Chapter 37

121 8 0
                                    

Northern Nights 
Chapter 37

"What a problematic company you have,mom" I said coldly while checking myself in the mirror, papunta na ako sa opisina para naman matapos ko na ang mga ginagawa ko dahil ayoko ng matambakan ng sobra-sobra.

Kasama ko ngayon sa kotse si Denver at Erin na ihahatid ako, mabuti nalang at maaga silang pumunta sa condo para sunduin ako dahil may ilang meetings rin ang gagawin ko.

"Hindi ko ba alam Aisha, ginagawan naman ng solusyon ng daddy mo" umikot ang mata ko ng mabanggit niya si daddy, muntikan ko ng makalimutan na siya pala ang nandoon para ayusin ang problema.

"Panigurado akong alam na to ng mga staff, puwede bang huwag kayong gumawa ng issue kahit isang buwan lang?" kahit naman ay wala ako sa States ay nakakainis parin na naaapektuhan ang kompanya dito sa Pilipinas.

"Madaming kaaway ang daddy mo--"

"He's arrogant that's the reason why" pag-putol ko kay mommy

"Tumawag ka ba para kamustahin kami o sisihin ang daddy mo?" napikit ko nalang ang mata ko at malalim na napa-singhap.

"Bakit, hindi rin ba ganon ang iniisip mo?" ilang segundo kong hindi narinig ang boses niya, alam ko naman kung gaano niya kinikimkim ang galit kay daddy dahil gusto niya ng buong pamilya pero nawala na.

"You know what, just mind your business there kami na ang bahala dito"

"Kamusta naman yung project mo?" 

"Maayos naman ang lahat" simpleng sabi ko dito, kahit papaano naman ay may nagagawa na sila kahit one week na ang nakakalipas. Mabilis ang mga workers na kinuha ng board members at mabuti rin ang pamamahala ni Van at Nicolai.

"I just want to congratulate you--"

"I need to go, marami pa akong ginagawa" pag-putol ko at nakita ko ang tingin ni Denver na dahilan para tumaas ang kilay ko.

"A-Ahh ganon ba, oh sige ingat ka nalang diyan" nauutal na sabi sa akin ni mommy, pinatay ko na ang tawag at napasinghap muli.

"Ganon ka ba talaga makipag-usap sa magulang mo?" ang tanong sa akin ni Erin na dahilan para tumaas ng kilay ko, wala naman akong ginawang masama.

"What do you mean?" taas-kilay kong tanong

"Halata namang nilalayo mo ang sarili mo dahil nagagalit ka" singit naman ni Denver at parang tumama ito sakto sa puso ko na dahilan para mapa-yuko.

"Alam niyo naman pala, hindi niyo na kailangang mag-tanong" alam naman nila kung ano ang dahilan kaya hindi na dapat sila mag-taka kung bakit ganito ang asal ko sa magulang ko. Nilalayo ko ang sarili ko dahil nasasaktan ako, na kung sino pa ang magulang siya pa ang nag-papababa sa anak nila.

"Gusto mo bang bumalik ng States?" 

"Ano namang dahilan para bumalik pa doon?" I mean wala namang may kailangan sa akin doon at kinamumuhian kong bumalik sa kompanya ng tatay ko, mas okay pa ang buhay ko dito kaysa doon.

"Malay mo mas maganda ang oppurtunity doon--"

"Narinig ko na yan at naloko ako, kaya nga ako umuwi dito para maging maayos ako" ayokong umabot sa punto na walang-wala na ako dahil sa magulang ko, hindi ko naman kayang sirain ang buhay ko sa pag-titiis.

"By the way, may nalalaman pa ba kayo kay Nardo Filemon?" parang nabuhayan si Erin at Denver dahil sa tanong ko, parehong tumaas ang kilay nila sa akin dahil nang-hihingi ako ng information about him.

"Bakit mo naitanong?" tanong sa akin ni Erin, napunta naman sa labas ang tingin ko at inalala ang mukha ni Nardo na naka-tingin sa akin.

"I saw him at the company na para bang hinihintay niya ako" simple kong sabi na dahilan para maalerto ang dalawa.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon