42: welcome home

15 3 0
                                    

Thursday na ngayon pero hindi pa rin nagpaparamdam si Vanessa. Bukas na ang christmas party nila at parang walang gana si Zach. Hindi nga sya pumasok ngayon dahil wala na naman sya sa hulog.

Palagi lang syang nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame. Hinihintay niya rin kasi ang reply ni Vanessa sa mensahe nya sa Gmail. Nagdadasal sya na sana ay natanggap ni Vanessa ang message niyang iyon.

Oo, aaminin na niya sa sarili niyang may gusto—mali, mahal na niya si Vanessa. Hindi naman sya magkakaganito kung hindi diba? Hindi nga niya matanggap noong una pero mas pinakiramdaman niya ang sarili niya at napagtanto nalang niyang totoo iyon.

Wala namang mali sa magmahal ng isang tao ang iniisip niya lang ay iyong kung ano sila ngayon, natatakot sya na baka pag pinairal niya ang nararamdaman niya masisira ang pagkakaibigan nila.

Kinuha niya ulit ang phone niya at nag Gmail.

To: Vanessa Villamor

Tomboy T_T bakit hindi ka nag reply sa mensahe ko kahapon :( Im so sad right now! At kasalanan mo ito. Please, Vanessa magpakita ka naman oh, nag-aalala na ako e. Kung may nagawa man akong kasalanan mag-sosorry ako basta ba umuwi ka na dito, baka nag-aalala na si Ate Frances sa biglaang pagwala mo. Vanessa, I miss you so much :( nalulungkot na ang bestfriend mo.

- Zach

Napabuntong-hininga nalang sya at itinapon ang phone sa kama niya. Naligo sya at nagbihis. Pagkatapos ng lahat nyang gawain ay bumaba na sya sa hagdan at nadatnan ang mommy niya na nanonood ng palabas sa tv.

"Mom." Matamlay na aniya. Nilingon sya sa ng nanay niya at nandoon na naman ang pag-aalala sa mga tingin nito.

"Zach, halika." Tumabi si Zach sa upuan ng nanay niya. Niyakap sya ng nanay nya at kahit paano ay naibsan ang sikip ng dibdib niya.

"Mom, I really miss her." Nalulungkot na saad ni Zach habang nakasandal sa balikat ng nanay niya.

"I know, Zach. I'm so sorry.."

"For what, mom?" Tinignan niya ang nanay nya.

"Wala man lang akong magawa para maging masaya ka.."

"No,mom. Huwag po kayong mag sorry wala po kayong kasalanan.." napabuntong-hininga nalang ang nanay ni Zach.

Ilang minuto naghari ang katahimikan sa pagitan nila ng basagin iyon ng nanay niya.

"mahal mo talaga sya no.." hindi niya alam kung paano sumagot. Napayuko nalang sya. "Alam mo kasi, Zach. Normal lang sa isang tao na magkagusto.."

"Yes, pero we're bestfriends for almost 4 years mom, naghihinayang ako kung masisira lang iyon ng dahil lang sa nararamdaman ko."

"Hindi mo pa naman alam ang nararamdaman din niya, diba?" Pinakunotan niya lang ng noo ang nanay niya. May alam ba ito na hindi niya alam? "The last time I saw her, bumaba sya dito na mugto at sobrang lungkot ng kanyang mga mata, ewan ko nga kung totoo ba talaga iyong sinabi niyang nakatulog sya sa guest room.."

Mugto at sobrang lungkot ng kanyang mga mata? Ibig talagang sabihin nun narinig nya ang pinag-usapan nilang dalawa ni Ysha. Kahit sisihin niya si Ysha ay hindi niya magawa dahil alam niya sa sarili niyang kasalanan niya ito at binigyan niya ng rason para mahulog si Ysha sa kanya.

"Sa ngayon, hintayin nalang muna natin ang pagbabalik niya then tell her your feelings and don't let her leave you again." Nalungkot sya bigla.

Hindi niya alam at wala syang kaideya-ideya kung kailan uuwi ang dalaga.

"Pwede ko naman syang sabihan na huwag na niya ulit akong iwan pero iyong sabihin ko ang nararamdaman ko sa kanya? Mukhang malabo po iyon.."

"Anong malabo? Saan ang malabo?"

"Natatakot po ako.."

"Saan anak?"

"Na...baka...." hindi niya kayang sabihin.

"Na baka hindi kayo mutual feelings? Natatakot ka baka ikaw lang itong kumakapit pero sya hindi?" Napatingin sya sa nanay niya. Dahan dahan syang tumango. "Do everything, kung wala man syang nararamdaman para sayo so do everything to make her fall inlove with you, sa ngayon lang sya hindi makaramdam ng pagmamahal sayo pero kung ipaparamdam mo sa kanyang espesyal sya, mahuhulog at magkakagusto din iyon sayo.."

"Thank you, mom. Thank you for staying by my side." Niyakap niya ang nanay niya.

I'll do everything to make you fall inlove with me.







VANESSA'S POV

napabuntong-hininga nalang ako ng sumagi sa isipan ko ang mga Gmail na pinadala ni Zach sa akin.

From: Zach

Hoy tomboy! Nasaan ka na ba?! Bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin?! sa Amin?! Hindi mo na ba ako namimiss? Ano? Sagutin mo naman itong mensahe ko! Nasaan ka ba? Para na akong baliw dito oh namimiss ko na ang bestfriend ko. Vanessa, I'm begging you. Magparamdam ka naman sa akin oh, may nagawa ba akong kasalanan para hindi ka man lang magparamdam? Sobrang namimiss na kita. Magpakita ka na please... by the way, Happy Birthday pala :) I miss you so much. Malungkot ako ngayon kasi wala ka. Magpakita kana para sumaya man lang ako.

- Zach :(

Sobrang saya ng puso ko dahil hindi niya nakalimutan ang birthday ko kahapon. Akala ko makakalimutan niya pero hindi pala.

I miss you too, Zach.

Nakasandal lang ako sa upuan ko habang nakatingala sa labas ng bintana.

Beep!

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at tinignan kung sino ang nag text pero hindi text ang natanggap ko kundi Gmail. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at binuksan iyon. Nangilid nalang ang luha sa mga mata ko ng mapagtanto na si Zach ang nagpadala ng mensahe sa akin.

From: Zach

Tomboy T_T bakit hindi ka nag reply sa mensahe ko kahapon :( Im so sad right now! At kasalanan mo ito. Please, Vanessa magpakita ka naman oh, nag-aalala na ako e. Kung may nagawa man akong kasalanan mag-sosorry ako basta ba umuwi ka na dito, baka nag-aalala na si Ate Frances sa biglaang pagwala mo. Vanessa, I miss you so much :( nalulungkot na ang bestfriend mo.

- Zach

'I miss you too, Zach. Nalulungkot rin ako kasi hindi na ako nagpakita at walang paalam na umalis. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na iyong araw na naring ko kayo ni Ysha ay iyon rin pala ang araw na aalis na ako.'

Masaya ako kasi finally nakita ko na ang mga magulang ko. Paano nangyari?

Ganito kasi iyon, two days before sa birthday ko nagsend ng mga invitation letter ang lola ko sa halos lahat ng bansang nandidito at mga mayayaman ang mga taong inimbitahan niya. At nung sumapit na ang mga birthday ko nalaman ko nalang na iyong babaeng nagngangalang Aliyah Samontes ay pangalan pala ng nanay ko iyon, ginamit niya lang ang pangalan nun para hindi sya mahanap ng mama niya. Hindi sila naghirap ng daddy ko dahil may business silang inaasikaso para mabuhay. Ang totoo, hindi daw talaga mahirap ang daddy ko ginawa niya lang iyon upang subukan ang nanay ko kung mamahalin ba niya si daddy kung mahirap lang sya at masaya ako kasi okay na sila sa wakas ay tanggap na ng lola ko ang daddy ko hindi dahil sa kung ano ang estado ng buhay ng daddy ko kundi ay hindi niya pinabayaan ang mama ko.

Napapikit ako nang maramdamang may tumulong likido sa pisngi ko.

"Princess Tazanna we're here.." anunsyo ng piloto.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na tawaging 'Princess Tazanna' pero sinasanay ko na ang sarili ko dahil iyon ang pagkatao ko pero kung ano man ang pagkatao na nakasanayan ko iyon ang mananatili sa puso ko.

Bumaba na ako sa private plane na pag-aari ng lola ko at nilanghap ang preskong hangin.

"Welcome back, Vanessa."

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon