Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Hinarang ko ang kamay ko sa mukha para matakpan ang sinag na iyon. Anong nangyari kagabi? Napangiti nalang ako dahil sa 'ginawa' namin ni Zach.
Tinignan ko ang nasa tabi ko at ganun nalang ang pagkagulat ko dahil wala na si Zach sa tabi ko! Nasaan sya? Bumangon ako at ginamit ang kumot para matakpan ang katawan ko tsaka tumayo pero napaupo ako dahil sa kirot na naramdaman sa pagkababae ko. Sh't! Ang sakit pa pala!
"Zach?" Tawag ko pero walang sumasagot. Nasaan kaya sya? "Zach??"
Napatingin ako sa bed sheet ko at nakitang may dugo iyon. Napahawak nalang ako sa bibig ko. "Sh't, nawala na ang virginity ko." Sabi ko pero hindi ko pinagsisihan na binigay ko iyon kay Zach. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? "Hihihihihi! Kyaaaaahhhhh! Mahal niya ako!!!" Kinikilig na sambit ko. Hindi talaga ako makapaniwala na mahal ako ng bestfriend ko. "I fell inlove with my bestfrieheheeeeennnnd.." kanta ko pa sa kinanta namin ni Zach at dahan dahang tumayo nang maramdaman ko na kaunti nalang ang kirot ay nagtungo ako sa bathroom para maligo at makapag-ayos na rin sa sarili ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko dahil sa nangyari sa amin ni Zach kagabi. "Hihihihihihi!" Kinikilig na tawa ko at pinagpatuloy ang paliligo. "I fell inlove with my bestfriend.." kanta ko ulit. "I'm so sorry pero hindi ko na mapipigilan ang sarili ko kung mas mamahalin ko sya, parang itong nararamdaman ko ay hindi ko man lang naramdaman noong may gusto ako kay Rhysen.. psh, ang sabihin mo, iba talaga silang dalawa. Minahal mo si Rhysen pero mas mahal mo na si Zach ngayon ieeeeehhhhhh!" Kilig na sabi ko at ilang minuto pa akong nanatili doon bago napagdesisyunan na tapusin ang pagliligo at nagbihis pagkatapos.
Sinuklayan ko na ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up sa mukha para blooming.
Pagkatapos kung magmake-up ng light ay kumuha ako ng bed sheet na bago sa walk in closet ko at pinalitan ang bed sheet ko na may dugo ko. Napapakanta pa nga ako habang pinapalitan ang bed sheet ng kama. After ay nilinis ko na rin ang kwarto ko para mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Ayaw ko rin naman kasi ng makalat ang kwarto ko.
Ilang oras akong naglilinis ng makaramdam ng gutom ay bumaba na sa kusina at nagluto ng bacon,egg at hotdog. Tahimik lang akong kumakain at napapatingin sa pintuan baka sakaling makikita ko si Zach na dadaan pero hanggang sa matapos ako ay hindi ko pa rin nakikita ang maski anino ni Zach. "Nasaan na kaya ang mukong na iyon, namimiss ko na sya e...pero," kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Zail. Nakatatlong ring na ako ng sagutin niya iyon. "Hellllooooooo besparrrrrr!" Masiglang bati ko sa kanya.
"Hoy, Tazanna oh na na huwag ka namang sumigaw baka mabasag ang eardrums ko!" Napahagikgik nalang ako. "Oh, napatawag ka?"
"May ginagawa ka?"
"Wala naman, nandesuka?"
"Punta ako sa inyo ah may ikukuwento ako!"
"Okay.. hihintayin kita." Binaba ko na ang tawag at nagpalit ng maisusuot.
After nun ay nilock ko na ang pintuan ng bahay at pumasok na sa kotse ko. "Hi, esheeeeeeee! Alam mo ba sobrang happy ko kasi ang matagal ko ng hinahangad ay mahahawakan ko na rin sa wakas! Kyaaaahhhhh esheeeee may gusto si Zach sa akin!" Kinikilig na sigaw ko at nagpatuloy sa pagmamaneho papunta sa village nina Zail.
Kinakanta ko rin ang 'I fell inlove with my bestfriend' at ilang saglit pa ay nakarating na ako sa mansion nina Zail. Naiparada ko na ang kotse ko at nag door bell pero dahil kilala nanako sa mga guard dito ay pinapasok na nila ako at nagtungo kaagad sa kwarto ni Zail.
