30: sya o ako?

28 4 0
                                    

Monday

Nagsimula ang klase.

Katabi kung umupo si Zach E kasi naman...nagseselos na naman itong bestfriend ko! Kanina pa nakasimangot! Kakausapin niya daw si maam kung bakit pinayagan niyang mag transfer ng room si Steve.

Sinulyapan ko si Steve saglit. Hindi naman sya mukhang play boy talaga e. Pagkakita niyang nakatingin ako sa kanya ay kumaway sya at ngumiti sa akin. Ngumiti lang rin ako sa kanya at ibinalik ang paningin sa harapan.

"Tsk.." napalingon ako sa gilid ko nang marinig kung nag-tsk si Zach. Tinignan niya ako ng masama. "Malandi talaga ang isang iyon..hmp!"

"Shh..ano na naman bang problema mo?" Mahinang tanong ko. Kanina pa kasi talaga sya ganyan e simula nang malaman niyang dito talaga mag-aaral si Steve.

"E kasi naman, may pakaway-kaway at pangiti-ngiti pa syang nalalaman..malandi talaga am*puta.." naiinis na bulong niya.

Kinalabit ko sya at pinatahimik.

"Villamor!" Bigla akong tinawag ni maam dahilan para mapunta ang atensyon ko sa kanya. "Stand up!"

"Maam.." tumayo ako.

"What are the three exclusive religions?!"

Nag-isip pa muna ako. "The three exclusive religions are Judaism, Christianity and Islam.."

"How about the non-exclusive?!"

"Hinduism,Buddhism,Confucianism,Taoism,Shintoism.."

"Are you sure?"

"Yes maam!" Iyon kasi ang nabasa ko.

"Okay! Sitdown! Akala ko hindi kayo nakikinig ni Mr. Dela Cuesta! Puro kayo bulong bulong dyan!" Pati yon napansin pa? Anak ng! Gustuhin ko mang syang irapan ay hindi ko nalang ginawa tsk!

Naupo na ako at pinilit na makinig sa discussion ni maam pero wala talagang pumapasok sa tenga ko. Nabobore na naman ako.

"Prepare for a long quiz tommorrow! Kailangan na nating magmadali dahil malapit na ang first periodical exam niyo para sa first semester! Dismiss!" Umalis na sya sa classroom.

"Bwesit!" Nakasimangot na sabi ko.

"Anyare sayo?" Natatawang aniya. Sya naman itong masaya!

"Bwesit yong guro na iyon!" Nakasimangot talagang sabi ko. Kapansin-pansin kasi na ako lang ang pinag-iinitan ng ulo nun.

"Huwag mo nalang pansinin.." tapos inakbayan niya ako at niyakap.

"Kontrabida talaga yun.." nakasimangot na sabi ko. Alam ko naman kung ano ang attitude ko dito sa loob ng klase pero wala naman akong ginagawa para ganun kainit bigla ang ulo nun.

"Vanessa.." may biglang tumawag sa pangalan ko kaya inangat ko ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Si Steve. "Tara kain na tayo?" Sabay na naman kaming kakain? Yessssss!

Nakangiting tinignan ko si Steve. "O—ahhhhhhhh!!" Malakas na sigaw ko nang kagatin ni Zach ang bewang ko. Pinapalo palo ko sya sa balikat para umupo ng maayos. "Baliw ka Zach!" Sigaw ko at hinihimas ang bewang ko kung saan niya kinagat. "Ba't mo ginawa yun?!"

"Sagot sagot pa eh.." nakangiting aniya at tsaka tumayo. Tinapik niya pa ang balikat ni Steve tsaka naglakad papalayo.

"Okay ka lang?" Natatawang tanong ni Steve sa akin.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon