Pinaidlip na muna ako ni Zach at sabi niya ay gigisingin lang niya ako kapag nasa airport na kami. Hindi nalang ako tumanggi kasi nakakaantok ang magbyahe.
Nagising ako ng maramdaman ang pag-uga sa balikat ko. Dinilat ko ang mata ko at nagulat nalang ako dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Zach sa mukha ko kaya naman naitulak ko sya papalayo sa akin. Bakit hindi ko namalayan na napahiga pala ako sa balikat nya?! Paksheyt!
"Aray!" Nasasaktang sigaw niya at hinhimas ang likod ng ulo niya na tumama sa bintana ng kotse dahil siguro sa sobrang lakas ng pagkatulak ko.
"Bakit naman kasi ang lapit ng mukha mo?!" Inis na sigaw ko. Nakasandal ako sa bintana.
Napasinghap nalang ako sa gulat ng mabilis pa sa uno dos tres ang paglapit niya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at heto na naman ang hindi maipaliwanag na tibok ng puso ko. Nakatitig sya sa mukha ko at sobrang amoy ko na ang hininga niya. Nanigas ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nasaan ba si manong driver para patigilan itong mukong na ito sa ginagawa niya?!
"Malapit lang naman itong mukha ko diba? Wala naman sigurong masama kasi wala naman akong gagawin.." nang-aasar na aniya. Naaamoy ko na rin ang mabangong mint niya.
"H-hindi pa b-ba tayo b-bababa?" Nagkadautal-utal na tanong ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang magsalita dahil baka sa maling galaw ng bibig ko ay baka mapunta ito sa mali.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng umayos sya ng upo. "Tara na.." nakangiting aniya at naunang bumaba sa akin. Naigulo ko nalang ang buhok ko dahil sa hindi talaga ako makapaniwala na nangyari iyon! Bobo ba sya?' Gusto niya bang mabaliw ako?! Grabe!
Ilang segundo ako nakatunganga doon bago ko napagdesisyunan na ayusin ang magulong buhok ko at bumaba na sa sasakyan.
Nakita kung nag-uusap si Zach at ang driver nya. Hindi na muna ako lumapit dahil naiinis pa rin ako kay Zach at baka masapak ko sya ng wala sa oras.
Nakasandal lang ako sa kotse at inilibot ang paningin sa airport. Sobrang laki pala nito at marami ring tao na siguro aalis o kung hindi ay susundin ang kamag-anak.
May nakita akong isang pamilya na kakauwi lang ng mommy nila at masaya sila nagyayakapan. Napabuntong-hininga ako at hindi ko maiwasang mainggit.
Kailan ko kaya makikita ang mommy at daddy ko? Kung hindi ko tunay na kapatid si Ate Frances may kapatid ba ako?
"Vanessa.." tawag ni Zach sa akin. Nilingon ko naman sya at nakita kung bitbit niya na ang bag ko. "Tara na.." i just nod at him then walk towards him.
Ilang minuto ang lumipas at nakasakay na kami sa eroplano. Syempre, dahil si Zach lang naman ang kilala ko, magkatabi kami. Nasa gilid bintana ako naupo habang sya ay nasa left side ko.
Isinuot niya ang cap na kulay black at tinakpan ang mata para matulog. Siguro hindi sya natulog kanija sa byahe para lang mabantayan ako. Hindi ko nalang sya dinisturbo at isinalampak ko ang earphones sa tenga ko at nakinig ng music.
Dahil hindi naman ako inaantok, kinuha ko ang libro na nasa bag ko at bumalik sa kinauupuan para magbasa.
Ilang oras akong nasa ganung posisyon nang maramdaman ko ang ulo ni Zach sa balikat ko. Inayos ko ang ulo niya sa pagkakahiga sa balikat ko at nagbasa ulit.
Hays. Nang mapagod ay tumigil na muna ako at isinandal ang ulo ko sa ulo ni Zach para makatulog.
- - - - - - - -
"Dederitso ba tayo sa inyo?" Tanong ko ng makasakay na kami sa taxi.
"Hindi, kakain na muna tayo. Alam kung gutom ka na..."
"Ayan naman pala e.." ginulo nalang niya ang buhok ko at hinawakan ang kamay ko. Hindi intertwine ang klase ng pagkahawak niya sa kamay ko. Iyon lang hawak na safe ako. Hinayaan ko lang sya kasi sanay na rin ako.
Nakarating kami sa kakaibang style na restaurant. Tinignan ko kung ano ang pangalan ng restaurant na iyon Lantaw ang nakalagay.
"Lantaw?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo, pag sa tagalog ay titignan ug tignan..." hindi nalang ako sumagot dahil naintindihan ko naman ang sinabi niya.
Pumasok na kami sa loob ng restaurant at namangha ako dahil hindi na ito kailangan ng aircorn becoz! Sobrang sarap ng ihip ng hangin at ang restaurant na ito ay katabi lang nang dagat. Habang umoorder na muna si Zach ng makakain namin ay nagtungo na muna ako sa lobby ng restaurant na ito at nanood sa dagat at pinapakiramdaman ang fresh na hangin. Ang ganda dito, nakakagaan ng kalooban.
Nasa ganoon akong posisyon ng bigla akong tawagin ni Zach para daw kumain na kami. Napabuntong-hininga na muna ako at naglakad na papalapit kay Zach. Naupo na kami sa isang table at nagsimulang kumain.
"Mamaya pagkarating natin sa bahay ay igagala kita sa mga lugar na napuntahan ko na dito at alam kung hindi ka magsisisi..." na-excite ako bigla.
"Talaga?! Promise yan ah!"
"Oo naman, malakas ka kaya sa akin." Tapos kumindat pa sya pero ngumiti lang ako at kumain.
Ang kinakain namin ay puro mga seafoods lang dahil nga nasa tabi ng dagat ang restaurant ano ba... ^__^
After naming kumain ay dumeritso na muna kami sa bahay— I mean sa mansyon ng grandparents niya! Grabe ang yaman!
Nadatnan namin ang mommy ni Zach na nagkikipag-usap sa lola niya. Pagkabukas ng pintuan sa mansyon ay sinalubong si Zach ng yakap sa lola niya.
"Apo ko! Ang gwapo gwapo mo nang bata ka.." tapos hinawakan niya sa magkabilang balikat at sinusuri ang mukha ni Zach.
"La..."
"Musta nakang bataa ka?"
"Okay lang,la." Ibinaling niya ang paningin sa akin. "Vanessa, lola ko pala.."
"Alam ko." Mahinang bulong ko pero inirapan niya lang ako.
"La, si Vanessa po pala...bestfriend ko."
Tinignan ako ng lola ni Zach at niyakap.
Kumalas rin naman sya kaagad sa yakap. "Kay gandang bata, bestfriend ka lang ba talaga ng apo ko?"
Sasagutin ko pa sana ng umakbay si Zach sa akin.
"Sa ngayon po, pero soon to be my girlfriend." Siniko ko nga.
Baliw din.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...