Chapter 1

794 22 4
                                    

Northern Nights
Chapter 1

"I can't believe na mas kinampihan niya ang babaeng 'yun over me, ako ang girlfriend niya pero hindi ako ang unang tinulungan niya" galit na sabi ni Pia.

Nandito kami ngayon sa coffee shop para tapusin ang ilang mga requirements para sa school pero iba ang inabot ni Pia.

Paano ba naman kasi, nakipag-away siya kay Kim ang sabi ng mga kaklase niya sinabotahe daw nito ang project nila Pia. Ayun sinabunutan ni Pia si Kim kaya nag-karoon ng away.

"Kami na nga itong sinabotahe tapos kami pa yung naging masama" hindi mapigil na sabi ni Pia.

Mabuti nalang at nagagawa kong sabayan ang pakikinig at ang pag-tytype sa document, hindi talaga siya papahuli sa mga nang-aaway sa kanya.

"Are you listening?" tanong niya sa akin na dahilan para mapunta ang tingin ko sa kanya.

Tinigil ko ang pag-tytype ko at nag-cross arms, hindi ko kasi napanood lahat ng nangyare kaya wala akong kamalay-malay. Nasa library ako nung time na iyon ginagawa ang research ko.

"Sinong nag-sabi sayo na sinabotahe ka niya?" malumanay na tanong ko dito.

Kumunot naman ang noo niya "Yung mga kaklase namin, they said na may binabalak si Kim and ayun nangyare na nga"

Nagagalit siya dahil napunta sa wala ang pinag-hirapan nilang magkakaklase, hindi niya na siguro napigilan ang sarili niya dahil nakita niyang wala na talagang saysay ang project nila.

"And tinutukoy mo iyon as an evidence?" tanong ka pa dito

"Aisha come to think of it, kaklase ko na ang nakarinig and sinabi nila na may gagawin sila Kim about the project of the other groups pero nakita nilang sa amin ang lamang kaya ayun kami ang tinarget nila"

Hindi ko nalang mapigilan ang mapasinghap dahil sa sinabi niya. Paano nga kung totoong sinabotahe sila ng grupo ni Kim, pero kasi kulang pa ang ebidensya ni Pia para paniwalaan siya.

"Wait why? Are you against me?" tanong niya sa akin na dahilan para tumaas ang kilay ko.

"Why? I'm just asking a few questions, hindi naman kita sinisisi" simpleng sabi ko sa kanya.

Pabagsak niyang nilagay ang kanyang kamay sa table na dahilan para magkaroon ito ng ingay "Everything is messed up, ano pang ipapamukha ko sa mga magulang ko?" stress na tanong ni Pia sa akin.

"You know what, I'm not taking any sides parehas lang naman kayong may mali" I said calmly

"Wala naman akong ginawang masama---"

"But you grabbed her hair na para bang wala ng kinabukasan, hindi mo man lang kinausap"

When it comes to discipline talaga ay ako ang nangunguna kay Pia, minsan kasi ay didiretsuhin niya kaagad lahat ng kaaway niya the reason kung bakit siya napapaaway.

Kahit na mag-kaiba kami ng klase e' we still keep our friendship, atsaka panatag naman ako sa boyfriend niyang si Jansen.

"Alam mo parehong-pareho talaga kayo ni Jansen, unti nalang mapag-kakamalan ko na kayong mag-kapatid"

"Here she goes again" walang gana kong sabi dahil naririnig ko nanaman ito.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon