Northern Nights
Chapter 25Do you think am just an ordinary person? Well sa buhay na kinalalagyan ko ay hindi, dahil sa pag-baba ko sa waiting area ay punong-puno ng mga media ang bumungad sa akin.
"Miss Aisha! Pinadala po ba kayo dito ng inyong ama para pamahalaan ang kompanya niyo dito?"
"Miss Aisha, ano pong masasabi niyo sa issue tungkol sa pag-kakasangkot kay Will Anderson na kalaban ng inyong kompanya?"
"Miss Aisha.."
"Miss Lianno.."
"Ma'am.."
Halos madaganan na ako dahil sa dami ng reporters na pumupunta da akin, puro flash at mic ang nakikita ko na dahilan para iyuko ko ang ulo ko. Lalabas ako marahil pupunta na ako sa company para mag-pakita at inaasahan ko naman ang ganitong karaming media.
Sa condo palang ay sinabihan na ako ng staff na maraming media ang nasa waiting area na nag-hihintay sa pag-labas ko, alerto naman si Erin at Denver about the situation. Tinanong ako ng staff if sikreto ba akong aalis but I decline.
Ayoko ng maistorbo ang trabaho nila pero sa palagay ko ay buong condominium ang binibigyan ko ng problema.
Sa pag-yuko ko ay sinuot ko ang shades ko para naman hindi makita ang mga paga kong mata dahil sa hindi ako nakatulog ng maayos.
"Makikiraan lang ho"
"Excuse me"
Sabi ni Denver at Erin na todo ang pag-protekta sa akin laban sa media, mabuti nalang at hindi nila ako pinigilan na dito lumabas sa mismong waiting area.
Ano kayang magiging reaksyon ni daddy kapag nakita niyang pinag-kakaguluhan ang anak niya? Samu't-saring tanong ang naririnig ng anak niya na hindi ba nakakasira sa reputasyon niya?
I don't want to accept that I am just a failure to him, kung hindi naman niya ako ginawang robot niya ay hindi ako magiging ganito. I suffered but now that I'm here, I'm a double bitch.
"Ano pong nararamdaman niyo na nakabalik na ho kayo sa Pilipinas?"
Isang malakas na pag-dabog ang narinig ng lahat at agad akong napa-lunok at napa-hawak sa dibdib ko. Naka-bukas ang bibig ko dahil sa sakit, unti-unti kong tinignan ang tumama sa dibdib ko at doon ko nakita ang isang mic.
Malalim akong napa-hinga dahil doon at unti-unting tinignan ang may-ari nito, natamaan niya ang dibdib ko ng mic niya at sinong nag-sabing hindi yun masakit?!
Fuck! Ang sakit!
Malumanay na napunta sa kanya ang tingin ko pero sa likod ng shades na suot-suot ko ay nag-aapoy na ang mga mata ko dahil sa kapabayaan niya.
Nakita kong unti-unti niyang binawi ang mic niya at takot na tumingin sa akin.
"Aish! Ang sabi ko kasi tumabi kayo eh!" pag-sigaw ni Denver na dahilan para manlamig ang mga mata ko.
Todo parin ang pag-flash ng mga camera habang ako ay nananatiling naka-tingin sa babaeng naka-tama sa akin. Tsk!
Matalim ko siyang tinignan ang kitang-kita na natatakot siya kahit naka-suot ako ng shades. Inangat ko ang unti-unting nalalaglag na shades ko at tinaasan siya ng kilay.
"Be careful, miss" madiin na sabi ko dito at nakita ko ang pag-lunok at ang pag-atras niya ng bahagya dahil sa sinabi ko.
Napangisi naman ako dahil sa itsura niya dahil parang nasa harap niya na si kamatayan, nakakatawa lang isipin na nalalabad ko ang ganito kong ugali at gusto ko ito.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...