28: damn dream

16 5 0
                                    

Gaya nga ng sinabi kahapon ni Zach ay maaga nga kaming nagising. 4 am nga niya ako ginising kasi malayo daw ang babyahiin namin. Tapos nagdala ako ng extra at hindi ko alam kung bakit pinadala niya ako.

Nasa sasakyan na kami ngayon ni Zach at nagmamaneho na sya. Dahil sa inaantok pa ako ay napagdesisyunan ko na maidlip na muna.

Z z z z z z z z z z z z z

Krringggg kringgggg!

Nagising ang diwa ko dahil sa nag ring ang phone ko. Inis kung tinignan kung sino ang tumatawag at ganuun nalang ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng makitang tumatawag si Rhysen.

Kaagad kung sinagot ang tawag niya.

"Hello?" Sagot ko.

"Vanessa.."

"Rhysen? Bakit napatawag ka?"

"Vanessa tulungan mo ako.." tila nagmamakaawang aniya.

Napaupo ako ng maayos at tinignan ang daan kung nasaan pa ba kami. Nilingon ko si Zach na nakapikit na nag dadrive!

"Zach! Gumising ka baka maaksidente tayo!" Biglang sigaw ko.

Pero hindi niya ako sinagot.

"Vanessa...please tulungan mo ako.." para akong nasasaktan dahil sa boses ni Rhysen, umiiyak sya. Umiiyak ang taong dating minahal ko.

"Rhysen wala ako sa Manila!"

"Oo alam ko, isinama ka ni Zach na alam kung ako iyong gustong makasama mo.."

Hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya.

"Rhysen? Hindi kita maintindihan.."

"Mahal pa kita Vanessa! Mahal na mahal pa kita pero mas pinili mong sumama kay Zach kasi alam mong may gusto rin sya sayo!"

Ano?!

"Bakit ba pagdating kay Rhysen,Vanessa. Nakakalimutan mo na ako?" Napalingon ako kay Zach nang biglang magsalita. Nakapikit pa rin sya pero umiiyak. "Nandito naman ako, ginagawa ko naman ang lahat para sayo pero bakit hindi mo makita ang halaga ko?"

"Anong pinagsasabi mo?!" Tila inis na sigaw ko sa kanya.

"Mahal kita Vanessa! Mahal na mahal kita pero mas pinili mo si Rhysen na wala na!!"

"Anong pinili?! Wala akong pinipili sa inyong dalawa!"

"Meron! Sya!" Biglang lingon ni Zach sa akin at nagmumugto na talaga ang mata nya dahil sa sobrang pag-iyak. "Ako nalang ang piliin mo..please. Hindi kita iiwan hindi katulad niya.."

Naiiling na sabi ko. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

"Vanessa.." si Rhysen.

"Rhysen.."

"Bumaba ka muna sa kotse.." inilibot ko ang paningin ko at doon ko lang napagtanto na nakatigil pala ang sasakyan.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon