuan at magtungo sa gitna.." sabi ni Mary. President namin. Nagsitayuan naman ang lahat ng mga lalaki at nagtungo sa gitna. "Magbibigay ako ng hudyat na kapag magsisimulang tumugtog ang musika, kayong mga ginoo ay maghanap o pumili kayo sa mga binibining nakaupo sa upuan at alokin itong sumayaw. Sa bawat mananayaw na may kapares ay tig talo lang ang sasayaw sa gitna. At tayo'y magsimula na.." pinindot na ni Mary ang play button at ang mga kaklase naming mga lalaki ay nagsilapitan na sa mga babaeng gusto nilang maisayaw.
"May I have this dance?" English na tanong ni Steve sa akin. Natawa ako sa kanya.
"Ginoo, tayo ay mga Pilipino kaya dapat ay tagalog ang salitang gagamitin mo.."
Ngumiti sya. "Maari ko bang maisayaw ka binibini?" Inilahad niya ulit ang kamay niya kaya nakangiting tumango naman ako at ipinatong ang kamay ko sa kamay nya. Dinala niya ako sa gitna nang makitang dalawang kapares palang ang sumasayaw. Nagsimula na kaming magsayaw sa gitna. "You're so-ibig kong sabihin, ang ganda mo sa iyong kasuotan magandang binibini..mas lalo kang gumanda at mas lalo rin kitang nagugustuhan.." hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya dahil whisper nalang iyon.
"Ano ulit iyon,ginoo?" Hindi ko kasi narinig ang huling sinabi niya. Iyong 'at' nalang ang huling narinig ko.
"Malalaman mo rin iyon binibini.." makahulugang sabi niya kaya hindi ko nalang sya pinilit.
Ilang minuto kaming nagsasayaw hanggang sa mapagdesisyunan kung maupo na muna dahil sa nangangalay na ang paa ko kakasayaw. Si Steve ay isinayaw na muna si Amanda. Nakita ko rin na isinayaw na ni Zach si Ysha kanina.
Habang marami pang nagsasayaw ay napagdesisyunan kung kumuha na ng pagkain dahil sa gutom na rin ako.
"Hey." Narinig kong may nagsalita sa gilid ko. Nilingon ko naman iyon. Si Zail pala.
"Hi.." nakangiting baling ko rin sa kanya at kumuha ng isang puto cheese na kulay yellow na may cheese sa ibabaw..
"Kamusta?" Kumuha din sya ng isang puto cheese pero kulay pink.
"Okay lang naman.." sagot ko. Ilang minuto akong naghintay pero hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. Akala ko nga umalis na sya pero busy pala sya sa pagkuha at pagpili ng pagkain gusto niya. "Kilala mo ba si Steve?"
"Yes." Tipid na sagot niya. "Honestly, nanligaw yon sa akin noon pero haha! Mukhang ikaw na ang target ngayon.." nagulat ako ng bahagya sa sinabi niya. Nililigawan din sya ni Steve noon?
"Ikaw ba ang unang babaeng niligawan niya?" Umiling sya.
"Actually, marami nang babaeng napasagot niyan.."
"Bakit hindi mo sya sinagot?" Kasi gwapo naman talaga si Steve, hindi ko sya masisisi kung bakit marami na iyong naging girlfriend.
Napabuntong-hininga sya. "Ayaw ko sa kanya, he's a play boy.."
Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa tenga ko ang 'play boy'. Wait, si Steve ay isang play boy? Hindi halata sa mukha niya na play boy sya.
"Excuse me?!" Tila naiinis na sabi ko. Baka kasi mali ang nadinig ko. Baka hindi si Steve na gusto ko ang tinutukoy niya.
"It's true. May tatlo akong mga babaeng kaibigan sa dati kong school. Sina Kimberly, Ashley, At si Peth. Actually, si Peth lang talaga iyong may gusto kay Steve but that time hindi sya nagustuhan ni Steve kasi may girlfriend pa sya noon. Then, when they broke up. Ewan ko basta one day, nagkagusto nalang si Steve kay Ashley. Well, hindi ko naman masisisi kasi mabait at maganda naman talaga si Ashley..maraming nagkakagusto sa kanya pero si Steve ang pinili niya. Naging sila noon, si Peth ay kahit gusto niya si Steve pero mas pinili niyang suportahan nalang ang dalawa. Nagtagal sila nun I think one year? Basta nalaman ko nalang na kaya nakipaghiwalay si Ashley kay Steve ay dahil nalaman nalang niyang nakikipaglandian din si Steve kina Peth at Kimberly. Syempre masakit iyon magbestfriend sila e. Lumayo rin kasi ako nun dahil na focus ang atensyon ko sa ex-boyfriend ko. Then Last year lang, grade 10 pa kami, may iba ng boyfriend si Ashley nun, si Peth naman may boyfriend na, pero si Kimberly ay wala pa..tapos dahil kay Steve nag-aaway away ang mga kaibigan ko. Pero si Peth at Ashley pa rin ang laging nagsasama. Si Kimberly naman ay sa akin sumasama. Nung time na may boyfriend pa ako, nanligaw si Steve kay Kimberly. Dahil nga, may gusto si Kimberly kay Steve kaya ayon sinagot niya si Steve. Hindi niya alam na may ibang girlfriend pala si Steve nun si Micah. Ayon, wala na nakipaghiwalay na rin si Kimberly kay Steve." Mahabang explanation niya.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...