Hindi nanrin ako kumatok kasi alam naman niyang ganito ako kapag pumupunta sa kanila. "Zaaaaaaaaiill!" Malakas na tili ko at nagtatakbo papalapit kay Zail para yakapin sya.
"V-van, ma-mahigpit ano ba.." kumalas na ako at naupo sa kama niya.
"Waaaaaaaaahhhhhh!" Tili ko at niyakap ang unan niya. Pakshett kinikilig pa rin talaga ako.
"Uy, huwag ka nga munang kiligin dyan, share ka muna sa nangyari tapos sabay tayong titili pssh!" Ito ang gusto ko sa kanya. Suportado niya talaga ako kaya hindi ako nagsisising nakilala ko sya. "Ang damot.."
"Heto na nga.." kinikilig na sabi ko at sinimulang magkwento. "May nangyari sa amin ni Zach kagabi!!" Malakas na tili ko pero tinakpan niya ang bibig ko.
"Whaaaattt?!" Hindi makapaniwalang aniya. Tumango tango ako at tinanggal ang kamay niya sa pagkakatakip sa bibig ko. "Anong may nangyari sa inyo?"tsk! Nakalimutan kong inosente pala ang isang 'to!
"As in nangyari, iyon bang kapag nagmamahalan kayo ay umaabot sa puntong nagmamakelove?"
"Whaaaaaatttt?!" Parang hindi makapaniwalang aniya.
"Yea." Nakangiting sabi ko at nang magkatinginan kami ay...
"KYAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Sobrang lakas na tili namin at napatayo pa sa kama niya at yakap yakap na nagtatalunan sa malambot na kama niya. Buti nalang sound proof tong kwarto niya kaya kahit magtili kami ay walang makakarinig unless bubuksan ang pintuan.
"Waaaahhhhh kinikilig ako!" Tili niya at naupo na kami habang tumitili panrin na parang baliw.
"Ako rin e, sobrang saya ko kagabi.." masaya talaga ako. Super.
"So, anong feeling?"
"Masaya nga HAHAHAHAHAHA!"
"I mean, anong feeling nun nag-ano kayo..." napatawa nalang tuloy ako sa sinabi niya.
"Syempre, noong una masakit pero habang tumatagal ay masaya lalo na kapag ang ka make love mo ay mahal mo.." nakangiting sabi ko. Siguro pulang pula na ng mukha ko ngayon.
"I'm so happy for you girl.." nakangiti ding sabi nya.
"Thank you."
"Pero paano na si Ysha nyan? May plano ka bang ipaalam sa kanya iyong tungkol sa inyo ni Zach?" Napaisip ako. May plano ba akong sabihin kay Ysha iyon? Syempre gusto ko pero natatakot ako dahil may gusto rin sya kay Zach at ayaw kung masaktan ang damdamin niya.
"Naaawa ako sa kanya pero sabi ni Zach ay huwag ko na daw syang isipin." Sabi ko at napaisip ulit. "Wala akong balak sabihin kay Ysha....sa ngayon, pero alam ko balang araw maiintindihan niya rin ako."
"Pero napapaisip rin ako girl, umamin na ba si Zach?" Tumango ako. "Yieeeeee! I'm super happy for you!"
"Thank you, pero hindi ko alam kung nasaan sya." E kasi nung gumising ako sinag nang araw ang sumalubong sa akin na akala ko ay halik niya. Psh. Adik na talaga ako sa halik niya.
Natahimik kami ng ilang saglit at naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Zach iyon! Ipinakita ko kay Zail at hayun nagtitili na naman kami.
"Sagutin mo na." Sabi niya at tumango ako tsaka pinindot ang answer button. Niloud speaker ko rin para marinig ni Zail.
"Hello Zach!" Masayang bati ko sa kanya. "Nasaan ka ba ngayon? Akala ko ikaw ang sasalubong sa akin sa umaga pero ang sinag ng araw pala iyon hahaha!" Pero ako lang ang natawa sa amin. "Zach? Are you there?" Nakangiti pa ring sabi ko e kasi hindi mapawi ang kilig ko. Ang sweet niya e!
"Vanessa.." sa wakas! Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tili. Ang gwapo niya talaga kapag sinasabi ang pangalan ko. "I'm sorry."
O____O
Lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
lub dub
'Bakit sya humihingi ng sorry?'
BINABASA MO ANG
Chasing The Bullet
RomansaThis feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends. Ysha is also my best friend. We are a trio but our feelings for him were just the same. Sobrang ta...