1pm na nung nakabalik na kami sa classroom. Totoong na lessen talaga iyong pain na naramdaman ko kanina, iyong inis ko rin ay nawala dahil sa lugar na iyon.
Bumalik na si Zail sa inuupuan niya at ako naman ay naglakad na rin sa upuan ko. Nagsisimula na ang klase at pumasok lang kami ni Zail ng hindi naghihingi ng paumanhin kung bakit late kami.
Uupo na sana kami ng bigla kaming tinawag ni maam. Kaya napatayo kami na magkatabi. Iyong terror na teacher na ayaw na ayaw ko.
"Where have you been and why are you two late?!" Taray niya sa amin. Nakayuko lang si Zail habang ako naman ay nakatingin sa teacher na parang walang pakialam sa pagtataray niya. "Bakit ngayon lang kayo? Noong umaga hindi rin kayo pumasok sa time ko at ngayon late pa kayo?! Anong pumasok sa kokote ninyo at nag-cutting kayo?!" Inis na sigaw niya.
I rolled my eyes. Naiirita ako sa boses niya. Hindi niya alam iyong pinagdadaanan ko kaya nabwesit ako sa pagsigaw-sigaw niya.
"Pwede bang manahimik ka na at mag discuss nalang dyan kaysa ang atupagin kami?! Pwede bang huwag mo nalang kaming pansinin?!" Inis na sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kung guro pa sya.
"Aba't sumisigaw ka pa?! Ano gusto mo bang dagdagin iyong anecdotal na binigay ko sayo?!" Oo, binigyan ako ng anecdotal nung sumagot rin ako sa kanya nung first day of school.
Sasagot na sana ako pero hinawakan ako ni Zail sa kamay.
"Ma'am, pagpasensyahan niyo na dahil nag-cutting kami.." sensirong sabi ni Zail. Tsk! Bakit ba sobrang bait ng isang to.
"Zail, I'm very disappointing at you, anak ka pa naman ng may-ari ng school na ito pero ikaw ang nagsisimula ng mga kalokohan..." napayuko lang si Zail dahil sa sinabi ni maam. Inis na tinignan ko naman si maam.
"Excuse me?!" Tila inis na talagang sambit ko. "Kasalanan ko ang lahat huwag mong bastosin ng ganun ang anak ng may-ari ng school na ito.." naiinis pero malumanay na sabi ko.
Inis na nagbuga ng hangin ang guro. "I'll give you a chance, pero kapag inulit niyo pa iyan, bibigyan ko na kayo ng anecdotal..sitdown." Malumanay na sabi niya at tumalikod tsaka nagpatuloy sa pagdidiscuss.
Nilingon ko si Ysha nung nasa likuran ko dahil sa kalabit niya at sa hindi sinasadya ay nahagip ng tingin ko ang malamig na titig ni Zach sa akin.
"Where have you been?" Malamig na tanong niya pero nag-smirk lang ako.
"None of your fucking business.." mataray na sabi ko at inirapan siya tsaka humarap na tsaka pinilit na makinig kay maam.
—————
Natapos ang panghapong klase ng hindi ko pinapansin si Zach. Kinuha ko na ang mga notebook ko at niligpit ang mga gamit ko.
Naglakad na ako papalabas ng classroom ng may humawak sa braso ko. Nilingon ko naman ang humawak sa braso ko. Inis na hinigit ko ang braso ko ng mapagtantong si Zach pala ang may hawak sa kamay ko. Akma na sana akong tatalikod pero hinawakan naman niya ang kamay ko at kinaladkad pababa sa building na iyon.
"Ano ba! Bitawan mo nga akong hinayupak ka!" Pero para akong baliw na nagsasalita dito kasi walang sumasagot.
"Zach, bitawan mo sabi ako e!" Pero hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa higitin ko ng malakas ang kamay ko kaya nabitawan niya. Masakit iyong paghigit ko kaya minamasahe ko ang kamay ko.
"Are you okay?" May bahid na pag-aalalang tanong niya nung makitang nasaktan ako sa paghigit ko sa kamay ko sa kanya. Hahawakan na sana niya ang kamay ko pero lumayo ako.
"Ano bang problema mo?!"
"Mag-uusap tayo." He was about to grab my hand again but I step backward and glare at him.
"Ano pang pag-uusapan natin?"
Hinarap niya ako at napabuntong-hininga sya, pilit na pinapakalma ang sarili niya.
"Im sorry.." mahinang sabi niya. Nakatingin sya sa mga mata ko.
"Para saan pa?" Sarkastikong tanong ko.
"Sa lahat ng sinabi kong...nakapasakit sayo..Im sorry hin—"
"Stop. Ayaw kung pakinggan ang pagpaumanhin mo. Hindi na babago nun ang nangyari, nasaktan na ako at wala ng magagawa iyang sorry mo para maibalik ang dating saya ng puso ko."
"Alam ko naman iyon e, kaya nga ako naghihingi ng paumanhin ngayon, huwag mo naman akong ganituhin Vanessa, ginugulo mo na naman ang utak ko. Hindi ko na naman maintindihan ang mga galaw mong ganyan, may ibig bang sabihin iyan? Bakit ba sobrang big deal na sayo ang lahat ng masasakit na salitang binitawan ko e alam na alam ko naman na wala lang iyon sayo...anong nangyari bigla?" Natahimik ako sa sinabi niya.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, ewan ko kung bakit bigla nalang akong nagkakaganito.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Iniwas ko ang paningin ko ng makaramdam na naman ng kirot sa puso ko. I really don't know what to say. Nakayuko lang ako. Hanggang sa may maalala akong isang bagay.
"Alam mo, hindi talaga maiiwasan na magkakagusto ka sa isang tao na sobrang sweet ang ipinaparamdam sayo, naeenjoy mo ang pagiging sweet niya hanggang sa hindi mo namamalayan na nahuhulog ka na pala sa kanya, kaya gusto mong itigil kung ano iyang nararamdamn mo para sa kanya kasi natatakot ka lang sa dalawang rason, una, natatakot dahil baka dahil sa nararamdaman mo makakasakit ka ng iba at pangalawa, natatakot ka na baka iba iyong nararamdaman niya at hindi katulad sa nararamdaman mo."
"I-enjoy mo lang iyon nararamdaman mo kasi doon ka sasaya pero sana balansahin mo rin kasi kapag nagmahal ka ng buo masakit talaga ang masaktan pero mas masakit kapag nakikita mo siyang nakangiti ng hindi ikaw ang dahilan.."
Ako may gusto kay Zach?! Hell no! Hindi mangyayari iyon kasi alam kung si Rhysen pa rin ang gusto ko. Para naman sigurong baliw itong puso ko kung magkagusto ako ng iba habang may gusto pa ako?
Ngumiti ako at inangat ang paningin ko sa kanya. "Hindi ko nga alam e, ano bang meron sayo kung bakit nasasaktan ako sa mga salitang binibitawan mo na alam nating pareho wala lang iyon sa akin noon.." nakangiting usal ko. Ayaw kung ipakita sa kanya na naaapektuhan ako sa presensya sya. Humakbang ako ng dahan dahan papalapit sa kanya. "Baka....siguro, nagbabago ang tao right,Zach? At kapag nagbabago ang tao..." huminto muna ako sa pagsasalita at hinawakan si Zach sa kwelyo. Ang saraaaaaaaap sapakin ng gagong kaibigan ko! "....nagbabago ang nararamdaman." Tinulak ko siya pero mahina lang sapat na para mapaatras ang isang paa niya. Tinignan ko siya ulo hanggang paa tsaka nag-smirk at naglakad papaalis at doon ko inilabas ang tunay na emosyon ko pagkatalikod ko sa kanya. Grr! Shit sya!
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...