Hanggang sa umuwi na kami ay iyong napag-usapan namin ang bumabagabag sa isip ko at idagdag niyo pa ang nangyari sa pagitan namin ni Vanessa kanina. Gabi na at nasa bar ako gusto ko mang umuwi ay wala ako sa mood. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko.
"Isang beer nga." Kaagad na bungad ko ng makalapit sa bartender. Sinerve niya naman agad sa akin at nilakog ko iyon ng walang pagdadalawang isip. "Isa pa." Binigyan naman kaagad ako at nilagok iyon.
"Isa pa."
"Isa pa."
"Isa pa."
"Isa pa."
"Isa—"
"Sir, lasing na po kayo." Sabi nung bartender. Nahihilo na tinignan ko naman sya.
"Hindi ako lasing, bigyan *coug cough mo nalang ako ang dami mong satsat." Naiinis na sabi ko. E gusto ko pang uminom nagdadaldal na naman sya. Pakyu nya! Ay pakyu ko pala. Napahawak ako sa sentido ko. "Argh! Nakakainis!" Tinignan ko ulit ang bartender na nag-aasikaso na sa ibang mga customer dito. "Hoy, ako *cough cough cough iyong nauna! Bigyan mo pa sabi ako e!" Inis na sigaw ko sa kanya.
"Sir, lasing na po kayo." I roll my eyes. Paulit-ulit e. Parang sirang plaka. Hinablot ko ang kwelyo niya at masamang tinignan sya. Nakita ko naman na bumalatay sa mukha niya ang takot.
"Bibigyan mo ba ako o susuntokin kita?" Banta ko. Nataranta naman sya kaya binitawan ko ang kwelyo niya at naupo pabalik.
Akma na niya akong bibigyan ng beer ng may umagaw nun mula sa akin! Shit! Ayaw ko pa naman sa lahat iyong inaagawan ako ng akin! Tinignan ko kung sino ang kumuha nun at nakita ko ang isang babae na iniinom ang beer na inorder ko. "Miss! Sa akin iyan e!" Inis na sigaw ko. Padabog naman niyang inilapag ang baso ng beer at tumingin sa akin.
Ysha?
"What are you doing here?" Takang tanong ko. Wala namang kaso sa akin na pumunta sya dito pero ng ganyan ang suot? Nakasleeveless na black tapos maong na short?! Ngayon ko lang ata sya nakita ng ganyan ang suot niya kaya naninibago ako.
Ngumisi sya sa akin. "Hello, Zach. Ba't mag-isa ka lang? Wala ka bang kasama?" Tumayo ako pero dahil sa sobrang nahilo ako ay tumimbawang ako paupo. Whoo! Buti nalang nakahawak pa ako sa pahirahabang mesa na servanan dito. "Are you okay, Zach?"
"Umalis ka na dito, Ysha. Gabi na baka mapano ka sa daan." Sabi ko. Kahit papaano naman ay may pag-aalala pa rin ako sa kanya.
"I can manage myself. May susundo naman sa akin e. Ikaw ang dapat tanungin ko, anong ginagawa mo dito ng mag-isa?" Tinitignan niya pa kung may kasama ba ako. Napabuntong-hininga ako. "May problema ka ba, Zach?"
Hindi ko sya tinignan pero alam kung nakatingin sya sa akin. Blangko ang utak ko ngayon at hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong niya.
"Okay..." sabi niya pero hindi pa rin ako natinag. "Anyway, I just want to say sorry.." dahan dahang inangat ko ang paningin ko sa kanya.
"Para saan ang sorry mo?" Pakshet! Ilang beses na ba akong nakarinig ng sorry ngayong araw?
"Dahil sa pagiging pakialamera sa inyong dalawa ni Vanessa.." pinagkunotan ko sya ng noo. "Kung hindi lang ako nakipagclose sayo baka siguro, kayo na ngayon. Bobo ko kasi, para na akong tanga pero hindi ko man lang inisip ang posibleng mangyari padalos-dalos lang ako..." sabi niya at saglita na bumuntong hininga. "Natatabunan kasi ang isip ko sa pagmamahal ko sayo." Sabi niya dahilan para mapalunok ako.
Mahal niya ako? "Wait, nagsosorry kaba dahil nagsisisi ka na mahalin ako?"
Umiling sya. "Hindi ako nagsisisi kung ano man itong nararamdaman ko sayo, masaya ako kasi kahit papaano hindi mo ipinaramdam sa akin na salot ako. Masaya ako Zach pero..." nagulat nalang ako ng biglang pangilidan sya ng luha. Sumikip ang dibdib ko habang nakikita sya na ganito ng dahil sa akin. "Kahit minsan lang Zach, kahit minsan lang....." anong kahit minsan ang gusto niya? Bigla nalang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.
Nataranta ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Ysha.." tawag ko sa pangalan niya pero bigla lang syang tumayo at walang pasabing naglakad papalabas ng bar.
Tumayo ako at hinabol sya. Akma na sana syang sasakay sa kotse niya pero kaagad kong hinawakan ang braso niya. Nilingon niya ako. "Ysha, let's talk for a while?"
Hindi niya ako sinagot at sa halip ay sinara nya ang pinto ng kotse at hinarap ako.
"What's the matter, Ysha?"
"Zach, tama na please.." umiiyak na pakiusap niya. "Tama na... ang sikip na ng dibdib ko sa pagtiis ng mga masasakit na alaala tuwing nakikita kitang masaya ng dahil sa kanya, nagseselos ako Zach kasi hindi ko man lang kayang gawin iyong ginawa niya sayo, magkasama naman tayo noong mga panahon na nag-aaway kayo at ang mga panahon na minsan syang nawala sa buhay mo magkasama naman tayo pero bakit parang hindi ako nage-exist kapag magkasama tayo? Mas buhay pa ang presensya niya kahit wala sya sa tabi mo, bakit ganun Zach?...." pinahid niya ang mga luha sa mga mata niya. "Bakit ganun? Mahirap ba akong mahalin? Dahil ba sa itsura ko?" Mapait na sabi niya at nararamdaman ko ang puot at pait sa boses niya.
"Ysha..." wala akong masabi. Gustohin ko mang mag sorry ay hindi ko ginawa pagod na akong mag sorry. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Ysha, huwag mong isipin na parang balewala lang kita kapag kasama ko sya kasi isa ka rin naman sa mga naging dahilan para mapasaya ako pero ganun talaga ang buhay e, hindi natin kayang magmahal nang marami dahil isa lang ang puso natin." Seryosong sabi ko pero sensiro ako.
Umiiyak lang sya sa harapan ko. "Kahit hindi natin gustong mangyari ang isang bagay pero hindi na natin iyon mapipigilan kasi nakaukit na iyon sa tadhana at mangyayari talaga iyon.." mahinang sabi ko. "I'm sorry kung nasaktan kita, hindi ko intensyon na saktan kita kasi Ysha, nagmahal lang rin ako..." mapait na sabi ko kasabay ng pangingilid ng mga luha sa mga mata ko.
Inalis niya ang mga kamay ko na nakahawak sa braso niya at pinahid na naman ang mga luha na tumutulo papunta sa pisngi nya.
"Pero nasaan na sya?" Sabi niya. "Nasaan na sya Zach? Diba dapat sya iyong nandidito sa harapan mo ngayon? Nasaan na si Vanessa? Nasaan na ang taong mahal mo?" Umiiyak na sabi niya. "Nandito naman ako, matagal nang may gusto sayo, pero kulang pa rin ba iyon kasi hindi mo man lang kayang suklian?"
"Hindi ka nagkulang, Ysha. Sobra pa nga e pero nakaukit na ito e, mangyayari talagang may mga gusto tayong hindi mapapasaatin. Kasi hindi iyon ang para sa atin..." sabi ko. "Gusto mo ako pero hindi tayo pwede kasi hindi ako ang para sayo, Ysha." Mahinang sabi ko.
"Zach..." tawag niya sa pangalan ko. Tinignan ko sya at nandun na naman ang mga nasasaktan na tingin niya. "Kahit minsan lang...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ipaglaban mo naman ako." Nasasaktang bigkas niya."Ysha..." wala sa sariling sambit ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Namutawi sa aming dalawa ang katahimikan at wala ni isa sa amin ang nagsalita. Nakatitig lang ako sa kawalan habang sya ay patuloy pa rin sa pag-iyak.
"sinaktan mo ang puso ko, pero ikaw pa rin ang mahal ko kahit durog na durog na ako." Mahinang sabi niya at tumingin ako sa kanya. Inayos niya pa muna ang sarili niya tapos bumuga ng hangin. "Tama ka, Zach. Kung hindi para sa atin hindi natin iyon makukuha.... salamat sa mga panahon na pinasaya mo ako, hinding hindi ko iyon kakalimutan pero heto na siguro ang huling beses na magdrama ako ng ganito tungkol sa nararamdaman ko... salamat nang marami, Zach. Kahit hindi man nabawasan ang sakit ng nararamdaman ko narealize ko na rin sa sarili ko na hindi ikaw ang tao na para sa akin." Huminga sya ng malalim at pilit na ngumiti. "Can I ask you a favor?"
"Ano 'yon?"
"Can I hug you for the last time?" Pekeng ngiting sabi niya.
Hindi na ako sumagot dahil ako na ang kusang lumapit para sa kanya. Nilagay niya ang kamay niya sa likuran ko at kahit papaano ay nabawasan ang kirot na naramdaman ko. Bading isipin pero totoo.
Ilang segundo kaming nasa ganung posisyon at sya na mismo ang umalis sa yakap namin.
Pilit pa syang ngumiti bago binuksan ang pintuan ng kotse nya. "Zach, mag-iingat ka. Salamat at paalam." Kumaway pa muna sya at pumasok na sa loob.
Tinanaw ko pa ang sasakyan niyang papalayo bago ako nagbuga ng hangin at ngumiti ng pilit tsaka humawak sa dibdib ko kung nasaan nakapwesto ang puso ko. "Salamat *cough cough din, Ysha." And the next thing I knew, everything went dark.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...