Lunes na naman. Ikatlong linggo na pala ngayon sa June. For the past few days ay wala namang special na nangyari. Naging normal lang ang takbo ng klase. Discuss dito at discuss doon lang ang ginagawa ng mga teachers. Close pa rin kami ni Zach at nagiging friend na rin si Zail at Zach. Pero hindi sila gaanong nagpapansinan. Si Zail naman ay hindi ko na nakakausap lately kasi tahimik lang sya sa klase. Magsasalita lang kapag tinatanong o di kaya ay sya ang magtatanong. Si Ysha naman ay panay pa rin ang pagpapacute sa bestfriend ko pero itong mukong naman ay parang walang pakialam sa kanya. Palagi pa ring dedma si bestfriend sa kanya kaya minsan kapag naaawa ako kay Ysha ay ako na ang maghahanap nang ways para makalapit man lang kay Zach. Minsan nga ay pinapagalitan pa ako ni Zach kung bakit daw pinaglalapit ko sila ni Ysha e alam ko naman daw na ayaw niya nung tao.
"Okay class listen, you will be having a project and you will do it individually..." panimula nang guro namin. Panay lang ang pakinig ko sa instruction niya at minsan ay nagtatanong ako kapag walang maintindihan. Ito ang kauna-unahang project na ipapagawa ni maam sa amin at kahit hindi ko pa alam ang project ay nahihirapan na ako base palang sa pinagsasabi niya. "Guguhit lang naman kayo tungkol sa..kapag naging kayo ang presidente ng pilipinas ano ang mga batas ang irerecomend mo para lang mapaunlad ang ating bansa..simple lang class iguguhit niyo lang iyon..and you will pass it tommorrow...is that clear?!" Nag 'yes maam' naman kaming lahat at pinaaga niya kaming mag lunch para daw makapagsimula na kami sa project namin.
Papunta kami nina Zach at Ysha sa Canteen para kumain ng lunch.
"Alam niyo na ba kung ano ang iguguhit niyo?" Tanong ni Ysha na nagpapalipat ang tingin sa amin ni Zach.
Hmm...ano naman kaya ng iguguhit ko?
"Hindi pa nga e...ang hirap naman kasi nun.." nakangusong saad ko. Inakbayan naman ako ni Zach dahilan para maiwas ni Ysha ang paningin niya sa amin.
Tinignan ko naman si Zach pero deritso lang ang tingin niya. Ibinalik ko kay Ysha ang tingin ko at nakayuko lang sya kaya nakaramdam ako nang pagkailang.
"I-ikaw ba, may naisip ka na bang iguguhit mo?"
Ngumiti sya ng tipid pero hindi man lang niya ako tinignan. Nanatiling nakayuko ang ulo niya. "Meron na...actually kanina ko pa ito naisipan.."
Nakaramdam ako ng pagkamangha sa kanya. Matalino kasi itong si Ysha kaya hindi mahirap sa kanya ang mag-isip ng mga bagay bagay. Walang wala ako... ano kaya ang laman ng utak ko? Bakit wala man lang akong maisip na ideya? Bahala na nga mamaya..
Pumasok na kami sa Canteen at gaya nang dati ay naghanap kami ng mauupuan habang si Zach naman ay umo-order ng pagkain para sa amin.
"Si Zach ba, may alam nang ideya sa iguguhit nya?"
Napatingin pa ako kay Zach na pumipila pero kaagad ko rin namang iniwas ang paningin ko at tinignan si Ysha.
"Sa tingin ko ay wala pa.."
"Bakit naman?"
"E kasi, sa ugali nun.. napakatamad maggawa ng mga projects iyon.." natatawang saad ko at natawa rin naman sya. Totoo, isa sa mga kinaiinisan ko kay Zach ay ang pagiging tamad niya pagdating sa mga ganyang bagay. Importante pa naman ang mga bagay na tinatamad sya. Minsan pag wala talaga syang nagagawa ay ako ang gumagawa kasi gusto ko rin naman makapasa ang tamad kung bestfriend.
"Pwede ko kayong tulungan dalawa..." presinta niya. Napangiti ako dahil sa kabaitan niya. Ganyan ang isa sa mga bagay na nagustuhan ko kay Ysha. Hindi sya makasarili. Tinutulungan niya kami kung may mga bagay na nahihirapan kami. Bilib talaga ako talino niya at minsan ay naiinggit ako na sana ay may ganyan rin akong utak para may pakinabang man lang ako sa mundo.
"Huwag na, kaya ko naman. Pero pwede ring si Zach nalang ang tulungan mo.." sabi kasi ni Ate Frances na hindi ako uunlad kong palagi nalang akong nagpapatulong sa iba. Normal lang daw kasi talaga ang mahirapan ang isang tao dahil ibig sabihin nun nagpupursigi sya na makamit ang kagustuhan niya. Hindi rin kasi sa lahat ng panahon ay sa ibang tao nalang natin idedepende ang mga sakripisyo. Kasi kailangan rin nating mag sakripisyo bago natin makamit ang gusto natin. At kailangan ko iyong gawin.. hindi dahil ayaw kung may tumutulong sa akin kundi dahil gusto kong malaman ang kakayahan ko.
"Talaga? Okay lang kaya sa kanya?" Nag-aalinlangan tanong nya. "Sa tingin mo, okay lang kay Zach iyon?"
"Ang alin ba?" Napalingon kami sa boses na pinanggalingan nun. Si Zach pala. Medyo may bahid na inis akong nakita sa mukha niya habang inilalapag niya ang mga pagkain namin. Sinulyapan ko si Ysha at nakayuko na sya habang nilalaro ang daliri niya. Inilapag naman ni Zach ang pagkain na para sa kanya. "Kumain ka na dyan.." malamig na utos ni Zach sa kanya at umupo sa gilid ko. Nagsimula na kaming tatlong kumain. "Ano nga palang okay ang sinabi mo? Narinig ko kasing binanggit mo ang pangalan ko.." medyo siniko ko si Zach dahil sa boses nya pa lang ay parang nagpapahiwatig na ayaw niyang nandito si Ysha. Wala naman akong nakikitang mali para hindi sya sumama. Kung ayaw niyang nandito si Ysha, ibahin niya ako. At tsaka isa pa, wala pang nagiging kaibigan si Ysha kaya ako na muna ang lumalapit at umaapproach sa kanya para mayron man lang syang kausap.
Tinignan ko si Ysha at nanginginig syang tumingin kay Zach. Parang takot na takot sya habang naiilang na tumingin kay Zach na hindi man lang nakatingin sa kanya.
"E..k-k-kasi..." nauutal na saad niya kaya sininyasan ko syang ako na ang magsasalita. Ngumiti naman sya.
"Gusto niya kasi tayong tulungan sa project natin...pero sinabi kung kaya ko naman ang sarili ko at ikaw nalang ang tulungan niya..." paliwanag ko habang nakatingin kay Zach na parang walang pakialam, at nagpapatuloy lang sa pagkain. "Magandang ideya iyon para man lang may maipasa ka at mabigyan ka nang points.. sayang naman iyong points diba?"
Napabuntong-hininga sya at inilapag ang kutsara tsaka uminom nang juice niya at sumandal sa upuan at nag cross-arms. Bahagya pa akong nagulat kasi tumitig sya kay Ysha at ilang saglit lang ay ngumiti. Hindi peke iyon bang natural na ngiti niya lang.
"Okay...kailan mo ako tutulungan?" Nakangiting tanong nya dahilan para medyo masamid ako sa kinakain ko pero buti nalang kaagad akong uminum ng tubig. "Pwede bang mamaya para naman maaga akong matapos, diba?"
"Sure ka?" nag-alinlangang tanong ni Ysha.
"Why not? Besides, you're my friend so why not?" Nakangiti pa ring saad ni Zach.
Ilang segundong nakatitig si Ysha sa kanya bago nakangiting tumango. "Okay.."
Wiw...kaibigan na sila?
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...