Nagising ako dahil inuuga ni Zach ang balikat ko. Kinusot ko na muna ang mga mata ko at nagbabakasaling may muta ito at iminulat ito tsaka nakita ko ang gwapong mukha ng bestfriend ko.
"Halikana kakain na daw tayo.." tumango lang ako at bumangon na.
Naglakad na kami papalabas ng kwarto niya pero bigla syang huminto kaya medyo nauntog ang noo ko sa likod niya.
Inangat ko ang paningin ko at nakatingin na pala siya sa akin.
"Bakit?" Mahinang tanong ko sa kanya.
Ngumiti sya. Ilang saglit pa ay umiling at lumapit sa akin. Hindi naman ako nakapag react nang halikan na naman niya ang noo ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Tara na.." nauna na syang makalabas ng kwarto niya. Ako naman ay nakatulala pa rin sa kinatatayuan ni Zach. W-what was t-that?
Hindi ko nalang pinansin iyon at naglakad na ako pasunod kay Zach. Nadatnan namin ang mommy at daddy ni Zach na nagsisimula ng kumain sa kusina.
"Kain na kayo,Zach." Sabi ng daddy niya. Tumingin pa muna ito sa akin at ngumiti.
"Good evening po,tito." Magalang na bati ko sa daddy ni Zach.
"Good evening. Kumain na kayo." Pormal na sagot ni tito at naupo naman ako sa tabi ni Zach na nasa left side ko.
Pinaghandaan ako ng pinggan ni Zach at sya na rin ang kumuha ng mga pagkain na alam niyang kakainin ko.
"Thanks" mahinang sabi ko at ngumiti lang sya tsaka nagsimulang kumain. Nagsimula na rin akong kumain ng tahimik.
"Mawawala kami ng 2 linggo ng mommy mo Zach." Sabi ni tito sa kalagitnaan nang pagkain namin.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na napahinto si Zach sa akmang pagsubo ng pagkain at nainangat ang paningin sa daddy niya.
"Why dad?"
"Gusto lang namin magbakasyon ng mommy mo doon sa probinsya ng lola mo.."
"How about me Dad?"
"May pasok pa kayo niyan anak.."
"But I want to go with you Dad you know who much I wanted to see lola,right?" Never niya pa kasing nakita ang lola niya. Kahit ako hindi ko rin nakita ang lola ko at parents ko.
Oo totoo iyon hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon. Iniwan lang kami ng ate ko sa bahay na iyon. Hindi ko alam kung buhay pa ba sila pero may naririnig akong rumors na may iba nang pamilya ang daddy ko habang si mommy ay pumunta na sa malayong malayong lugar na hindi ko alam kung saan. Nakakalungkot isipin na sa edad kung ito ay nakararanas na ako ng ganito pero ayos lang, may ate naman ako at kaibigan.
"sa wednesday na kami aalis.." napabalik lang ako sa reyalidad sa sinabi ni Tito. Bukas na pala ang buwan ng wika.
"Dad...please.."
"Huwag matigas ang ulo son, may klase pa kayo niyan.."
"Ganito nalang, sa friday nang hapon aalis na kami para mapaaga ang pagpunta namin doon okay lang? Kahit 3 nights and 2 days dad okay lang sa akin iyon.."
Napabuntong-hininga nalang si tito dahil sa mukhang suko na sya sa katigasan ng ulo ni Zach.
"Alright..friday ng gabi,okay?"
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomanceThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...