Pagkatapos naming kumaing apat ay hinatid kami nina Peter at Steve sa classroom. Hindi kasi namin sila kaklase. Nasa pintuan na kami ng classroom namin at panay naman at pagpatawa ni Peter sa aming tatlo at kami naman ay panay ang tawa.
"At ang mas nakakahiya pa doon ay maraming tao ang nakakita sa pagkadulas niya sa hagdan! Hahahaha! Epic na epic talaga ang mukha niya doon at may litrato pa nga ako e! Hahahahah! Grabe talaga hindi ko talaga makakalimutan iyon! At heto pa! Hindi sya nakapasok kinabukasan dahil nagkanda pasa ang mga binti niya! Hahahahah peace bro!"
"E ikaw kayang madulas sa hagdan?!" Nakangusong saad ni Steve kay Peter. Natawa naman kami.
Ang sarap rin pala sa pakiramdam na magkakaroon ka ng maraming kaibigan, pero ang mas masarap sa pakiramdam ay iyong tunay at nag-iisang taong nagpapakatotoo sa iyo at hindi ka pinapabayaan
.....iyon nga lang, nakakalungkot isipin na ang taong nagpapakatotoo sa akin, hindi pa ako pinapan-Hindi na ako nakatapos sa speech na nasa utak ko at ang pagtawa ko rin ay naglaho ng may humawak sa kamay ko at kinaladkad ako papunta sa comfort room na nasa gilid lang ng classroom namin.
"Ano ba!!" Pagpupumiglas ko pero hindi niya ako binitawan hanggang sa makapunta kami sa comfort room at inilock niya ang pintuan ng comfort room. Doon pa lang niya ako binitawan. Salubong ang kilay at hinihingal na tinignan ko sya. "Ano bang problema mo Zach?!" Oo wala namang iba na mahilig mangaladkad sa akin. Sya lang naman!
"Wow...nagkaroon ka lang ng mga 'bagong' kaibigan nagaganyan ka na?" Tila naiinis na sambit niya.
Napapikit naman ako saglit at nagbuga ng hangin. "Ano bang kailangan mo?" Pilit pinapakalma ang tono ng boses ko. Ayaw kung magtalo na naman kami.
"Kaibigan mo ako, Vanessa! Syempre kailangan kita!" Dahil sa sinabi niya ay kumabog nang mabilis ang puso ko at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa puso ko dahil lang sa sinabi niya.
Anong ibig niyang sabihin? Natawa naman ako ng pagkasarkastiko.
"Kaibigan pala e! Bakit hindi mo ako pinansin nang tatlong araw?! Ha?! At natiis mo talaga nang ganun katagal noh!? Kaibigan...hahaha! Ang kaibigan palaging iniintindi ang kaibigan niya! Hindi iyong hindi mo sinusuportahan! May patampo tampo ka pang nalalaman! Ang bobo mo alam mo yon!? Tsk! Nakakainis ka naman Zach e! Palagi ka nalang talagang ganyan!! Wala naman akong makitang dahilan para hindi mo ako pansinin! Ayan tuloy tatlong araw akong nagtiis na mag isang kumain bwesit ka! Bwesit ka talaga! Tapos dumating lang si Ysha sa buhay mo naichapwera na ang ganda ko!! Nakakainis ka! Tatlong araw?! Tatlong araw mong binalewala ang kagandahan ko! Tatlong araw mo akong tiniis na hindi pansinin!? Wow!! Sana inisip mo na sa tatlong araw na iyon namimiss ko na ang kaibigan ko!! Pero ayun...nagpapakasaya sa 'bago' niya!! Huhuhuhu! Pinapaiyak mo talaga ako pa-" hindi na ako nakatapos sa pagsasalita nang hilahin niya ang kamay ko papalapit sa kanya at niyakap niya ako.
"Sorry na, hindi ko kasi mapigilan ang hindi mainis sa iyo, sorry na talaga. Ayaw ko lang talaga sa lalaking iyon, alam mo namang ayaw kung makita kang nasasaktan nang dahil lang sa isang tao. Sorry na Vanessa, at kahit hindi mo man itatanong pero sa tatlong araw na iyon ay sobrang namimiss ko na ang presensya mo..namimiss na kita nang sobra kaya heto..sorry na talaga..peace na tayo..." malambing at sincere na usal niya dahilan para mapangiti ako at nakaramdam nang kaginhawaan sa puso.
Heto ang isa sa mga dahilan kung bakit namimiss ko na ang kaibigan ko. Masaya talaga ako kasi okay na kami..
Nang kumalas sya sa yakap namin ay nagpanggap ako na galit pa rin sa kanya. Nang makita niya ang salubong na kilay ko ay napanguso sya.
"Sorry na kasi.." parang bata na sambit niya.
Napakagat-labi naman ako dahil natatawa ako sa itsura niya.
"Van-"
"Hindi kita mapapatawad kung hindi mo gagawin ang isang kondisyon ko!" Kunwaring galit na usal ko.
Mas lalo syang napanguso. Hah! Magtiis ka! Tatlong araw mo akong hindi pinansin!
"Ano na naman iyon?" Parang bata na usal niya.
"Ilibre mo ako nang sam-ay benteng garapon pala nang stick-o! At gusto ko iyong iba't iba ang kulay ng stick-o!"
Nawala ang pagkanguso niya at bigla syang ngumiti sa akin. Inakbayan niya naman ako at niyakap ulit.
"Iyon lang pala e, sige bibili tayo mamaya sa mall..samahan mo akong bumili kasi namimiss ko na ang kakulitan at ang ngiti at ang lahat sa'yo..." Pagkatapos ng saglit na yakap na iyon ay lumabas na kami nang comfort room at nakaakbay sya na naglakad kami papasok sa classroom.
Nakita naman kami ni Ysha. Ngumiti sya sa amin. "Taray,okay na sila oh!"
"Nagalit kasi binalewala ko raw ang kagandahan niya.." parinig niya. Siniko ko naman ang tagiliran niya. "Joke lang!"
Pinaikot ko lang ang mga mata ko.
"Maganda naman talaga sya e.."
"'Tamo?! Maganda raw kasi ako!" Pang-aasar ko rin pero tumawa lang sya.
"Oo at mas gaganda ka sa kanya Ysha kapag tumabi ka sa dinadaanan namin..."
"Aray ko po!"
"Joke lang!"
"Baka gusto mong sabihin ko sa kanya ang lahat ng sinabi mo sa akin noh?" Nanlalaki ang mga matang tinignan ko si Ysha.
Napalapit kaagad ako sa kanya. "Anong sinabi niya?"
"H-hoy! Ikaw ah! Hindi ka tumutupad e!" Hinila ni Zach ang kamay ko at ipinalapit sa kanya.
"Hahahaha! Joke lang!" Pang-aasar ni Ysha sa kanya.
Ngumuso lang sya at saglit na sinamaan ng tingin si Ysha. "Hahahaha! Ano ka ba naman...wala ka bang tiwala sa ganitong mukha?!" Turo ni Ysha sa mukha niya.
"Meron naman, alam ko namang hindi mo sasabihin e, may tiwala ako sa'yo.."
"Talaga? Bakit?"
"Kasi pinarealize mo sa akin kung paano kaganda iyang ugali mo, and I'm happy for that.." nakangiti at sensiro sabi ni Zach sa kanya.
Napatingin naman ako kay Zach.
"Talaga? Thank you kasi may tiwala ka sa akin...salamat talaga,Zach. Masaya ako kasi nakilala kita. May dahilan na ako ngayon kung bakit nagkaganito ako..." saad ni Ysha at ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...