39: the real me

16 4 0
                                    

Nang makauwi sa bahay ay nagtaka ako dahil bukas ang gate. Kaagad akong tumakbo papasok at napaatras nalang ako ng makita ang sobrang daming bodyguard sa labas nang bahay.

'Sino sila?' Takang tanong ko sa isip ko. Anong ginagawa nila dito sa amin? Magnanakaw ba sila? Magnanakaw pero may bodyguards? Weird.

Tumikhim ako at huminga ng malalim. Kaya ko 'to. May karapatan ako kasi bahay ko 'to!

Lumabas ako sa pagtatago sa likod ng gate namin at naglakad papasok. "Sino kayo?!" Matapang na tanong ko sa kanila pero sa loob loob ko ay gusto ko ng gumapang paatras.

Nanginig nalang ang katawan ko ng lahat ng tingin nila ay napunta sa akin at walang segundo silang pinalipas ay tinutukan na nila ako ng mga baril nila! Pakshet! Mali ata ako ng desisyon!

"Sino ka?!" Isang bodyguard ang nagtanong sa akin. Wow, sya pa talaga ang may ganang magtanong sa akin nyan samantalang teritoryo ko ang tinapakan nila!?

"Ako ang dapat magtanong niyan kuya! Sino ka?!"

"Sagutin mo nalang ang tanong ko!" Balik sigaw niya kaya medyo nainis ako.

Sasagutin ko na sana sya ng may magsalita bigla..

"Vanessa Rosell Villamor.." isang matandang boses ang narinig ko at lumabas sya sa pintuan ng bahay namin. W-wth?!

"Who are you?!"

Ngumisi sya at dahan dahang naglakad pababa. Base palang sa tindig niya at pananamit ay halatang mayaman sya.

"Don't you know me?" Nakangising aniya. Itinaas niya ang isang kamay nya at nakita ko nalang na ibinalik ng mga bodyguards ang mga baril sa bulsa nila at yumuko sa matandang babae na naglalakad ng dahan dahan sa harapan ko. Ngumisi sya at inilagay ang dalawang kamay nya sa bandang puson niya at nagtuloy sa paglalakad. Who the heck?!

"Sino ka ba?!" Tanong ko ulit.

Ilang metro nalang ang layo namin ng tumigil na sya sa paglalakad. "Let me introduce myself to you, Rosell.."

Napalunok ako.

"I am Avantika, I am the Queen of all Alina.." ngumiti sya. "And I am you grandmother.." napasinghap ako sa gulat dahil sa sinabi niya.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya at hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi alam kung ano ang isasagot. Masyadong nasakop ng utak ko ang huling salitang sinabi niya.

"W-what?" Iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Bakit hindi ko alam ito?!

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "I'll explain everything.."

Inakay nya ako papasok ng bahay at pinaupo sa sofa.

"N-now explain.." gulat na sabi ko habang nakatulala pa rin sa kawalan. "How come? Bakit ngayon mo lang ako hinanap? Bakit hindi ko alam na may kamag-anak pa pala ako? May mga magulang ba ako? Nasaan sila? Bakit nandito ako imbis na nasa tabi ako nila? E-explain... I need an explanation!"

"The truth is, I am not finding you, instead, it's your mom.."

"Mom? Mommy ko?" She nods.

"Hindi ka pa nasisilang nun, napapansin ko na madalas nang lumalabas ang mommy mo sa mansion, wala namang problema iyon sa akin dahil ang gusto ko rin naman ay magkaroon ng kalayaan ang anak ko sa kamay ko, no until, I followed her at natuklasan kung may karelasyon na pala sya which is your dad, ang totoo, ayaw ko talaga sa daddy mo dahil sobrang mahirap lang sya at sobrang makapangyarihan naman ang anak ko na mommy mo, she's the princess,my princess... simula nong malaman ko na may karelasyon sya hindi ko na sya pinapayagan na makalabas ng mansion.. hindi ko na sya hinahayaan. Hanggang sa sumapit ang ilang gabi, binuksan ko ang pintuan na kwarto niya pero hindi ko na sya nakita doon pero may iniwan syang sulat..here.." may inabot sya sa aking sulat. Halatang sobrang luma na.

'Ina, mahal ko po si Tove.. may anak rin kami si Tazanna at gusto kong maging masaya kami.. patawad. - Ulanni'

Tazanna? Who's Tazanna?

Napatingin ako kay Avantika. "Bakit ayaw mo sa daddy ko?!" Hindi ko mapigilan ang pagtaasan sya ng boses.

"Dahil mahirap lang sya.." tinignan ko sya na parang hindi makapaniwala.

"What?! Hindi pag-ibig iyan kung magbabase ka sa yaman ng isang tao!"

"I know, that's what I realized. True love will never depend on how rich or poor you are, it really depends on how happy you are to that person.." sensirong anas niya. "And, nagsisisi na ako, kung sinuportahan ko sana ang relasyon ng mommy at daddy mo sa tingin ko ay masaya tayo ngayon.." may bahid na lungkot akong nakikita sa kanyang mga mata. Nabigla ako ng hawakan nya ang dalawang kamay ko. "Help me, please. Tulungan mo akong mahanap ang anak ko, tulungan mo akong hanapin ang daddy at mommy mo, Tazanna."

"T-tazanna?" Utal ko habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

"Yes, your real name is Tazanna Alina, it means beautiful princess.. sinabi ni Frances na ang pangalan na ginagamit mo ay Vanessa Rosell Villamor to hide your identity, kasi kung gagamitin mo ang tunay na pangalan mo, gagamitin ka lang nila.."

"Nila? Sinong nila?"

"Mga tao dito, Tazanna. Alina is a wide dominion all over the world, sobrang kilala ang apelyedong Alina sa mundo at iyon ang pinakamayaman na apelyedo sa mundo. Ang Villamor ang ginamit para itago ang totoong apelyedo mo." Hinawakan niya ang isang pisngi ko. "You're one of us, you belong with us. Please, ikaw lang ang tangi kung paraan para mahanap ang ina mo."

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon