"Meron.." sabi ko at napainom kaagad ng iced tea.
Ilang segundo ata akong nakatingin sa kutsara ko nang marinig ko ang pagtawa ni Zach kaya naman inangat ko ang paningin ko sa kanya. Tumatawa na sya habang nakatingin sa akin.
"Akalain mo nga naman, ibig bang sabihin nun ay nakamoved-on ka na kay Rhysen?" Natatawang tanong niya kaya napaisip ulit ako.
Hindi ko na maramdaman kay Rhysen kung ano man ang naramdaman ko sa kanya noon e. Si Steve na talaga.
Tumango ako. "Parang ganoon na nga.."
Pumalakpak sya ng pangatlong beses. "Masaya ako sayo..ngayon, nasisiguro ko na talagang wala ka nang nararamdaman sa kanya..masaya ako Vanessa, sa wakas nakalaya ka na rin sa nakaraan.."
"Oo naman..hindi naman kasi sa lahat ng panahon ay mananatili nalang ako doon..kailangan ko lang talagang tulungan ang sarili ko para umangat ako at magbago.." nakangiting sabi ko pa.
Tumayo na sya at tinapik ang balikat ko. "Tara na, baka ma-late pa tayo.." nakangiting sabi niya pa at naunang maglakad papalabas.
Weird..
Hindi ko nalang pinansin iyon at dali daling sumunod sa kanya. Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa classroom namin.
Umupo na sya sa upuan niya kaya wala akong choice kundi maupo na rin sa upuan ko na malayo sa inuupuan niya.
Ilang minuto ang lumipas at nagsimula na ang klase..puro discuss lang ang ginagawa at kahit nabobore ay pilit kung nakinig sa discussion kahit wala naman talagang pumapasok sa tenga ko.
Nang matapos ang ikatlong subject ay recess na namin. Pero hindi nagyaya si Zach na pumunta sa canteen kaya naglalaro nalang ako sa cellphone ko. Baka busog pa sya..
"Hey.." napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Amanda classmate ko na bestfriend ni Steve.
"Hey.."
"May ginagawa ka?"
"Wala naman..bakit?"
"May Gusto lang kasing magyaya sayong kumain sa Canteen.." nagtaka ako. Sino naman kaya?
"Sino?"
"Si Steve." Tipid na sagot niya pero bumilis talaga ang tibok ng puso ko.
Nakangiting tumingin ako sa kanya. "T-talaga?!"
"Oo naman!, naghihintay na sya sayo sa Canteen.."
"Talaga?!"
"Oo,he texted me.." pinakita niya pa sa akin ang text ni Steve. Binasa ko iyon at ngumiti.
Ibinulsa ko ang cellphone ko at tsaka tumayo.
"Pwede bang hingiin ko ang number nya?" Request ko. Gusto ko lang.
Kaagad naman niyang idinikta ang number ni Steve at sa kanya na rin. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanya na pupunta na sa Canteen.
Nagmadali talaga akong pumunta doon para maabutan ko sya. Gustuhin ko mang i-text sya ay hindi ko ginawa kasi nahihiya ako. Nang makarating na ako sa tapat ng Canteen ay huminga na muna ako ng malalim bago naglakad papasok.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomantikThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...