41: his feelings for his bestfriend

16 3 0
                                    

Isang buwan.

Hindi na pumasok si Vanessa sa school at si Zach naman ay sobrang nag-aalala na sa kanya. Ang huling naalala niyang pangyayari na magkasama sila ay noong nandoon sila sa bahay niya.

Naalala niyang nagkausap sila ni Ysha na magkasundo na ngayon. Sinabi rin ng mommy ni Zach na nakatulog daw si Vanessa sa guest room malapit sa kwarto niya at ang hinala niya ay narinig sya ni Vanessa.

Hindi niya na rin ma contact ang dalaga at pinuntahan niya ang bahay ni Vanessa pero ang tanging nandodoon lang ay si Ate Frances kasama ng dalawang bodyguards.

Aaminin nya, namimiss na niya ang dalaga at hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng nararamdaman niya. Malapit na ang Christmas Party at medyo busy na sila para ipaghanda ang okasyon na iyon pero sya parang walang buhay. I really miss her. I want to see her.

Pero hindi niya alam kung saan niya hahanapin si Vanessa.

"*cough *cough!" Naubo na naman ulit si Zach. Sa loob ng isang buwan bigla nalang syang inuubo kundi ay nakakaramdam sya ng pagsikip sa dibdib at nahihirapang huminga tapos bigla nalang sya lalagnatin at mawawalan ng malay. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya kung bakit sya nagkakaganyan simula ng pinapabayaan na niya ang sarili niya.

"Hey, are you okay?" Si Ysha at naupo sa tabi niya.

"*cough cough May balita ka na ba kay *cough Vanessa?" May bahid na pag-aalala sa boses niya.

"Wala pa nga e, pati ako nag-aalala na rin dahil hindi ko na sya ma contact. Ba't inuubo ka? You need water?" Nag-aalala rin si Ysha.

"No,thanks *cough cough cough." Napabuntong-hininga nalang si Zach. Hindi niya talaga alam kung bakit hindi na niya macontact o kahit masilayan si Vanessa ay wala. Namimiss na niya ang bestfriend niya sobra. Isang buwan na itong hindi nagpaparamdam at isang buwan na rin syang sobrang namiss ang dalaga.

Birthday pa naman ngayon ng babaeng iyon at may regalo pa naman sya para kay Vanessa. Pinag-ipunan taga niya ito dahil gusto niyang maging masaya talaga si Vanessa at sya ang dahilan.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit gusto niyang maging masaya si Vanessa na sya ang rason. Nasasaktan din sya sa tuwing naiisip niya na may gusto pa rin si Vanessa kay Rhysen. Alam naman niya ang rason kung bakit talaga sya nagkaganito pero hindi niya maamin sa sarili dahil natatakot sya sa possibleng mangyari. Baka kapag pinairal niya pa ang nararamdaman niya, natatakot siya na baka sya lang itong kumakapit sa kanilang dalawa. Malabo kasi na magkagusto si Vanessa sa kanya dahil alam nya kung sino lang ang lalaking mahal ni Vanessa at iyon ay ang bestfriend niya, si Rhysen.

Kinuha niya ang headset nya at nakinig nalang ng kanta.

Do you remember when I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby
When we were out on the playground playing pretend
I didn't know it back then

Shit! Pinapatamaan ba ako ng kantang ito? Nananadya ba ang kantang ito?

Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together, have feelings we had before.
Back when we were so innocent

Ganyan pala iyan noh, habang tumatagal kayong nagkakasamang dalawa hindi mo na pala namamalayan na nahuhulog ka na pala sa kanya.

I pray for all your love, girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me. (I must be dreamin')
This is something like a movie and I don't know how it ends girl, but I fell in love with my best friend
(I think i'm in love x5)
I fell in love with my best friend
(I think i'm in love x5)
I fell in love with my best friend

So, ganito na nga? May gusto na ba talaga ako kay Vanessa? Pero hindi naman ako magkakaganito kung wala, sa tuwing ngumingiti sya parang ako iyong rason, sa tuwing nalulungkot sya nasasaktan ako. I really fell inlove with my bestfriend.

Through all the dudes that came by, and all the nights you'd cry
Girl, I was there right by your side
How could I tell you I love you when you were so happy with some other guy,
Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together, have feelings we had before
When we were so innocent
I pray for all your love, girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me, (I must be dreamin')
This is something like a movie, and I don't know how it ends girl,
But I fell in love with my best friend

Hindi ko sinasadyang mahulog sa kanya dahil kahit ako hindi ko rin alam sa sarili kong ito na pala, gusto ko na pala sya.

I know it sounds crazy, that you'd be my baby
Girl, you mean that much to me
And nothing compares when, we're lighter than air and we don't wanna come back down.

I really miss her so much! I really want to see her! I miss her smile! I miss everything about her..

Tumayo si Zach at naglakad papalabas ng classroom. Uuwi na muna sya, wala talaga sya sa hulog ngayon at dahil iyon kay Vanessa.

Nang makauwi sya sa bahay ay nagkulong lang sya sa kwarto niya at nahiga sa kama.

"Argh! Vanessa! Nasaan ka ba ngayon?! *cough cough Magpakita ka naman sa akin, *cough cough para na akong baliw dito kakahintay sa wala!" Inis na sigaw niya at sinabunutan ang buhok niya. Para na talaga syang baliw sa ginagawa niya.

Bumangon sya at dinial ang phone number ni Vanessa pero cannot be reached na ito! Nag open na rin sya sa facebook nya at hinanap ang name ni Vanessa sa Chat list pero wala ito kaya sinearch nya ito pero hindi niya mahanap! Siguro nag deactivate na si Vanessa sa facebook niya.

"Sh*t! Ano bang kasalanan na nagawa ko Vanessa?!" Inis na sigaw niya.

Nagtungo sya sa Instagram at nag pm doon kay Van pero hindi rin effective kasi naka private ang account nito. So Twitter naman ay nahanap niya at ilang beses pa syang nag leave pero walang sumasagot. Napagulo nalang sya sa buhok niya dahil sa sobramg pagkairita. Namimiss na niya sobra ang dalaga pero hindi man lang nag-abala na magparamdam.

Ang last option nalang niya ay through Gmail.

To: Vanessa Villamor

Hoy tomboy! Nasaan ka na ba?! Bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin?! sa Amin?! Hindi mo na ba ako namimiss? Ano? Sagutin mo naman itong mensahe ko! Nasaan ka ba? Para na akong baliw dito oh namimiss ko na ang bestfriend ko. Vanessa, I'm begging you. Magparamdam ka naman sa akin oh, may nagawa ba akong kasalanan para hindi ka man lang magparamdam? Sobrang namimiss na kita. Magpakita ka na please... by the way, Happy Birthday pala :) I miss you so much. Malungkot ako ngayon kasi wala ka. Magpakita kana para sumaya man lang ako.

- Zach :(

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon