Friday na naman ngayon. At sa loob ng tatlong araw ay si Steve at Zail nalang ang kasama ko. Si Zach ay pinipilit pa rin ang sarili na humingi ng sorry sa akin pero sinabihan ko nga sya na 'I need space' charot parang true yun ah! Ang drama nakakasuka!
Nasa garden kaming tatlo ni Zail at Steve kasi daw may sasabihin daw si Steve sa akin. If I know napipilitan lang si Zail na makasama ako kasi alam kung ayaw niya kay Steve.
"Vanessa.." parang kinakabahan na tawag sa akin ni Steve. Napatingin naman ako sa kanya tapos kay Zail na nag-roll eyes. Palihim lang akong napatawa dahil sa kacutetan ni Zail nung irapan niya si Steve.
"Err, Vanessa. Aalis na muna ako,ah. May gagawin pa kasi ako. Tawagan mo lang ako kapag 'tapos na sya sa drama niya'.." ibinulong niya sa akin ang mga katagang iyon kaya natawa ako at tumango nalang rin sa kanya. Tumayo na si Zail at walang paalam kay Steve na naglakad papaalis.
"Saan pupunta iyon?" Tanong niya habang nakatingin sa deriksyon kung saan naglakad papaalis si Zail. Hindi ko siya sinagot. Ibinalik na rin niya sa akin ang paningin niya. "M-may sasabihin ako.."
Tinignan ko sya. Iyong tingin na normal lang. Walang halong malisya. "Ano yon?"
"Van...pwede ba—" hindi na nakatapos si Steve sa kanyang pagsasalita ng may sumingit sa pagsasalita niya.
"Sige sa mismong mukha ko.." alam niyo na siguro kung sino. Naramdaman ko na tumabi si Zach sa akin. Hindi ko siya nilingon pero aaminin kung nailang ako bigla sa presensya niya. Napalunok nalang ako ng hard ng maamoy ang mabangong perfume niya. "Ano? Start na!"
"Ano bang ginagawa mo dito?! Kita mo namang nag-uusap kaming dalawa diba?" Tila inis na sabi ni Steve. Hala, enemy nga pala.
*Huk!
Nabigla ako nung akbayan ako ni Zach at ilapit ang ulo ko sa dibdib niya. Lumakas talaga ang tibok ng puso ko dahil sa biglaang ginawa niyang iyon.
"Bilis! Makikinig ako sa sasabihin mo, ayaw mo pa nun may taga cheer ka?!" Pang-uuto niya kay Steve. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at akmang aalisin iyon pero mas hinigpitan niya. Bushit!
Inirapan lang siya ni Steve at tinignan ako ni Steve. "Van, pwede ba akong manligaw sayo?"
Lunok!
Lunok ulit!
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil nandito si Zach! Nakatitig lang ako kay Steve pero ang utak ko ay nakay Zach. Alam ko naman kung ano ang isasagot ko pero bakit ganito nalang kahirap? Sobrang bait niya sa akin at natatakot ako na saktan siya.
'Pero mas masasaktan siya diba kung sasagutin mo siya pero iyang puso mo ay masaya sa iba? Parang pinapaasa mo na rin siya' sabi ng utak ko.
Lumunok ulit ako at tinanggal ang kamay ni Zach sa balikat ko. Nilingon ko pa si Zach at inirapan bago ko tinignan ulit si Steve.
"Steve...." huminto muna ako sa pagsasalita. Huminga ng malalim at tinignan sya sa mga mata. Kaya ko 'to. "Pasensya ka na..." mahinang sabi ko. Pero walang nagbago sa itsura niya. Kahit emosyon ay hindi nagbago sa kanya. Para bang expect na niya ang sasabihin ko?
"Ah..ganun ba, o-okay lang.." sabi niya at walang pasabi-sabing tinalikuran ako at naglakad papalayo.
Para akong nabunutan ng isang tinik sa puso ko. Ganun pala ang feeling na basterin ang nililigawan?
