Chapter 36

136 9 0
                                    

Northern Nights

"Ano?! Really?!" halos malaglag na ang panga ni Francine dahil sa sinabi ni Nicolai habang ako ay nasapo ang noo ko. Mukhang proud pa siya kahit ayaw ko naman na ligawan niya ako, nababaliw na talaga siya.

Nakita ko si Van na matalim na naka-tingin kay Nicolai pero agad niyang niyuko ang ulo niya "Omg! Parang ilang araw palang kayo nag-kakilala niligawan mo na kaagad Nicolai" tama ang sinabi ni Francine, e' halos hindi ko pa nga kilala tong lalaking to.

Naguguluhan kong tinignan si Nicolai na ngayon ay nakangisi "Pero sa wakas naman ay may manliligaw ka na Aisha" nakuha ni Francine ang atensyon ko na dahilan para pilit akong mapa-ngiti.

"You look together, right love?" tinignan ni Francine si Van na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha but he nod as an answer.

"Let's go Nicolai, marami pa tayong gagawin" malamig na sabi ni Van at nauna ng iwan kami na dahilan para sundan namin siya ng tingin. 

"Sorry, baka bad mood lang...ikaw kasi eh! Late ka" pang-sisisi ni Francine kay Nicolai, hinabol naman ni Francine si Van na papasok na ng construction site.

Nang mawala na sila ay masama ko namang tinignan si Nicolai, tinaasan niya ako ng kilay na dahilan para mariin kong maipikit ang mata ko. Hinawakan ko ang braso niya at sumilay ang ngisi nito.

"Puwede mo namang hawakan ang kamay ko" nakangisi nitong sabi, baliw ka talaga Nicolai dahil mas lalo mo lang pinahirapan ang sitwasyon ko.

"We need to talk" matalim na sabi ko kanya

"We're talking" lumingon-lingon naman ako sa paligid at nakita ko ang mga workers na naka-tingin sa amin. Napatikhim naman ako at masamang tinignan si Nicolai, kailangan ko talagang dalhin sa mental tong lalaking to.

Hinila ko ito palayo sa construction site at napunta kami sa tapat ng playground kung saan ay walang gaanong tao "Bakit mo naman sinabi yun?" naiiritang tanong ko kay Nicolai, umiling ito at ningisian ako.

"Stop smirking! Hindi ka nakakatuwa!" kanina pang umaga kumukulo ang dugo ko sa kanya at baka mamaya masaktan ko na siya.

"Bakit naman hindi? Totoo namang nililigawan kita diba?" now he's looking me with his innocent eyes, gosh! Bakit ba napaka-ganda ng mata niya? Shit! Ano ba Aisha?!

"Pero kailangan bang sabihin mo sa kanila kaagad?" para namang pumapayag ako na ligawan niya ako, ay tse! Mas lalo lang akong mapapa-isip kung ano bang dapat kong gawin sa lalaking ito.

"So pumapayag ka na ligawan kita?" nasapo ko ang noo ko, sabi ko na nga ba ay iisipin niya na pumapayag na ako pero hindi naman.

"Nicolai.." sinubukan kong lambingan ang boses ko dahil sa sobrang nawawalan na ako ng energy kahit umagang-umaga palang. Isipin mo ang dami ko pang gagawin tapos kinaladkad pa ako ng lalaking to.

"Yes babe?" kulang nalang ay tanggalin ko ang utak ko at alugin ito para bumalik sa normal ang pag-takbo nito. 

Napa-pikit nalang ako para ayusin ang isip ko, Lord! Give me patience para hindi mapunta ang kamay ko sa pisngi ng lalaking ito dahil masakit talaga ako manampal.

"Okay, okay... don't stress yourself" nang minulat ko ang mata ko ay halos malaglag ang puso ko ng malapit ang mukha niya sa mukha ko. Para akong naging yelo dahil sa inosenteng tingin nito sa akin.

"Alam mo namang wala akong nararamdaman sayo diba" malamig kong sabi, pilit na nilalabanan ang tingin niya sa akin. Please lang naman, tumigil ka na para hindi ka na masaktan Nicolai.

Pero imbis na masaktan ay bumungad ang ngiti sa mapula nitong labi, opposite ba talaga ang nararamdaman niya? Bakit parang happy pill lang ito palaga?

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon