Nang matapos kumain ay naglalakad na kaming tatlo papunta sa classroom namin. Panay naman ang pakinig ko sa usapan nina Zach at Ysha. Parang sa isang iglap ay nag-iba ang trato ni Zach kay Ysha. Kung noon ay cold ito sa kanya pero ngayon ay kinakausap na niya, kung paano akong tratuhin ni Zach ay iyon na din ang trato niya kay Ysha. Kung noon ay hindi ngumingiti si Zach sa kanya pero ngumingiti na sya ngayon. Kung noon ayaw niyang lumapit kay Ysha pero iba na ngayon.
Sana mali itong naiisip ko...
May parte ng utak ko na sang-ayon sa kanilang dalawa kasi nagbago na si Zach I mean kung ano ang pagtrato niya noon kay Ysha ay hindi na niya ginawa. May kalahating parte rin ng utak ko na, hindi tanggap na ganito na kaagad ang trato ni Zach sa kanya.
Nasa likuran lang nila ako at kahit hindi sila tinitignan ay naririnig ko pa rin ang usapan nila pero ayaw mag sink in sa utak ko ang mga pinagsasabi nila. Tahimik lang ako habang busy kakahalungkat sa cellphone ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa cellphone ko ng biglang...
*BLAGGGGGG!
Muntikan na akong matumba ng biglang may mabangga ako! Napasigaw pa ako dahil sa bigla. Buti nalang ay may kamay na biglang pumulupot sa bewang ko para hindi ako tuluyang matumba.
Napahawak rin ako sa balikat niya para hindi ako tuluyang matumba. Tinignan ko kung sino ang nakabanggaan ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko muli ang mga matang iyon.
Nakatingin din sya ng deritso sa akin at bigla akong nakaramdam ng kilig sa puso ng ngumiti sya.
"Okay ka lang?" Nangingiting aniya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Masyadong napako ang mga tingin ko sa magandang ngiti niyang iyon. Ang saya na nararamdaman ko sa puso ko ay kakaiba. Parang naramdaman ko na rin ito sa isang tao noon. "Hey...are you okay?"
"Ha?"
Pinatayo niya ako ng maayos at bahagyang lumayo sa akin.
"Okay ka lang?" Tanong niya ulit dahilan para mapaiwas ang paningin ko at nakita ko na naman ang salubong kilay ni Zach habang nakatingin sa lalaki. "Hey.."
Naibalik ko ang paningin ko sa kanya. Nakangiti pa rin sya. "Okay ka lang ba talaga?"
"A-ah oo.." nakatulalang saad ko.
"Hahaha! You're so cute, anyway, Im Steve.." pagpapakilala niya at inabot ang kamay niya sa akin.
Napapalunok na tinignan ko iyon bago ko inangat ang tingin ko sa kanya. Nagpapakilala ba sya? Wow... grabe namang epekto sa akin.
Inabot ko na rin ang kamay ko sa kanya at ngumiti. "I'm Vanessa..pwede mo akong tawaging Van, Nessa, Essa,Vane o kung anong gusto mo hihi!"
Nang maglapat ang kamay naming dalawa ay nakaramdam ako ng kuryente na hindi ko maipaliwanag kung ano ang tawag. Malambot ang kamay niya at mahahalata mong may kaya sa buhay.
"Nice to meet you.." nangingiting saad niya. Ngumiti rin ako.
"Nice to meet you too!"
Iniwas niya ang tingin niya sa akin pero ibinalik rin naman kaagad. "Hinihintay ka na ng kaibigan at boyfriend mo..."
Binawi na niya ang kamay niya at namulsa. Tinignan ko naman sina Zach at Ysha na nakatingin pa rin sa amin.
"Hindi ko sya boyfriend, he's just my bestfriend." Saad ko habang nakatingin kay Steve na nakangiti.
"Oh? Talaga?, may pag-asa pala ako..." nangingiting usal niya dahilan para matigilan ako. "So I gotta go..see you again next time." Tinapik nya pa nang bahagya ang braso ko bago sya tumalikod at maglakad papaalis.
*tug dug
*tug dug
Napahawak ako sa parte kung nasaan ang puso ko.
Anong ibig sabihin nito? May gusto na ba ako sa kanya..?
Ba't ganun kadali? Ano yun love at first sight?
O___O
Napaangat ang kamay ko papunta sa bibig ko at heto na naman ang hindi maipaliwanag na tibok nang puso ko.
'Na love at first sight ako sa kanya...'
Hanggang sa makabalik kami sa classroom ay iyon pa rin ang laman ng utak ko. Ibig bang sabihin nun...hindi na si Rhysen ang gusto ko? Ba't ganun?
Anong nangyari bigla? Noong first day of school palang e inaalala ko ang mga nangyari sa amin noon at aaminin kong nasasaktan pa rin ako dahil sa kanya. At hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun nalang ang epekto ng puso ko ng una kong makita si Steve.
Kung ano ang nararamdaman ko kay Rhysen noon ay nararamdaman ko rin kay Steve. Ibig ba talagang sabihin nun ay nakamoved-on na ako kay Rhysen?
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Inalala ko ulit ang mga masasaya hanggang sa masakit na pangyayari namin ni Rhysen at maski isang bahid na lungkot o sakit ay hindi ko naramdam.
Inalala ko ulit iyong banggaan namin ni Steve. Iyong nakita ko ang ganoon kagandang mga mata. Iyong epekto nang puso ko habang nakatingin sa kulay lupang mga mata niya. At iyong natulala ako dahil sa pagngiti niya.
So ibig sabihin nun ay may gusto ako sa kanya..
"Nakipagkamay ka pa talaga sa kanya ah, ano nagpakilala ba?" Narinig kong saad ng isang boses pero hindi ko pinansin iyon.
*tug dug
*tug dug
Napahawak ako sa parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
"Oo at may gusto ako sa kanya.." wala sa sariling sambit ko habang nakatulala at inaalala ang nakangiting mukha ni Steve.
"Anong oo? At anong gusto ang pinagsasabi mo?!" Napaigtad ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Zach sa akin.
Nanlalaki ang mga matang tinignan ko sya. "K-kanina ka pa d-dyan?" Nauutal na usal ko kasi hindi ko man lang napansin ang presensya niya kanina.
Masyado na namang salubong ang kilay na tinignan niya ako. "Oo! At dahil sa bwesit na iyon nakalimutan mo na ako!" Naiinis na usal niya dahilan para mainis rin ako sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo?" Naiinis na tanong ko dahil hindi ko sya maintindihan.
"Bakit hindi ba?! Nagkabanggaan na kayo't lahat nagpakilala pa talaga?!"
"Mali ba iyon?!"
"Oo! Kasi nakalimutan mo na akong bestfriend mo! Wow at ang mas malala pa doon..nabangga ka na nga imbis na mag hingi nang 'patawad' nagpakilala!" Sigaw niya at tinignan ko naman ang mga kaklase kong nakatingin sa amin.
Ibinalik ko sa kanya ang paningin ko. "Oh e ano naman sa iyo ngayon?" Walang emosyong usal ko. Nakakairita na kasi sya e.
Nawala ang pagsalubong ng kilay niya at tinignan na naman niya ako ng walang kwenta niyang tingin.
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang tupak nitong kaibigan ko. Minsan naiirita na ako kasi pinapakialaman niya ako.
Napabuntong hininga nalang ako at iniwas ang paningin ko sa kanya.
"Kasi ayaw ko sa kanya.." malamig na sambit niya at umalis na sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...