"Wiw!" Rinig kong sipol ng nasa katabi ko. Walang pamamaalam na tumayo ako at naglakad papalayo sa kanya pero as usual, hinabol na naman niya ako at hinawakan sa braso para ipaharap sa kanya. Nakapout sya habang nakatingin sa akin. Binigyan ko siya ng 'what' look. "Iniwan mo naman ako doon.." nakapout na sabi niya. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya dahil aaminin kong ang cute niya kapag nakanguso. "Oy, kausapin mo naman ako." Parang nagmamakaawang sabi niya. Tinignan ko siya.
"Bakit?"
"Van, para na akong baliw kakaisip sayo."
"Bakit?" Kakaisip? Tsk! Heto na naman po tayo!
"Dahil hindi mo ako pinapansin." Nakanguso ulit. "Van, balik na tayo sa dati please. Hindi ko kayang mawala ka.." wtf?! Bakit parang iba talaga sa akin ang mga katagang binibitawan niya?
"Ano mo ba ako?" Prangkang tanong ko. "Ano ba ako sayo?"
Ilang minutong nakatitig si Zach sa akin bago nagsalita. "Syempre, b-bestfriend ko." Napatango-tango ako at iniwas ang paningin ko sa kanya. Bestfriend...
"Diba sinabi ko naman na sayo na kailangan ko ng space?" Hindi ko alam kung anong mali sa tanong ko pero bigla siyang mag-smirk at kinurot ang pisngi ko.
"Ang cute talaga ng bestfriend ko kapag nagtatampo..sorry na ah, sorry kasi nasabihan kita ng masasakit na salita, alam ko na hindi matatanggal nun ang katotohanan na nasaktan na talaga kita.." sensirong aniya kaya napabuntong-hininga ako. Namimiss ko na rin naman siya e..
"Okay." Tipid na sagot ko at tatalikod na sana pero pinaharap na naman niya ako at niyakap ng mahigpit! "A-ang h-higpit m-mo naman y-yumakap.." nahihirapang bigkas ko. Ang higpit grabe! Para akong kakapusin ng hininga.
"Kasi tatlong araw kitang hindi nayayakap, alam mo naman kapag nagkakasama tayo palagi akong yumayakap sayo!" Inilayo niya ang sarili sa akin. Tapos binatukan ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Tapos ikaw, tatlong araw may patampo-tampo sa akin kaya bayaran mo ang utang mo!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong utang? Wala akong utang sayo,okay?!"
"Meron! Iyong tatlong araw na hindi ako nakayakap sayo ay utang mo iyon! Bayaran mo na para walang problema!" Pilit ginagalit ang boses na aniya.
Sinuntok ko ang dibdib niya. "Utang your face!" Napa-aww naman sya. Tumalikod na ako at naglakad papaalis ng biglang...
Lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
O_____O
>>____<<
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa niyakap niya ako sa likuran! The heck! Bakit ba iba ang epekto kapag niyayakap na niya ako lately?!
Napapakurap nalang ako dahil hindi ko maintindihan ang pagbilis ng tibok ng puso ko at nakita kami ni Ysha na ganito ang posisyon! Napalunok ako ng maramdaman ang hininga ni Zach sa tenga ko.
"Kung ayaw mong bayaran ang utang mo, ako nalang ang gagawa nun sayo.." mahinang bulong niya pero hindi ako nakagalaw dahil nakita ko ang biglaang pag-iwas ni Ysha ng paningin niya at naglakad papaalis.
Ysha..
May nakita akong kakaiba sa mga mata niya nung makita niyang niyakap ako ni Zach sa likod. Para bang..nasasaktan sya o nagseselos siya. both?
Nakayakap pa rin si Zach sa likuran ko habang ang noo niya ay nakasandal sa balikat ko. Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa bilis ng pangyayaring iyon.
Ilang saglit pa ay kumalas na si Zach sa pagyakap sa akin sa likod at naglakad papaharap sa akin.
"Sorry na ha? Bati na tayo.." wala akong nagawa kundi ang tumango. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ang noo ko na nakakapagdagdag ng bilis ng tibok ng puso ko.
Paksheyt ka Zach! Binabaliw mo ang puso ko!!!!!
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...