3: End of flashback

66 5 0
                                    

Mahal, Mag vote♥️

Hanggang sa bumuhos ang ulan ay nakatulala pa rin ako sa kinatatayuan ni Rhysen kanina. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang lahat ng pag-amin niya.

Hindi ko rin maiwasang hindi masaktan dahil sa huling sinabi niya. Akala ko ba mahal niya ako? Hindi niya hahayaang magiging magkaibigan lang kami.

'Baka magbago ang isip niya kasi hindi niya pa naririnig ang side ko..oo..iyon nga..' pangungumbinsi ko sa isipan ko.

Kaagad kung pinahid ang mga luha sa pisngi ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa building namin.

Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante sa paligid ko na may nagtatakang tingin. Siguro naiisip nila kung bakit ganito ng itsura ko ngayon. Pero mas importante si Rhysen sa ngayon.

Nagmadali akong umakyat papunta sa third floor at akma ko nang buksan ang pintuan ng classroom namin ng biglang may humablot sa akin at kinaladkad ako papunta sa comfort room.

"A-ano ba!" Pagpupumiglas ko.

Nang makapasok kami sa confort room na para sa mga babae ay ni lock niya muna ang pinto at salubong na salubong ang kilay na hinarap ako.

"Anong kahihiyan ang ginagawa mo sa sarili mo?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Zach.

Nangunot ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo? Anong kahihiyan ang ibig mong sabihin?"

"Yan! Tignan mo nga ang sarili mo! Sobrang basa mo na at bumabakat na ang hindi dapat makita!" Galit talagang sigaw niya.

"Nabasa ako ng ulan!"

"Malamang! Hindi ka naman magkakaganyan kung hindi diba?" Sarkastikong tugon niya at nagpaweywang pa sa harapan ko. "Ano bang pinagagawa mo sa buhay mo Vanessa?!"

"Hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit umulan! Sa tingin mo ba kung alam kung uulan pala bigla doon bababa ako para lang mabasa?" Naiinis na tanong ko. Naiintindihan ko sya pero hindi ko alam na masyado nang OA ang reaksyon niya.

Tinanggal niya ang jacket at pabatong ibinigay sa akin. Sinalo ko naman iyon. "Isuot mo 'yan, tsk!"

Sinunod ko naman sya at dali dali kong isinuot ang jacket niya.

"Nakita ko kayo.." malamig natugon niya. Inangat ko ang paningin ko sa kanya pero walang emosyon ang mukha niyang nakatingin sa akin. "Ano niligawan ka na ba? Sinagot mo na ba sya?"

"Hindi..."

"Oh e anong pinag-usapan niyo?"

"Umamin na sya sa akin."

"Na?"

"Gusto niya ako."

"Naniwala ka naman?"

Natigilan ako saglit pero mabilis ding nakarecover. "Oo naman, kailanman ay hindi nagsinungaling sa akin si Rhysen.."

Saglit syang napatahimik at napabuntong-hininga.

"Ano bang meron sa kaibigan ko at gustong-gusto mo?" Nangingiting tanong niya pero nakatingin lang ako sa kanya.

Ano nga ba? Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay nakay Rhysen na.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon